Si Segunda ay may makahulugang mga mata. Tumatamlay kung minsan, namumula ang kanyang pisngi kapag siya'y ngumingiti na kabigha-bighani sa aking paningin. Hindi ko alam kung anong nagpapaakit sa akin, hindi siya ang pinakamaganda babae na nakikita ko ngunit hindi pa ako nakakita ng mas nakakahalina at kaakit-akit na tulad niya.
-Jose Rizal
"Jose kumusta! Mabuti naman at napasyal ka dito sa Trozo!"
"Oh Julian ikaw pala 'yan! Dumalaw lang ako kay lola Brigida. Mabuti naman ako, ikaw?" at sila'y nagkadaupang palad.
"Heto nag-aaral ng mabuti. Balita ko napakatalino mo raw..." Sila ay nagkwentuhan at dumating rin ang iba.
Karamihan sa mga bisita ng kanyang lola ay mga college students na nakaalam sa kakayahan ni Jose sa pagpipinta.
"Jose parang panay ang titig mo kay Segunda ah," anang isang kaibigan. "Iguhit mo kaya si Segunda." At hinikayat din siya ng iba na may kaunting tuksuhan.
Gusto kong iguhit ang kaakit-akit niyang mukha..kaya lang hindi ko alam kung bakit ngunit hindi ko magawa. Lubhang masama ang aking pakiramdam.
"Paumanhin mga ginoo ngunit wala akong ganang gumuhit ngayon, masama ang aking pakiramdam." At bigla siyang nalungkot. Sa pagkakataong ito ay hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Isang kalungkutang hindi niya mabibigyan ng kahulugan sa kadahilanang ngayon lamang niya ito nararamdaman.
Dumating sina Segunda at Manuel at nakisali sa kanilang usapan. Kaibigan din kasi ni Manuel ang mga lalaking kausap ni Jose.
Naguguluhan na talaga si Mayumi. Lumilipad ang isip niya. Bakit siya nandito sa katauhan ni Segunda? Ano ba ang kababalaghang nangyari? Sumunod lang siya kay Manuel at sumigla ang kanyang mukha nang masilayan muli si Rizal. Sila ay nagkwentuhan tungkol sa mga nobela at literatura at nalilibang siyang pagmasdan si Rizal na nagsasalita.
"Napakagaling naman Jose. Napakahenyo mo naman." Matamis siyang ngumiti. Halatang kinilig. Pa- Jose, Jose kana ngayon ah!
"Maraming salamat sa iyong papuri binibini ngunit hindi naman gaano. Kung nanaisin mo ay maaari mong basahin ang aking mga akda."
"Talaga? Kung hindi mo mamasamain nais ko silang mabasa," at nahihiya siyang nagbaba ng tingin. Wala siyang pakialam kong wala siyang naiintindihan sa mga nangyayari, ang tiyak lang sa mga oras na ito ay hindi niya aakalain na kaharap na niya si Jose Rizal in flesh and blood. Owaaah... Hindi niya tuloy maitatago ang kanyang pagkamahiyain 101.
Oh tingnan mo kung gaano siya kahinhin at kay ganda sa kanyang wika at kilos. Oh Panginoon ako'y hatulan mo ngunit ako'y umiibig na yata sa diwatang aking kaharap!
Patlang. Wala ng sumunod na mga salita. Lihim silang nagkakaintindihan sa kanilang mga titig sa isa't- isa.
Segunda...
Jose...
Napansin ni Manuel ang malagkit na titigan ng dalawa kaya ito'y namagitan. Tumikhim muna ito.
"Paumanhin ngunit hindi mahilig magbasa ng aklat si Segunda maging ng mga tula."
"Bakit? Hindi ba? Jose mahilig akong magbasa na aklat, isa sa mga paboritong libangan ko." Ikaw ang paborito kong makata.
"Talaga binibini? Nagagalak akong marinig 'yan. Sige ibibigay ko sa'yo sa susunod kong pagdalaw. Aasahan ko ang muli mong pagdalaw rito."
"Syempre naman. Ang pamilya namin ay malapit sa iyong lola at lolo kaya parati mo akong makikita rito," masigla niyang tugon. Halos makalimutan na niyang siya si Segunda sa panahong ito.
"Segunda masyado kang madaldal. Alam na ni Jose iyan." Si Manuel ang nagwika. Tumawa lang si Mariano.
"Hayaan mo na." Nalilibang akong makita siyang dumaldal. Magandang pagmasdan ang biloy sa kanyang pisngi.
Hey anong masama 'don? I'm just telling according to the book. Hehe naks talaga pag alam mo ang history.
"Jose bakit hindi tayo maglaro ng ahedres?" aanyaya ni Manuel upang maiba ang usapan.
"Sige ba Manuel. Matagal na ring hindi ako nakapaglaro ng ahedres!"
Saka naman dumating si Olimpia kapatid ni Rizal na matalik na kaibigan ni Segunda. Naglaro sina Manuel at Rizal ng chess habang masayang nag-uusap sina Olimpia at Segunda sa kabilang upuan.
"Unday tila kakaiba ka ngayon ah. Marami ka ng hindi naaalala," nag-aalalang wika ni Olimpia. Matalik na magkaibigan sina Olimpia at Segunda kaya tinatawag nito si Segunda sa kanyang palayaw na Unday.
"Pa..pasensya ka na marami kasi akong iniisip eh." Kapagkuwan ay di niya sinadyang mapatingin sa kinaroroonan ni Rizal at ngumiti samantala, napatingin din si Rizal sa kanya na nakangiti rin.
(Mayumi) Waah! Ito pala ang pakiramdam pag 'yong taong gusto mo ay gusto ka rin! Kung ako'y nanaginip sa mga sandaling ito ay---
(Rizal) Napakasaya ko kapag ngumingiti siya sa akin ng ganyan. Nararamdaman din kaya niya ang nararamdaman ko ngayon? Kung ako'y nanaginip sa mga sandaling ito ay---
(Mayumi and Rizal) ayoko ng magising.
Sa paglalaro nila ni Jose ng chess ay nawalan siya sa katinuan. Nakakalimutan niyang ituon ang kanyang pansin sa laro. Lumilipad ang isipan niya kay Segunda lalo na't nakatingin ito sa kanya.
Siguro ay nagambala ako sa panay na pagtitig ko sa kanya o..hindi ko na talaga alam. Sa katunayan ay natalo ako sa aming laro!
"Aminin mo nga Segunda, may pagtingin ka ba sa kapatid ko?" Biglaang tanong ni Olimpia. Makahulugan ang ngiti nito.
Namula lang siya. "Ha..? Ano ba iyang pinagsasabi mo?"
"Naku nangatwiran pa ito. Umiibig ka ba kay Jose? Aminin mo na," pagpupumilit nito kasabay ang isang nanunuksong ngiti.
"'Di ah," tanggi niya saka siya tumalikod at lihim na ngumiti.
Bumulong si Olimpia. "Hindi ko naman ipagsasabi eh." Kumindat ito. "Alam mo Unday wag ka ng magkunwa. Sabi mo kasi kanina na marami kang iniisip sabay tingin sa kapatid ko. Di kaya si Jose ang iniisip mo?" dagdag sa panunukso nito.
Nagblush ang buo niyang katawan. "Grabe ka naman. Parang iyon lang eh."
"Para iyon lang daw. Ang lagkit kaya ng titigan ninyong dalawa. Kanina ko pa napapansin eh."
Nagbaba lang siya ng tingin 'Wag na kasing mangatwiran Mayumi isigaw mo kasi na mahal mo si Rizal!!!
Pagkatapos ng mga kaganapang 'yon. Nagpaalam na sina Mariano at Rizal sa lahat. Bumalik na sila sa bahay-paupahan doon sa Solana Street.
***
Mapangaraping pinagmasdan ni Rizal ang kalangitan. Hindi ako nakapag-isip ng matino sa araw na ito.
At hindi rin siya nakatulog ng gabing iyon. Larawan ni Segunda ang gumagambala sa kanyang isipan. Ang kanyang mayuming galaw..ang kanyang kaakit-akit na ngiti...ang kanyang pangalan ay namutawi sa kanyang bibig.
Segunda....
Tahimik na nakaupo si Mayumi sa kanyang higaan. Hindi rin niya alam kung kaninong bahay 'yon basta sumusunod lang siya kay Manuel. Nakausap rin niya ang kapatid niya kono na si Mariano at halos wala siyang maiwika. Siya ay napabuntung-hininga. Hindi niya makakalimutan ang unang pagkikita nilang iyon.
Jose Rizal...
: Dedicated to BbMaring. Maraming salamat po sa pagvote at pagbabasa!
BINABASA MO ANG
TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus "
Historical FictionSi Mayumi Sakay ay isang transferee at sa pagtungtung niya ng 3rd year college ay nakuha niya ang Rizal subject. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob niya sa pambansang bayani ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mahiwagang hourglass ay n...