Chapter 12: The Suspect

3.5K 84 29
                                    

CHAPTER 12: THE SUSPECT

“Oh, the boyfriend is here.”

Napangiwi ako ng ibulong niya sa’kin ang mga katagang iyon. Buti na nga lang at pabulong niya sinabi sa’kin kundi sobrang nakakahiya talaga kapag narinig ni Harvey!

“Kung may bahay man siyang tutuluyan, sa akin ‘yon.”

Napalunok ako pagkarinig ko sa medyo naiirita niyang tono.

“Hindi naman ako pum-“ pagsisimula ko pero pinutol niya ang sasabihin ko.

“Sino ka ba sa kanya?”

Lumingon ako sa direksyon niya ng nakakunot-noo.  How dare he! Konti na lang puputok na ang buste ko sa sobrang- ARGH! Ano bang klaseng tanong ‘yan?!

“B-bestfriend niya.” Pautal-utal na sagot sa kanya ni Harvey. Yung boses niya parang napipilitan pero pagalit. “Ba’t ko ba sinasabi sa’yo ito?!”

“You’re just bestfriends?”

Napasapo ako sa aking noo. Oo nga pala, hindi alam ni Harvey na nagsisinungaling ako dito sa doktor na’to.

Hinintay ko ang sagot niya at nung wala akong marinig galing sa kanya, ako na ang sumalo. “A-ano naman sa’yo?”

He chuckled. Shoot. Paniguradong alam na niya na nagsisinungaling ako.

“I’m your doctor, Chloe. I know what’s best for you.”

“At hindi ko alam yun?!” sabat naman ng isa. Medyo lumakas na ang boses niya. Tatayo na sana ako para lapitan siya pero marahan akong pinaupo ulit ni Martin. Bagkus, siya ang naramdaman kong tumayo.

“I don’t think we’re formally introduce. I’m Martin Cristobal. DOCTOR of your BESTFRIEND.”

Ano ba ‘tong nararamdaman ko? Bakit parang ang bigat ng hangin dito? Nakakasuffocate yung aura. Parang gusto ko na lang na lumabas at iwan sila dito sa loob.

“Tapos ka na ba sa kanya? Kasi ang alam ko, hanggang ospital lang ang trabaho ng mga DOCTOR.”

“Ano bang meron sa inyo?!” Hindi ko na napigilang sumingit sa usapan nila. Bakit ganyan na agad sila? Ngayon lang naman sila nagkausap pero bakit parang ang iinit na ng dugo nila sa isa’t-isa?

“Wala naman.” Sa kanilang dalawa, si Martin ang mas kalmado. “Guess, I’ll better leave now. Think about it, Chloe.”

Nakarinig ako ng mahinang pagsara ng pintuan at malalim na pagbuntong-hininga na alam kong galing kay Harvey.

Tumayo ako at sinundan ang kanyang amoy.. amoy na naging sobrang pamilyar na sakin. Nang alam kong nasa harapan ko na siya, hinanap ko ang kanyang balikat at pinisil ito. “Pagpasensyahan mo na siya, Harvs. Suplado talaga ‘yun.”

Sightless Love [COMPLETE]Where stories live. Discover now