Chapter 7 - Rescue

11.3K 218 8
                                    

"Wala naman sigurong mambabastos sa akin kong ikaw yung kasayaw ko diba?" Nakangiti nang ubod ng tamis kong tanong kay Kaizer.

Hindi ko alam kong matatawa ba dapat ako sa naging reaksyon niya o tatawa nalang talaga ako. Bigla nalang kasi itong napalunok at kita ko sa mukha niya ang pagka-sorpresa sa mga salitang lumabas sa aking bibig. Kahit gusto kong matawa ay ngumiti na lamang ako.

Ilang segundo na rin ang nakalipas pero nanatili lang siyang nakatitig sa akin at wala paring naging tugon sa aking tanong.

Kung tatanggihan niya ako ngayon kahit alam niyang lasing ako ay nakakahiya pa rin para sa parte ko, ako yung babae ngunit parang ako pa yung nagyaya. Kaya nilubos-lubos ko na talaga ang kakapalan ng aking pagmumukha nung sinimulan ko ang aking pagsayaw sa harap niya.

Ngisi-ngisi ako habang nagsasayaw para mukha talaga akong lasing. Hindi pa rin siya gumagalaw at nanatiling nakatayo at nakatitig sa akin. Dinantay ko ang aking mga braso sa kanyang balikat habang gumigiling. Di kalaunan ay natagpuan ko rin na sumasabay siya sa aking pag-indak.

Napatingin ako sa kanyang mukha at doon ay namangha sa klase ng ngiting namutawi sa kanyang labi, napakapilyo nito na kahit sa halos isang taon kong pagkakakilala sa kanya ay ngayon ko lang nasilayan ang ganung klase niyang ngiti. Napangiti na rin ako ng lihim.

Nabigla ako ng bigla niyang hinapit ang aking bewang. Sa itsura naming dalawa ngayon ay para kaming nagyayakapan. Halos wala ng distansiya na namamagitan sa amin at parang malalagutan na ako ng hininga dahil sa bilis nang tibok ng puso ko na para bang gusto nitong kumawala sa katawan ko.

Ramdam ko na ang pag-iinit ng mukha ko habang patuloy kami sa pagsasayaw, hindi lang dahil masikip ngayon dito pero dahil sa napaka-intimate ng aming sitwasyon. Hindi ko alam kung paano pa kami nakakasabay sa musika kahit na dikit na dikit na ang aming mga katawan.

Sa kalagitanaan ng aming pagsasayaw ay di ko napigilan na amuyin si Kaizer, napakabango nito yung bango na nababagay sa katulad niyang lalaki. Hindi ako nakuntento sa pag-amoy sa may bandang dibdib niya at natagpuan ko nalang aking sarili na inaamoy na ang kanyang leeg habang patuloy parin kami sa pagsasayaw. Naramdaman kong natigilan siya.

Inilayo niya ako ng konti at napang-abot ang aming tingin. Nakakahiya talaga yung ginawa ko pero dahil nga lasing daw ako ay ngumisi-ngisi nalang ako para mapagtakpan ang aking kahihiyan.

"Andrea." Akala ko kung ano ang sasabihin niya, pero di na nadugtungan kung ano man ang gusto niyang sabihin pagkatapos niyang banggitin ang aking pangalan.

Dahil wala naman pala siyang planong magsalita ulit ay nagsayaw nalang akong muli at muling idinikit ang sarili sa kanya. Nagulat ako ng maramdaman ko ang bagay na yun sa bandang puson ko at ngayon ay sigurado akong galit na galit ito. Yun kaya ang dahilan kaya bigla niya akong inilayo?

Napatigil na din ako sa pagsayaw dahil alam kong hindi maganda ang sitwasyon. Nakaramdam ako ng hiya, ayaw kong isipin na ako ang dahilan kong bakit nagkaganun yung kanya pero wala namang ibang magiging dahilan nun dahil kami ang magkasayaw at magkasama.

"Sorry."

Di ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto sa sorry niyang yun. Ano yong hinihingi niya ng tawad? Dahil ba nakipagsayaw siya sa akin o dahil nakaramdam siya ng ganun dahil sa akin? Pero kung iisipin dapat ako yung mag-sorry dahil una ako yung nagyaya at mas lalong ako yung umamoy sa leeg niya na hindi ko man lang inisip ang mararamdaman niya.

Nakakahiya talaga yung ginawa ko, hindi ko akalain na sagad na sagad pala yung pagkawala ng hiya ko sa katawan.

"Hindi, ako dapat yung mag-sor.."

Di natuloy yung sinasabi ko dahil biglang lumapit sa kinatatayuan namin si Andrew. Ibo-blow na raw kasi ni Selene at Clark yung greeting cake namin para sa kanila. Sumunod na lamang ako kay Andrew sa paglalakad pabalik ng mesa namin. Ramdam ko na nakasunod din siya sa aking likuran, gusto ko siyang lingunin pero nahihiya na talaga ako kaya minabuti ko nalang na hindi gawin yun.

Love Deal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon