Chapter 6 - Dance

11.2K 229 1
                                    

"Eh sino yung babaeng tinutukoy mo sa status mo kagabi?" Dagdag na tanong ni Ruppert. Ilang segundo ding tumahimik kaming lahat at hinintay ang kanyang sagot.

"Hindi niyo kilala at kahit kilala niyo pa ay di ko sasabihin." Sagot niya sa tanong sa kanya. Halata na naiinis na siya sa pangungulit nila.

Kahit wala akong karapatan na masaktan ay nasaktan pa rin ako sa sinagot niya. Oo nga naman sino kami para makilala ang babaeng napupusuan niya? Kaibigan lang naman niya kami. Magkaibigan lang kami, kaya wala akong karapatan masaktan. Pero naramdaman ko na lang na uminit ang sulok ng aking mga mata at alam kong nagbabadya na ang mga luha ko para tuluyang bumagsak galing dito. Kaya minabuti ko na lang na tumalikod at baka makita pa nila na naiiyak ako.

Maya-maya ay dumating na din ang aming professor kaya hindi na nila pa nagawang magtanong kay Kaizer. Mabuti na rin yun at ayaw ko rin namang marinig ang kanyang magiging kasagutan.

"Okay ka lang?" Pabulong na tanong sa akin ni Chloe.

"Okay lang ako. Sabi ko naman diba like lang di naman love para mag-alala ka sa akin ng ganyan." Sagot ko sa kanya habang nakangiti. Alam ko na di na siya magtatanong pa at nakumbinsi siya ng aking naging kasagutan, kasi kung may isang bagay man na masasabi kong magaling ako yun ay magaling ako sa pagtatago sa totoo kong nararamdaman.

Siguro nga itatago ko nalang to hanggang sa kusang mawala.

"Mabuti naman." Nakangiti na turan ni Chloe na masasabi kong naniwala talaga siya sa naging sagot ko.


__________


Nagsusuklay ako ng buhok nang biglang kumatok si mama sa pinto. Sigurado kung papabilisan niya lang ang kilos ko kasi naghihintay na si Chloe sa baba. May lakad kasi ngayon ang barkada dahil selebrasyon ng monthsary ni Selene at Clark.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganun yung napagkasunduan nilang dalawa para icelebrate yung monthsarry nila na dapat ay silang dalawa lang. Pero dahil yun ang trip nila kaya sinabayan na ng barkada. Libre gala na rin 'yun.

"Anak, magmadali kana diyan at naghihintay si Chloe sa baba."

"Sandali nalang ma at malapit na akong matapos." Sagot ko kay Mama habang naglalagay ng konting polbo. Pagkatapos ay kinuha ko na ang nakahandang bag sa ibabaw ng aking kama at lumabas na.

Binilisan ko ang pagpanhik ng hagdan kasi siguradong galit na naman si Chloe dahil late na kami sa usapan.

"Naku! Andi, kung di lang kita kaibigan matagal na kitang iniwan dito." Naiinis na turan ni Chloe. Halatang-halata na inis talaga siya dahil na abutan ko itong nag-isang linya ang mga kilay niya.

"Sorry naman po, nakalimutan ko na ngayon na pala yung usapan at tsaka di mo talaga ako maiwan dahil makikisakay ka lang din naman sa akin di ba?" Pinayagan kasi ako ni mama na gamitin yung kotse niya ngayon dahil wala naman daw siyang lakad at mas mainam na rin dahil baka malasing daw ang mga kaibigan ko at walang makakahatid sa akin sa bahay at ayaw niya na mag-taxi ako ngayon.

"Sige, ikaw na ang pinayagan na magmaneho. Kainis naman kasi bakit di pa rin ako pinapayagan ni dad kahit na may lisensya na ako." Lintanya pa niya.

"Dahil alam ni tito na kaskasera ka hahaha." Binigyan lang niya ako ng makamatay na tingin kaya tumahimik nalang ako.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa Andromeda. Pagkatapos makahanap ng magandang parking ay pumasok na kami ni Chloe sa loob ng bar. Hindi naman kami nahirapan sa paghahanap sa iba naming kaibigan dahil pagkapasok na pagkapasok palang namin ay agad naming nakita si Mark na kumakaway.

"First time mo yatang ma-late ngayon Chloe?" tanong ni Andrew kay Chloe.

"Kasi naman may isa pala diyan na nakalimutan ang usapan natin at napasarap pa ang tulog at may isang ako na nakisabay lang sa sasakyan kaya kailangang maghintay kaya late ako." Mahabang sagot nito na sa akin pa talaga nakatingin.

Love Deal (COMPLETED)Where stories live. Discover now