Chapter 41: The Revelation

1.1K 37 4
                                    



CHAPTER 41: THE REVELATION


"Just one question."

"Wh-what is it?" she sniffed.

"How did you come across Carl? Paano kayo nagkakilala?"

Nakaupo kami ngayon sa isa sa mga benches ng garden sa labas ng bahay ni Martin. I was still in shock and confused dahil sa ginawang pagmamakaawa ng babae sa tabi ko ngayon. Hindi ako makapaniwala because I know how high-hearted this woman is – or was?

Ang magagawa ko na lang siguro ngayon ay paganahin ang reasonable and logical part ng utak ko.

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga.

"I just received a call the night I got home from Martin's condo. Remember the day we first met? That's it."

"Yeah, that was the time when you almost killed me with your words." I said matter-of-factly.

"I'm sorry."

Ako naman ngayon ang nagbuntong-hininga. Nagpapalabas yata kami ng masamang hangin sa gabing ito. "Please stop saying sorry. I accepted your apology. Pero aaminin ko sa'yo, I'm still being cautious on whatever your motive is. You understand, right?"

"Yeah. After all I've done, alam kong hindi talaga madaling paniwalaan."

"Good."

"Umm... pasok na tayo sa loob, Chloe. It's getting cold outside."

Sabay kaming pumasok papunta sa bahay. Hanggang ngayon, lutang pa rin ako. Eto kasi 'yung mga eksenang malayo sa inaasahan ko.

"Ah, wait Chloe!" I stopped walking with my cane and gave him a quizzical look. Ano na namang sasabihin niya? "To make it up to you, I want to give something. A gift."

"H-ha?! Ano ka ba! 'Wag na!"

"I insist."

Nagulat ako nang hinawakan niya ang braso ko at marahan akong hinila. Nakaladkad ko tuloy 'yung tungkod ko.

"Wait here!" she said.

"T-teka – "

Pero mukhang nagpatuloy na siya sa paglalakad dahil papalayo na ang kanyang mga hakbang. That woman is really weird.

Umurong ako at napasandal na lang sa pader. Guess, I'll wait for her. Di ko pa rin naman kabisado ang malaking bahay kaya no choice ako. Baka kung saang lugar o kwarto pa ako mapadpad!

Wait. Nilapit ko ang tenga ko sa pader. Are there voices? Nang sinundan ko ng aking kamay ang pader, mas naging malinaw ang mga boses. It peeked my curiosity dahil pamilyar sa'kin ang tono nito. Sounds like Harvey.

Nakumpirma ko na boses nga 'yun ni Harvey nang makarating ako sa dulo ng pader. Natakot ako sa paraan ng pagsasalita niya, galit na galit. Papasok na sana ako nang makarinig ako nang malakas na pagbangga at pagbasag. Napaatras ako muli at bumalik sa likod ng pader.

"Eh gago ka rin pala noh?! Iningatan ko siya tapos aangkinin mo lang?! Tangina pare!"

"Are you done?" Napatakip ako ng bibig nang makilala ko ang boses ni Martin. I want to stop whatever's going on there but I can't seem to move.

"Hindi pa!" At nakarinig ako ng matutunog na mga suntok at ang naghahabol na mga hininga.

May narinig akong dumura.

"If you're expecting me to say sorry, I won't." Nahihirapan ang boses ni Martin. "Hindi ko pinagsisisihan ang nangyari sa'min ni Chloe!"

Dahil... dahil sa'kin kaya sila nag-aaway?!

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon