16. Parts

111K 4K 1K
                                    

You ever look at a picture of yourself and see a stranger in the background? You know, it makes you wonder how many strangers have pictures of you. How many moments of other people's lives have we've been in? Were we part of someone else's life when their dreams came true? Or were we there when their dream died? Did we keep trying to get in as if we're destined to be in or did the shot take us by surprise? Just think, you could be a big part of someone else's life, and not even know it.

-Lucas Eugene Scott

- One tree hill

Naghihikab pa ako noong umagang magising ako. Ang una kong ginawa ay tinanggal ang heart monitor at saka ikinabit ang wireless device doon. Lumabas ako. Linggo iyon at magsisimba kami ni Nanay. Si Kuya Abraham kasi ay nadestino sa isang parokya malapit lang sa lugar ko. Isa pa kaya narito si Nanay para na rin matingnan ako. Ang sabi ko sa kanya ay kaya ko naman ang sarili ko. Ilang taon na rin naman akong nakatira sa apartment ko na ang mga aso ko lang ang kasama ko. Nag-aalala daw kasi talaga siya sa akin.

"Nay, anong almusal?" Tanong ko paglabas sabay halik sa noo niya. Nasa kusina siya at nagluluto pa. Nakita kong may pancakes at nilagang itlog. Kumuha ako ng strawberry syrup pero inirapan ako ni Nanay.

"Low sugar, low salt - balanced diet, Abelardo." Paalala sa akin ni Nanay. Napangisi ako.

"Kaunti lang nay! Wala naman kasing lasa iyong pancake."

"Kaya nga kasi low sugar! Kukutusan kita!"

"Nanay nga! Hindi ka na makakapag-asawa niyan!" Biro ko pa. Dinalaan ko na lang siya sa tawa at naglagay pa rin ng strawberry syrup. "Iinuman ko na lang ng tubig at gamot mamaya, Nay. Hindi ba bumilis o bumagal ang heartbeat ko?" Tanong ko bigla. Kailangan ko kasing malaman iyon ngayon.

"Hindi naman, anak. Siguro nanaginip ka ng maganda."

"Oo naman! Napanaginipan ko si Hyan!" Bumulanghit ako ng tawa ulit. Napailing si Nanay habang nakatingin sa akin. Ilang beses naman niya akong tinanong kung pinanghihinaan ako ng loob - ang sagot ko naman ay hindi. Hindi ako natatakot, hindi ako kinakabahan. Impluwensya siguro ng mga kapatid kong pari - madalas kasi nilang sabihin sa akin na hindi naman magbibigay ang May- kapal ng problema kung hindi kaya.

Binigay sa akin ito. Ibig sabihin kaya ko. Saka sakit lang naman sa puso. Moderno na ang panahon ngayon. Hindi ako mamamatay.

Sakit lang sa puso. Maliit na bagay.

"Done, Nanay! Magsisimba tayo? Magbibihis ako."

"Oo at sabay-sabay tayong maglunch ng Kuya mo. Ang Diko mo malilipat ng Pangasinan eh. Hindi na siya sa Calumpit."

"Bakit nga ba kasi nagpari sila? Ang layo-layo tuloy natin."

"Ikaw lang talaga ang hindi tinawag ng Panginoon, Abel. May iba ka daw kasing dapat gawin." Nakangiti siya habang nakikipag-usap sa akin. I smiled. Alam ko naman iyon. May iba akong purpose.

"O, Nanay, ikaw na ang nagsabi, may purpose ako, hindi ako mamamatay kaya chill ka lang! Hindi ako mamamatay. May sakit lang ako sa puso. It's not even a big of a deal!" I exclaimed. Binato niya ako ng kutsara bago ako tumalikod para pumasok muli sa silid ko. Sakto, pagpasok ko ay nag-ring ang phone ko. Sinagot ko naman iyon.

"Hello!" I greeted back. Hindi ko nakita kung sinong tumawag basta ko na lang kasi sinagot. Inalis ko na ang t-shirt ko pati na rin ang boxers ko. Maliligo naman kasi ako.

"Hmmm... Abel?"

Tang ina! Shit!

Boses ni Hyan iyon. Boses niya palang sumaludo na ang manoy ko!

Once MineWhere stories live. Discover now