Chapter 40: Jak-li (JAKE + ALESSANDRA)
Preii's POV
Pagkatapos ng ganapan na iyon ay nagdecide kaming bumalik muna sa kanila-kanilang mga klase."Ah, sige Rex. Pasok na kami ah? Kayo kasi eh, hinatid niyo pa kami. Malelate na kayo niyan." Sabi ko kay Rex
"Okay lang yon, mahal. Atlis naihatid namin kayo ng safe dito diba?" Sabi niya sabay ngiti
Napatingin naman ako kila Ali na sila Jake din ay mga nagpapaalam din.
"Safe talaga ah? Rex, nasa school naman po tayo, wala po tayo sa daan noh." Natatawang sabi ko kay Rex
"Haha, kahit na noh. Eh pano kapag nadulas ka? O natapilok diba? Sinong sasambot sayo? Eh wala naman ako sa tabi mo." Sabi niya gamit yung malungkot niyang boses
"Asus, nako. Wag mo na akong alalahanin, okay? Malaki na ko!" Pagrereklamo ko sa kanya
"Hindi noh, para sa akin baby ka parin!" Sabi niya atsaka gigil na gigil na pinisil yung ilong ko
"Che! Wag mo nga akong ganyanin, papango ako!" Sigaw ko
"Maging pango ka man, mahal parin kita." Sabi niya sabay kindat
"Che, ewan ko sayo! Kanina ka pa ah!"
"Oy tama na yang sweetness overload niyo ha? Nasa school po kayo." Pang-aasar ni Alyanna
Nagsitawanan naman yung walo.
Kumaway naman na kami sa kanila atsaka pumasok na sa room.
Pagkatapos ng klase ay may mga tumili.
"Waah! Andiyan na sila!" – Girl 1
"Bakit naman sila nandito? Eh sa taas pa yung room nila!" – Girl 2
"Haler, hindi niyo ba alam?" – Girl 3
"Na ano?" – Girl 1
"Huli na kayo sa balita, girls! May bagong nililigawan yung heartthrobs!" – Girl 3
"Weh? My gosh! At sino naman? Ang swerte ha!" – Girl 2
Pumasok naman sila sa room atsaka isa-isa kaming nilapitan.
"Hello, mahal." Sabi niya sabay kinuha yung bag ko
"Wait, wait, wait! Teka, saan tayo pupunta?" Pagtatanong ko
"Sa labas nalang tayong lahat mag usap-usap." Sabat ni Jake na dala pa yung bag at kaakbay si Ali
Nagsilabasan naman kami at nagpunta kami sa parking lot.
"So, saan tayo pupunta?" Pagtatanong ko
"Magde-date tayo." – Terrence
"Date? Eh andami natin!" – Alyanna
"Ganon na nga. That's what we called GROUP DATE." Sabay sabay na sabi ng limang lalaki atsaka kami inaya papasok sa kani-kanilang mga kotse
Alessandra's POV
"Hi babe! Ngayon solo na kita, haha!" Mapanglokong sabi ni Jake
"Ewan ko sayo, magfocus ka na nga lang sa pagda-drive mo at baka mabangga pa tayo!" Sigaw ko sa kanya
Tumahimik naman siya, maya maya naramdaman ko ang init ng balat niya na humawak sa kamay ko.
"Oy, tsansing ka ah!" Pagrereklamo ko
Tatanggalin ko sana yung kamay ko ng mas higpitan pa niya yung hawak niya.
"Uh-uh! Akin ka ngayon atsaka okay lang yon noh! Nanliligaw naman na ako eh." Sabi niya sabay hinalikan yung kamay ko
"Hoy, nanliligaw ka pa nga lang! Kaya wala ka pang karapatan noh!" Sabi ko sabay palo sa kamay niya
Tinanggal naman niya yon atsaka yung mukha niya umakting pang malungkot. Kapal ha, porket gwapo siya? Haha, oo gwapo naman niya talaga eh.
Maya maya napa-stop kami kasi may babaeng nasiraan ata ng kotse. Bumaba naman si Jake.
Aba, iniwanan ako?! Binaba ko naman yung bintana para marinig ko sila.
