Chapter 34 - Heartache

10.2K 200 5
                                    

Alas otso y medya na ng gabi nang makarating kami sa private beach resort nina Liam.

“Aray, sakit naman ng likod ko sa kakaupo.” Reklamo ni Roxanne na hawak ang bewang.

“Ikaw Andi, panis na ba ang laway mo diyan?” Tanong ni Chloe.

“Hindi naman.” Sagot ko.

“Buong byahe ka tahimik. Sana sumama ka na lang sa sasakyan ni Kaizer.” Sabi niya.

“Mas ayaw ko dun.”

“LQ na kayo niyan?” Pang-aasar niya pa.

Tuwing iniisip ko talaga yung nangyari kanina, sumasama ang timpla ko. Alam ko naman na wala akong karapatan magdrama dahil ginusto ko naman na sa sasakyan ni Liam makisabay.

Nagseselos ako pero mahirap kasi, hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya. Oo nga at kami pero may mga bagay talaga na nagiging limitasyon dahil sa kaalaman kong isang kasunduan lang naman ang lahat ng ito.

Si Kaizer kaya niyang ipakita na galit siya sa ginawa ni Kevin dahil kasali naman sa rules na dapat walang ibang lalaking umaaligid sa akin. Pero sa sitwasyon ko ay hindi ko naman pwedeng gawin yun dahil wala naman sa rules na bawal siyang lumapit sa ibang babae.

“Andyan na pala sila.” Napukaw ako sa pag-iisip ng magsalita si Liam.

Natanaw ko ang tinutukoy niyang parating. Dahil nga kina Liam ang resort ay mas nauna kami sa daan. Hindi din naman maliligaw sina Kaizer dahil nga pangalawang beses na namin itong pagpunta rito.

“Natagalan yata kayo?” Bungad na tanong ni Mark.

“Si Diane kasi naiihi daw kaya ayun napilitan kaming tumigil dun sa may gas station.” Sagot ni Selene.

Nakita ko naman agad na bumaba si Kaizer at nakakapit na naman si Diane na parang tuko. Shoulder bag lang nito ang bitbit at si Mike ang may dala ng malalaki niyang bag. Para namang tanga si Mike at hindi makita na wala siyang pag-asa rito. Halata naman kasi na patay na patay ito kay Kaizer.

“Naku, Liam ginabi yata kayo?” Sabi ng isang matandang babae na sumalubong sa amin.

Nakilala namin siya noong nakaraang taon, siya rin kasi ang umasikaso sa amin nang nandito kami.  Si aling Linda, ang katiwala at caretaker ng beach house nina Liam.

“Naabutan ng bagal ng traffic manang.” Paliwanag ni Liam na nakamot sa ulo.

“Oh sya, pasok na kayo dito at mahainan ko na kayo ng hapunan.” Anyaya ni aling Linda at pumasok naman kami ng aking mga kasamahan.

Malaki ang beach house nina Liam, ang alam ko ay anim na kwarto ang meron dito. Noong huling punta namin dito ay tatlong kwarto ang ginamit namin. Dalawang kwarto sa mga lalaki at isang kwarto naman para sa amin mga babae.

“Liam yung apat na kwarto lang magagamit niyo. Yung master bedroom dito alam mo naman na hindi yun pinagagamit ng mga magulang mo. Tapos yung isang kwarto, yung parating gamit ng mga pinsan mo ay tinambakan ng gamit kaya hindi rin pwede.” Pagbibigay alam ni aling Linda kay Liam.

“Ganun ho ba, manang? Salamat po sa paglinis." Sabi ni Liam.

“Sige, maiwan ko muna kayo at maghahanda pa ako ng pagkain. Bahala na kayong mag-usap kung saan kayo tutulog.” Paalam ni aling Linda at tumalima na patungong kusina.

“Katulad nalang siguro noon. Dalawang kwarto pa rin yung mga lalaki na tag tatluhan tapos sa apatan na kaming mga babae.” Suhestiyon ni Roxanne.

“Paano ‘yan? Alangan naman na sa isang kwarto si Diane at Clark?” Sabi ni Andrew.

“Hindi maaari ‘yan no!” Tutol ni Selene.

Love Deal (COMPLETED)Where stories live. Discover now