Chapter 35: Say Goodbye Part 1

6K 227 13
                                    


Chapter 35: Say Goodbye Part 1

"Wonderland?!" Sigaw ko

Nginitian naman niya ako ng malapad at hinila papasok sa Wonderland na yon.

Ang ganda! Oo nakakatuwa! Oo nakakalibang! Pero may Roller Coaster! Ayoko!!! Natatakot ako.

"Doon muna tayo sa Rio Grande." Sabi niya sabay hinila ako

Nagpahila naman na ako, haha! Gusto ko to! Waah! Gusto kong mabasa! Waah! Pero ang haba ng pila, hayst. Yung iba kasi nagfifieldtrip pa eh. Speaking of fieldtrip, kelan kaya yung fieldtrip ng AU? Well, nevermind.

After 10 minutes ay kami na yung sasakay sa boat, eksayting to. Habang dumudulas yung boat namin ay nagkikilitian kami ni Kevin. Don sa may falls, ang nabasa ay ako. Yung boat kasi, habang umaandar, umiikot yon. Kaya tsambahan lang ang mababasa.

Nung natapos na kami, yung buhok namin basang basa, yung damit ko basang basa! Eh si Kevin kasi nakapolo tapos may tshirt sa loob kaya medyo okay pa siya.

"Don naman tayo sa flying fiesta!" Sabi niya na tuwang tuwa

Waah, gusto ko rin diyan! Haha! Mabilisan lang yung pila dahil sa isang rides, marami naman yung seat. Nung nakasakay na kami, ang sarap ng hangin, nakakalibang. Para kang nasa duyan, waah. Pinaka-gusto ko to. Tuwang-tuwa naman kaming dalawa ni Kevin.

After nun, ay naglakad-lakad muna kami. Hanggang sa mapunta kami sa souvenir shop.

"Ay tanga!" Sabi ko

"Oh, bakit?" Pagtatanong niya

"Wala tayong extrang t-shirt diba?" Pagtatanong ko

"Ay, oo nga! Tapos sumakay pa tayo sa flying fiesta! Bakla lagnatin ka." Sabi niya

"Oo nga eh. Pero malakas naman resistensya ko noh." Sabi ko sabay pakita ng muscle ko

Meron nga ba? Haha

"Bili na tayo ng t-shirt dito, para maagapan agad. Kaso mukhang huli na ata eh, natuyuan na tayo eh." Sabi niya

"Okay lang yan, edi souvenir nalang!" Sabi ko sabay hinila na siya sa loob

"Bili muna tayo ng t-shirt, mamaya nalang yung iba. Para hindi mahaba yung pila." Sabi niya

Tumango naman ako. Pumunta ako sa mga damit. Namili naman ako. Buy 1 take 1, 180 pesos, pwede na to.

"Kevin! Dito nalang oh." Sabi ko

Lumapit naman siya at tinulungan akong maghanap. Hanggang sa may napili siya.

"Eto oh! Sayo to, I LOVE WONDERLAND." Sabi niya

"Wow, ang cute. Simple lang siya." Sabi ko at sinukat

Ganto yung itsura. I tapos yung love, heart sign. Tapos yung dobolyu, malaki tapos may angel sign sa taas nun, tapos onder, tapos yung land, as in land art. Haha, ang cute ng pagkadesign!

"Bagay ba?" Pagtatanong ko sa kanya

"Bagay naman lahat sayo eh." Sabi niya ng nakangiti

"Ewan ko sayo! Oh, asan na yung iyo?" Pagtatanong ko

"Eto oh. NO, IT'S HER. I LOVE HER ." Sabi niya ng nakangiti

Yung after ng Her na word nakaturo pa sa kaliwa. Parang ako yung pinapahiwatig ng t-shirt.

"Bakit yan?!" Sigaw ko sa kanya

"Sige na, ang kyut kaya pag pareho nating isinuot." Sabi niya ng tumatawa

No choice ako kaya pumayag na rin ako. Mukha tuloy kaming magcouple. Hayst.

"Gutom ka na ba?" Tanong niya sa akin

Tumango nalang ako, aba syempre wala ng atrasan to ah! Tiba tiba ako dito, haha XD

Pumunta kami sa may shop na Eating Time. Umupo naman na kami, at nagtawag siya ng waitress.

"Hello, Mam and Sir. Good Afternoon. You two look great po." Sabi niya sabay ngiti

"Ah, talaga? Haha, salamat. Bagay daw tayo." Sabi niya sabay kindat sa akin

Inirapan ko nalang. Sus.

"Large pizza, 2 large coke, 1 bucket of chicken, 2 burger steak with rice, at 2 large fries." Sabi niya

"Got it, Sir." Sabi niya sabay ngumiti

Aalis nasana yung waitress ng tawagin ulit ni Kevin.

"Sir, bakit po?" Pagtatanong niya

"Mamaya na yung tip mo." Sabi niya sabay ngumiti

Tumawa naman yung waitress.

Tumatawang tinignan naman ako ni Kevin.

"We look great daw. Haha." Pang-aasar niya

"Andami mong inorder! Ano akala mo sakin, baboy?" Pagtatanong ko sa kanya

"Aha, pasalamat ka, mabait ako at hindi ko iniisip yon! Alam ko sa mga mata mo, na gutom ka na... kanina pa!" Sigaw niya sa akin

Niresbakan ko naman siya. Gutom na gutom na nga ako, haha nababasa niya yung isip ko! Edi siya na magaling.

Maya maya, dumating na yung order namin. Habang kain ako ng kain, tinitigan niya ako ng matagal. Pinabayaan ko nalang siya at kumain nalang ako ulit. At nung tumagal naman, di ko na kinaya, kaya tumingin na rin ako sa kanya.

"Ano ba---" Sigaw ko sa kanya ngunit di ko naituloy dahil pinandong niya yung hintuturon niyang daliri sa bibig ko para mapatigil ako sa pagsasalita.

"Shh. May tatanggalin lang ako." Sabi niya sabay punas sa gilid ng labi ko gamit yung hintataba niya

"Halika na. Dalian mo. May dalawang rides pa tayong sasakyan." Sabi niya at tumayo

"Anong rides naman yon?" Pagtatanong ko

"Malalaman mo kung tatayo ka na diyan." Sabi niya sa akin sabay hila sa akin patayo

Kinaladkad na niya ako hanggang sa mapunta kami sa...

"ROLLER COASTER?!!!" Sigaw ko sa kanya    


(A/N: Sa totoong buhay, takot talaga ako sa roller coaster! Kayo ba readers? Haha comment and vote!)



The Campus Heartthrobs Meets The Campus NerdsWhere stories live. Discover now