"Miss, is there a problem?" – Jake
Tsk, magtatanong pa siya eh halata namang nasiraan, tsk!
"Ah, yes. I don't know how to do this, I am not good on this. Can you help me?" Sabi ng babae sabay ngiti
Che, kalandian naman ng babaeng yan! Tsk, tapos yung suot niya?! Mygash! Nagdamit pa siya ah! Dapat nag-panty at bra nalang siya! Nahiya pa eh.
"Sure. I can fix this in a minute." Sabi ni Jake at pumunta sa likod ng kotse ng babae
Binuhat niya yung gulong atsaka inayos-ayos. Yung babae naman, ayon pumwesto. Tsk, pustahan may gusto to kay Jake! Hayst, kainis!
"Matatapos na ba yan?" Seducing voice ng babae
Kapal niya ah, eto namang si Jake, kainis. Nagpapaapekto, tapos yung talatang sinabi niya na pag nakakakita siya ng sexy, hot at magandang babae ay binabalewala na lang niya, tapos ano tong nakikita ko?! Sa harapan ko pa talaga ah? Ano to, SINE?!
"Okay na miss." Sabi ni Jake at ngumiti
Pa-gwapo pa ang potek! Mukha namang pugo! Tsk! Unggoy! Unggoy! Mukhang unggoy!!!!
"Thanks." Sabi nung babae atsaka ipinandong yung dalawang kamay sa leeg ni Jake
Atsaka hinalikan siya sa pisngi.
Aba, walang hiya kaya ang ginawa ko ay sinuntok ko ng malakas yung manibela at umalingaw-ngaw ng malakas yung busina niya. Hindi lang isa, tatlong beses pang mahaba!
"Oh sige miss, babye na." Aligagang tumakbo naman si Jake pabalik sa sasakyan niya"Babe, are you okay?" Pagtatanong niya
"Sa tingin mo?" Saglian ko siyang tinignan atsaka tumingin din ulit sa harapan
"So-sorry babe." Sabi ni Jake atsaka pinaandar na yung sasakyan
Napatingin naman ako kay Jake, ha! Kita mo, walang hiya, halatang-halata na nakipaghalikan!
Kinuha ko naman yung panyo ko sa bulsa atsaka dinukdok sa pisngi niya."Oh ayan! Nakakahiya naman kasi sa lipstick mark mo na akala mo ay mawawala na lang bigla kung tititigan ko lang ng buong magdamag!" Sigaw ko
Kinuha naman niya yon atsaka nakatingin sa aking pinupunasan yon.
"Anong tini-tingin tingin mo diyan?!" Sigaw ko
"Nagseselos ka ba?" Pagtatanong niya
"Oo---ay hindi!" Sigaw ko
"Asus, nagseselos ang babe ko! Haha, baka gusto mo babe, na ikaw ang halikan ko?" Nakakalokong sabi niya
"Ang kapal ha! No thanks nalang kung isang Jake Marquez ang hahalik sa akin!" Sigaw ko
"Asus, dali na babe! Dali na, kiss na kita. Ayiee." Pang-aasar niya pa
Nakanguso naman siyang nilalapit sakin yung labi niya
"Utot mo!" Sigaw ko sabay tinulak ng malakas yung mukha niya
"Ayos na yon, ilang beses naman na kitang nanakawan ng halik eh." Sabi niya habang nakangiti
"Wow! Ang kapal a---" Napatigil ako kasi hinalikan niya ako bigla
"Kasama na rin tong ngayon." Sabi niya atsaka ngumiti
(A/N: Waaah nakakakilig si Jake! Haha grabiti! Magnanakaw ng halik! Kinilig ba kayo readers? Basahin ang susunod, yung mga fans naman ng Aly-Ence, kiligin na kayo! Haha!)
YOU ARE READING
The Campus Heartthrobs Meets The Campus Nerds
Teen FictionThis is about the two groups, the 'nerds' and the 'heartthrobs.' This story is suit for the millenials, they can relate in the story. This story is a rom-com, LOVE is the most powerful emotion that a person can feel. So this is the question, would L...