(A/N: Walang nakatama na sagot haha para fair hindi ko nalang idededicate yung mga nakasagot haha. Anyway, kindly play the video kapag nasa POV na kayo ni Michael, para mas dama haha!)
Preii's POV
Nang bigyan ako ni Zhyrah nun ay sakto namang dumating si Rose at agad ko itong tinago. Ewan ko ba kung bat ko biglang tinago, kusa yung katawan ko ang nagtago nun at ewan ko kung bakit.Nang matapos na kami makapaghanap hanap ng bulaklak ay agad kaming pumunta sa classroom. Hindi ko alam kung ano ang pinapahiwatig ni Zhyrah pero parang gustong gusto kong malaman kung ano yon. May gusto siyang sabihin na hindi niya masabi, hindi ko alam kung ano.
Nakatingin lang sakin ng seryoso si Zhyrah buong magdamag, tinitignan niya kung nalalaman ko na ba yung misteryosong bagay na binigay niya sa akin. Anong meron sa patay na rosas?
Nung natapos na ang klase ay lumapit sa akin si Zhyrah at bumulong.
"Mag ingat ka sa paligid, hindi mo alam tinitira ka na pala." Bulong niya atsaka naglakad na silang sabay ni Shany
Kaya pala napapansin kong close na sila ni Shany, matagal na silang magkakilala, tulad na lang nung nalaman naming sila pala yung tumulong samin.
Hindi ko kasabay ngayon si Rex dahil may meeting na naman sila ng staff ng AU, pinagplaplanuhan na ata nila ang pagpapalaki ng AU atsaka sa pagtulong sa mga mahihirap. Magtatayo din sila ng isang school ng AU para sa mga mahihirap na bata na hindi nakakapag-aral.
Michael's POV
Hanggang ngayon naaalala ko parin ang mukha ni Kimmy, hinding hindi ko siya makakalimutan. Nasa lighthouse siya, siya yung nakita ko! Hindi ako namamalikmata kaso nawala nalang ulit siya na parang hangin. Asaan ka na ba?Si Kimmy ay yung kababata kong babae, palihim ko siyang minamahal dahil alam ko sa sarili ko na pag umamin ako, masisira ang pagkakaibigan namin.
Limang taong gulang palang ako nun, pero jusko nainlove na ako sa kanya. Mataba siya nung bata, maputi, maganda ang mahaba niyang buhok na hanggang bewang at ang kanyang pisngi na parang siopao ang sarap sarap pisilin. Naiinis na nga lang siya sa akin kapag nasasaktan na siya sa sobrang lakas ng pagkapisil ko.
Hanggang sa pitong taong gulang na ako, dalawang taon ko parin siyang lihim na minamahal, buti nga at hindi niya napapansin ang paghaplos ko ng buhok niya sa tuwing natutulog siya sa mga hita ko, na inilalapit ko ang mukha ko sa mukha niya kapag naglalaro siya sa cellphone niya, hindi niya napapansin na sa tuwing uwian ng klase namin ay buhat buhat ko ang bag niya, doon ko lang naipapakita ang pagmamahal ko sa kanya.
"Hmm, Kimmy pano kapag may nanligaw sayo?" Tanong ko
"Nanligaw? Tsk, bata pa ako at wala yan sa bokabularyo ko." Sabi niya habang sinusuklayan ang buhok ng manika niyang barbie
"Wala ka bang crush sa school natin?" Tanong ko
Nakita ko naman na namula ang pisngi niya. Paniguradong meron.
Tumango naman siya, sigurado yung Ken na lalaking yon! Yung laging nakabuntot kay Kimmy, kaya nga minsan gusto ko nalang sapakin yon eh! Ewan ko ba kung bat sa gantong edad ako nahulog sa isang babae.
Marami namang babaeng mas maganda at sexy pa kay Kimmy pero bakit Kimmy parin ang sinisigaw ng puso ko? Peste.
"Sino naman?" Umiirap na tanong ko
"Secret! Hoy ikaw ah, kanina ka pa tanong ng tanong tungkol sa love love love na yan! Ikaw ah, siguro may gusto ka noh?!" Tanong niya
Nagulat naman ako sa tanong niya at agad kong naramdaman na uminit ang pisngi ko. Gusto kong sabihin na "Oo, ikaw." kaso hindi ko magawa, ayokong iwasan niya ako at ayokong masira ang nag iisang relasyon ko sa kanya.
YOU ARE READING
The Campus Heartthrobs Meets The Campus Nerds
Teen FictionThis is about the two groups, the 'nerds' and the 'heartthrobs.' This story is suit for the millenials, they can relate in the story. This story is a rom-com, LOVE is the most powerful emotion that a person can feel. So this is the question, would L...