Habang nasa kanyang opisina ay malalim na nag-isip si Senyor Nicolas sa ipinagtapat ni Andres sa kanya noong isang araw.
"...nais ko pong hingin ang kamay ng inyong anak."
Napabuntong-hininga siya dahil may isang taong nagsumbong sa kanya na si Andres ay isang mason. Hindi siya papayag na maikasal si Oriang sa isang mason na katulad ni Andres. Masisira lang ang buhay ng anak. Sa susunod na makikita niya ulit si Andres ay pagsasabihan niya ito na hindi siya papayag at pagbabawalan rin niya ito na makita si Oriang.
Ang hindi alam ni Senyor Nicolas ay nabalitaan ito ni Teodoro at sinabi kaagad kay Andres na alam na niya na mason siya. Pinayuhan siya ng kaibigan na 'wag ng pumunta sa tahanan ng dalaga at makipagkita. Hindi na nga ito pumunta sa kanilang tahanan ngunit gumawa siya ng paraan upang makita si Oriang.
Parati niya itong dinadalaw sa mga lugar na malayu-layo sa bahay. Halimbawa kung nag-iigib ng tubig, naglalaba, kung bibisita sa mga pananim at sa mga tauhan si Oriang. Siyempre tumutulong rin si Andres sa kanya. Siya ang nagdadala ng mga inigib na tubig at iba pang mabibigat na bagay. Ginagawa niya lahat ng ito para lang mas lalong mapalapit sa dalaga.
"Naku ginoong Andres, napadalas na ang pagtulong mo sa akin. Hindi ba ito nakakasagabal sa paghahanap-buhay mo?" Tanong ni Oriang habang naglalakad sila galing sa pag-iigib ng tubig.
"Hindi naman," pagsisinungaling nito. Ang totoo niyan gumamit siya ng time management sa paghahanap-buhay niya, sa katipunan at panliligaw kay Oriang. "Mas madali na pag naging asawa na kita," pagbibiro nito ngunit mahina lang.
"Ah? May sinabi ka ginoo?"
"Wala."
At nagpatuloy sila sa paglalakad.
"Ginoong Andres? Hanggang kailan ang pagtulong mo sa akin ng ganito?"
"Hanggang mapapansin mo na."
"Napapansin na ano?"
"Hindi mo ba nakikita? Nililigawan na kita," malambing niyang wika.
Huminto sila sa paglalakad. Sinibukan ni Oriang na magpatawa. "Talaga nanliligaw ka na sa akin? 'Di naman halata eh," wika ng nakangiti.
Tumawa si Andres. "Gusto mo talaga totohanan?" Pumitas siya ng isang bulaklak na tumubo sa di kalayuan. "Binibini, para sa'yo."
Tinanggap ito ni Oriang. "Ang bango...maraming salamat ginoo."
"Walang anuman." At silay patuloy sa paglalakad.
"Hindi ba mabigat 'yang tubig na dinadala mo?"
"Hindi. Wag kang mag-alala." Kaunting katahimikan. "Binibini, ayos lang kaya na ligawan kita?"
"Ah..." Heto na 'yon! Sa totoo lang wala akong idea kung ano ang reaksyon ko dahil wala talaga akong malalim na nararamdaman para kay Supremo. Totoong iniidolo ko siya pero hanggang doon lang 'yon. Kung iisipin ay magkatuluyan naman talaga sila ni Gregoria. Paliligaw kaya ako sa kanya? Ah...bakit hindi ko subukan wala namang masama eh. "Bakit naman hindi. Pero nais ko lang sabihin sayo na hindi ako gano'n kadaling paibigin." At siya'y ngumiti. Para na kayang tatay turing ko sa kanya.
***
"Nandito na po ako!" Sabay mano kay Senyor Nicolas. Nakauwi na si Oriang sa kanilang tahanan. Siyempre si Andres evacuate na kaagad.
"Aba Ate nagawa mong pasanin 'yang tubig? Ang lakas mo naman!" Manghang tanong ni Ines sa kanya dahilan na mapalingon si Senyor Nicolas.
"Siyanga naman Oriang, ikaw lang ba ang nagdala niyang tubig? Mabigat yan ah!" Tanong ni Senyor Nicolas.
"Ah...kasi po tinulungan ako ni Andres na dalhin ang mga 'yan dito."
"Kaya naman pala marami ang naigib mo." Katahimikan. "Gregoria..."
"Po?"
"Layuan mo na si Andres. Ayokong nakikipagkita ka ulit sa kanya," matigas niyang utos.
Hindi na nakaimik si Oriang. Alam niya na mangyayari ito sa kanya.
***
Matutulog na sana si Oriang nang nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag. Hindi siya mapakali na ewan. Para bagang ang laki-laki ng problema niya gayong wala naman.
Ang bulaklak na binigay ni Andres sa kanya ay nakalagay na sa plorera. Napatitig siya rito at nakaramdam siya ng lungkot. Naalala niya ang sinabi ng kanyang ama. Naalala rin niya ang mga pagsasama nila ni Andres at.... ang pagbibigay niya ng bulaklak.
Bakit ba ako naapektuhan ng ganito? 'Di kaya inlove na si Oriang kay Andres? Ana inlove ka na kay Supremo! Kakasabi ko na nga 'di ba na tatay na ang turing ko kay...at naalala niya ang sinabi ni Andres.
"Hindi mo ba nakikita? Nililigawan na kita."
"Aahhh!" nairita niyang tili. Tumayo siya at humarap sa salamin upang ayusin ang kanyang buhok.
Kahit pa hindi malinaw ang mukha niya sa salamin dahil nga gabi na at lampara lang ang ilaw ay napapansin pa rin niyang namumula ang kanyang mga pisngi.
BINABASA MO ANG
TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus "
Historical FictionSi Mayumi Sakay ay isang transferee at sa pagtungtung niya ng 3rd year college ay nakuha niya ang Rizal subject. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob niya sa pambansang bayani ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mahiwagang hourglass ay n...