Chapter 47

12.2K 299 71
                                    


KATHRYN's POV


Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkatulala sa kisame buong umaga nang makarinig ako ng katok.

Tumayo na ako bago ayusin ang sarili. I was slowly walking towards the door. Nag-iingat lang ako dahil medyo mabigat na rin ang katawan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang bumungad sa'kin si Daniel. Napakasimple ng suot niya at may dala siyang paperbags. Ini-expect ko naman 'to dahil sa sinabi ni Daddy kahapon.

Gusto kong pigilan si Daddy dahil hindi siya nakiayon sa plano ko. Ayokong makilala ng batang dinadala ko si Daniel. Natabunan na ng pagkamuhi ang aking puso simula ng mangyari 'yon. Simula ng pabayaan niya kaming dalawa. Kaya ko namang buhayin ang batang 'to. Pupunta kami sa ibang bansa at doon papalakihin, pero mukhang hindi ito ang gusto ni Daddy. What he wants, he gets.

"Ang sabi ko, anong ginagawa mo dito?" ulit ko pa sa tanong ko at umiwas ng tingin. Kumikirot ang puso ko sa tuwing naalala ko ang ginawa niya.

"Pinapunta ako dito." simpleng saad niya at pinagpasadahan ako ng tingin. His gaze stop at my small baby bump.

"Well, I don't need you. Kaya pwede ba umalis ka na."

Binalik niya ang tingin sa'kin. "I know you hate me by now. But Kathryn, I'm so so-"

"You don't need to say sorry becuase your sorry won't change a thing."

"Ka-"

"Umalis ka na pwede ba?" I shooed him away. Itinulak ko pa siya, "Leave me alone."

"I'll stay here. Gusto ko lang naman bantayan ka." pagsusumamo niya pero randam kong hindi siya sincere.

Napabuntong hininga ako. Ang kulit talaga. Hindi ko inaasahan na magmamakaawa siya na pumunta dito matapos ang lahat ng nangyari sa'min. Nakakapanibago.

"Look, Daniel, after what you did? Pagkatapos mong sabihin na umalis ako? Pagkatapos mong sabihin na kalimutan nalang ang lahat na meron tayo? Pagkatapos mong sabihin na mali ang pagmamahalan natin? May gana ka pang magmakaawa?"

Umiwas siya ng tingin at binagsak ang mga mata sa sahig. "I want to make sure na safe kayo..kayo ng anak natin."

"Anak natin," tumawa ako ng sarkastiko. "You're pathetic. Anak ko 'to. Ako lang naman ang lumaban para sa kaniya. The moment you just looked us like nothing, I despise you! Ayokong magkaroon ka ng karapatan sa anak ko. Papalakihin ko siya ng mag-isa, kahit wala na ang tulong mo. Selfish na kung selfish, pero mas selfish ka. Sinaktan mo ako. Sobra-sobra."

Napalunok ako. I'm not mad at him. Na kahit anong gawin niya ay hindi ako kailan magagalit sa kaniya, pero natapakan ang pagkatao ko. Eto naman ang gusto niya 'diba? Ang lumayo ako?

"Sorry.." he looked at me. Parang bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin. There is something in his eyes, "How many do I have to say sorry, Kathryn? Pinagsisihan ko na 'yun."

"Ayoko ng awa mo. Kung napipilitan o hindi kaya nakiusap ang mga magulang ko sa'yo, umalis ka nalang. We don't need you here." matigas na sabi ko at tinulak muli siya.

Pero sadyang malakas siya at hindi siya nagpatinag. Ayokong magpwersa at baka masaktan ang baby ko. Napakatigas ng ulo ng tatay niya.

"I'll stay here.."

Napahawak ako sa sentido ko. Damn, life. "Sumasakit ulo ko sa'yo, Daniel. Umalis ka nalang, please..."

Napapikit ako and the next thing I knew, nakasara na ang pinto. I opened my eyes and let out a huff. Napasandal ako sa pinto bago hawakan ang dibdib ko.

We're Secretly Married (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon