Chapter 33 - Catch Up

1.1K 38 13
                                    

The party is over...their friends and relatives were all happy and thankful for being part of that very very special event.

Sam's parents were so proud of their son dahil magaling pumili ito. Boto naman talaga sila kay Sarah para sa kanilang anak noon pa man. Nauna na silang umuwi kasama ang kapatid ni Sam where they usually stay habang nasa Pinas.

Syempre pa, nagpaalam na rin ang parents at mga kapatid ni Sarah.

"Anak...uuna na kami ha, mag-ingat kayo sa pag-uwi."

"Opo Mommy, ingat din kayo. Daddy...ingatan si Mommy at sila Ate...haha"

"Lokong bata ito....ako na naman ang pinagsabihan...kayo ang mag-ingat. Sam, yang Prinsesa namin ha....ikaw na ang bahala.."

"Opo..Daddy Delfin, makakaasa po kayo."

"Sam, hijo....salamat ulit sa pagmamahal mo sa anak namin. " Maluha luha pa rin si Mommy Divine.

"Ako po ang dapat mag-thank you sa inyo dahil pinagkatiwalaan nyo po ako."

"Pinatunayan mo naman sa amin hijo kaya naman tiwala kami sa'yo. O sige, ayokong maiyak pa ulit dito. Ihatid mo na lang ang dalawang yan sa condo. Ewan sa anak kong yan, sabing dun na lang sa bahay ayaw namang pumayag. Bahala ka na Aida sa alaga mo...." May halong tampo ang pahayag ni Mommy Divine. Natatawa lang naman si Ate Aida.

"Mommy naman....promise po bukas maaga ako sa pupunta sa inyo. Di ba po napag-usapan na natin yun?"

"O sige na....sige na....aalis na nga kami, basta bukas pumunta ka kaagad sa bahay ha?"

"Opo..... Bye mga Ate....Gab, wag pasaway ha...." Nag-beso sya sa mga kapatid at sa Mommy at Daddy nya.

"Ako pa!!! Buti na lang mag-aasawa ka na, para hindi mo na ako awayin...." Sagot ni Gab.

"Weehhhh...ako nga inaaway mo eh..."

"Tama na yan....kayong dalawa parang bata pa rin eh...tara na..Sarah, bukas ha agahan mo ang punta sa bahay."

"Opo Mommy...sige na po."

"Ingat po kayo." Paalam din ni Sam.

"Haayyy....such a long day...." Sarah yawned.

"So wifey....shall we go? Parang gusto mo ng matulog..."

"Mr. Milby, bakit ganyan ang ngiti mo ha? "

"Bakit? Masama bang maging masaya?"

"Weeehhhhh....parang iba ang dating eh.....anyway, mabuti pa ngang umuwi na tayo...marami ka pong dapat ikwento mamaya."

"Baka pwedeng bukas na lang? We need to rest remember? Antok ka na nga eh..."

"Basta.....you have to explain mamaya..." Sabay pitik sa tenga ni Sam...

"Okay....hindi naman ako mananalo sa'yo..."

"Good....buti alam mo..hahaha."

Tahimik lang na nakikinig si Ate Aida sa kanilang dalawa. Pagod na rin kasi sya at napapapikit na sa sobrang antok.

"Ssshhh...Hon...wag kang

maingay...tulog na yata si Ate."

"Gising pa ako....sige lang tuloy nyo ang kulitan na yan para kiligin naman ako at di ako makatulog..."

"Kaloka ka Ate, ginawa mo kaming teleserye haha..." Sabay hampas ni Sarah kay Sam.

"Haayy....ang sakit na ng braso ko Hon kanina ka pa kasi...sa bagay na-miss ko rin yan..."

How Will I Know? -AshSam StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon