Chapter 15 - The Beauty in You

1.6K 29 13
                                    

Bakit Sam? Anong problema nyan?

Ayaw mag-start eh....bumaba ulit si Sam para i-check ang sasakyan...tsk tsk tsk....how can I fix this....

Naku paano ba yan ang dilim pa naman...kaya mo bang gawin yan?

Delfin...silipin mo nga yung dalawa dun sa labas, parang ang tagal naman yatang magpaalam nun. Utos ni Mommy D sa asawa.

Oo nga ano, ano bang ginagawa ng dalawang yun...sumilip si Daddy sa bintana...naku eh nasiraan yata itong si tisoy, mapuntahan nga.

Pambihira naman talaga...magtatagal pa yata...bulong ni Mommy Divine.

Ano bang nangyari dyan Sam?

Tito, ayaw pong mag-start...

Tingnan ko nga....Sarah kunin mo yung flashlight sa loob..

Pumasok naman si Sarah para hanapin ang flashlight.

Hijo, may check engine bang lumabas kanina? Baka naman battery problema nito....sinubukan din ni Daddy Delfin ang jumper, wala talaga....medyo natagalan si Daddy Delfin na mahanap kung ano talaga ang sira ng sasakyan ni Sam.

Okay naman po kanina ang takbo nyan, ano po kayang nangyari?

Naku, sa tingin ko kailangan mo talaga ng mekaniko, may papalitan siguro dito....pasok na dun sa loob, lumakas na naman ang ulan.

Paano po yan Daddy, hindi kagad magagawa yan?

Sino naman ang gagawa ng ganitong oras...umuulan pa? Eh, siguro bukas pa natin maaayos yan, may trabaho ka ba bukas?

Sa hapon po ang taping namin tomorrow.

Oh eh di, siguro dito ka muna matulog.....dun sa kwarto ni Gab. Dapat kasi bago ka umalis sinisiguro mong okay ang sasakyan mo lalo na malayo itong lugar namin.

Pasensya na po, nakakahiya tuloy sa inyo, naistorbo ko pa kayo.

Wag mo nang intindihin yun, nangyayari talaga yan, o paano may damit ka bang dala? Eh matulog na tayo at gabing gabi na.

Opo, kukunin ko na lang sa sasakyan. Thank you po talaga.

Gab, ayusin mo yung kwarto at doon siya matutulog. Sumunod naman kaagad si Gab.

Delfin, tingnan mo ang nangyari, dito pa ngayon matutulog yan, ikaw kasi.....naiinis si Mommy Divine kaya nauna na syang pumasok sa kwarto.

Sarah, ikaw naman matulog ka na rin, baka magkwentuhan pa kayo dyan. Bilin ng Daddy nya bago sumunod kay Mommy D.

Opo, isasara ko lang po yung mga pinto. Hinintay ni Sarah na makapasok si Sam.

Nakakahiya naman sa kanila, sorry talaga ha, badtrip talaga yang SUV na yan...tsk tsk tsk. Napakamot sa ulo si Sam.

Ano ba, hindi mo naman kasalanan yun. Sige na sumunod ka na kay Gab, dun ang kwarto nya sa kaliwa, pag may kailangan ka sabihin mo lang ha wag kang mahihiya. Goodnight.....

Goodnight....Bella....

Hmmmmmmm....bakit ganyan ka makatingin? Naku naku ikaw talaga...sabay tulak kay Sam....sige na papatayin ko yung ilaw.

Sarah.......ano ba yan, matulog na sabi....sumilip ulit si Mommy Divine.

Opo Mommy....ikaw kasi sabi ko goodnight na! Bulong ni Sarah kay Sam.

Okay okay....see you tomorrow....mauna ka ng pumasok kasi.

Ang kulit! Sige na! Pumasok na nga si Sarah sa room nya. Abot tenga na naman ang ngiti ni Sam.

How Will I Know? -AshSam StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon