Si Oriang habang nakasuot ng isang magandang baro't saya ay itinanghal na Maria Elena sa isang Sta. Cruzan sa Caloocan. Maraming bumati sa kanya at pumuri sa taglay niysnh kagandahan. Nang matapos nila itong batiin....
"Pagkakataon mo na ito kaibigang Andres. Tara na't lapitan natin siya," pag-anyaya ni Teodoro.
Samantala, hindi naman sa nahihiya si Andres na lapitan si Oriang gunit sadyang nagagayuma siya sa ganda nito lalo na't napakaganda ng kanyang suot. Tila di siya makakilos at tulala siyang napatitig rito.
Isa siyang larawan ng isang tunay na Filipina!
"Andres? Ayos ka lang ba?"
"Oo..sige..tara na." At lumakad sila sa kinaroroonan ni Oriang.
Malayo pa ay tanaw na ni Oriang ang pinsan na ngumingiti sa kanya ngunit ang lalaking kanyang katabi --?
Parang pamilyar sa akin...
Bigla siyang kinabahan.
Si...si...Andres Bonifacio?!
Nagsimula na siyang hindi mapakali.
"Pinsan binabati kita. Sadyang nababagay sayo ang pagiging Maria Elena ng Sta. Cruzan. Sadyang kaakit-akit ang iyong kagandahan."
"Sadyang mabiro ka rin pinsang Teodoro," anya na di pa rin mapakali.
"Siyanga pala pinsan, nais kong ipakilala sa iyo ang kaibigan kong si Andres Bonifacio. Nais ka niyang makilala kaya't sinamahan ko na siya sa'yo.
"Magandang araw napakagandang binibini. Ipagpaumanhin mo ang aking paggambala. Ako nga pala si Andres Bonifacio. Tunay ang wika ng iyong pinsan. Sadyang kaakit-akit ang iyong kagandahan." Maginoong kinuha ni Andres ang kanyang sumbrero at yumuko.
Su-su-supremo!!!! Ako ito si Ana Makabayan your avid fan!
"Ako naman si Gregoria de Jesus, ta-tawagin mo na lang akong Oriang. Ikinagagalak din kitang makilala ginoong Andres. Maraming salamat sa iyong papuri," masiglang wika nito na medyo nauutal. So..so..ganito pala ang malapitang hitsura niyaaa...
Nag-iisa lang kasi ang picture ni Bonifacio. 'Yon ay noong ikinasal sila ni Oriang. 'Di kagaya ni Rizal na maraming selfie at groufie. Kaya kung may plano kayong maging bayani kailangan niyong magpapicture ng marami para di naman magdurusa mga avid fan ninyo.
Pagkatapos no'n ay di na alam ni Andres kung ano ang susunod na sasabihin kaya siniko siya ni Teodoro kaya pautal-utal na siya kung magsalita.
Hala, ang cute ni Supremo kung magblush. Ganyan pala siya kung kaharap si Oriang. Ahehe Oriang oh..
"Kaibigan ano pa ang hinihintay mo? Sabihin mo na sa pinsan ko ang iyong pakay," wikang pabulong kay Andres.
"Ah..ano.."
Palibhasa batid ni Ana ang dahilan ng reaksyon nito kaya siya ay pilyang ngumiti sa loob ng kanyang pamaypay.
"Ginoo may mahalaga yata kayong sasabihin."
"Kung hindi mo mamasamain binibining Oriang...kung maari lang sana..." Hindi maaari nauumid ang aking dila.
"Ano iyon ginoong Andres?" Ahehe di siya makapagsalita ng maayos. Nasaan nga ang katapangan ng supremo ng katipunan?
"Ahem! Kasi pinsan--"
"Kaibigang Teodoro 'wag na..", singit naman ni Andres.
"Pinsan nais ng kaibigan ko na bisitahin ka sa inyong tahanan."
Saglit na nag-isip si Oriang with matching paypay sa sarili. "Bakit naman hindi."
"Maraming salamat binibini." Sa labis na kasiyahan ay nahawakan ni Andres ang kanang kamay ni Oriang at nahalikan ito. Sa labis na pagkagitla ay nahulog ni Oriang ang kanyang pamaypay.
***
Kinabukasan...
"Oriang may bisita ka," wika ng kanyang ama.
Na naman? Sino na naman ba? Sa totoo lang ayokong bumalik ang mga lalaking 'yon ulit. Wala na silang ginawa kundi umupo at magkwento ng mga walang kwentang bagay. Paano ba naman kasi hindi papayagan ng mga magulang ni Oriang na magkwento sila tungkol sa pag-ibig. Sa panahong ito ayaw ng mga magulang ng dalaga na malaman ng ibang tao na may humahangang mga binata sa kanilang anak.
"Magandang araw binibining Oriang," bati ng mga binata.
Wow! Ang dami nila? Sampu? Isa...dalawa..wahaw sampu nga!
Sampung manliligaw sa isang araw.
Kasi naman bawat araw ay paisa-isa lang ang bisita niya. At sa araw na ito ay sabay silang bumisita. Tila nagpaligsahan ang mga ito sa harap ng dalaga. Nag-uunahan at nagsasapawan sa pagsasalita.
Naku mag-aaway na yata ang mga ito.
Dumating pa ang tatlong lalake. Napatayo siya sa kinatatayuan. Sina Teodoro Plata, Ladislao Diwa at Andres Bonifacio. Matapos nitong humingi ng permiso na bisitahin si Oriang ay pumasok na ang mga ito. Samantala, masayang binilang ni Salome ang mga binata sa kalayuan at pilyang ngumiti. Sinaway siya ng kanyang ina at ipinasok sa loob.
Bumati ang dalawa at huling bumati si Andres. "Magandang araw binibining Oriang." At kinuha ang kamay nito saka hinalikan.
Nanlaki ang mga mata ng iba pang mga binata. Walang sinuman sa kanila ang nangahas halikan ang kamay ng dalaga sa sarili nitong tahanan.
Masyadong tahimik.
Nagulat din ang mga magulang ni Oriang. HIndi naman bawal bisitahin ang kanilang anak kaya lang medyo strikto at maraming bawal sa panliligaw. Palihim na sumilip si Salome at sinaway na naman siya ng ina.
Napangiti si Oriang sa ginawa nito. Sa tingin niya mahuhulog na naman ang kanyang pamaypay.
Napakatahimik talaga.
Kibit-balikat lang ang mga kaibigan.
"Magandang araw rin ginoong Andres. Salamat at nakarating ka. Maupo kayo." Saka nagpasalamat ang tatlo.
Grr.. nakaramdam si Andres ng kakaiba mula sa kanyang likod. Lumigon siya at--- ayun tila nanlilisik na mga mata ng mga leon na nakatitig sa kanya.
Pa-simple lang na ngumiti si Andres."Magandang araw rin sa inyo mga ginoo."
Walang sumagot. Umupo na lang din si Oriang at nakipagkwentuhan sa mga bisita.
:Dedicated to maroonseraph. Maraming salamat po sa pagsusubaybay nito!
BINABASA MO ANG
TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus "
Historical FictionSi Mayumi Sakay ay isang transferee at sa pagtungtung niya ng 3rd year college ay nakuha niya ang Rizal subject. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob niya sa pambansang bayani ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mahiwagang hourglass ay n...