30. Meet up

116K 4.1K 519
                                    

Whenever we think we know the future, even for a second, it changes. Sometimes the future changes quickly and completely, and were left only with the choice of what we do next. We can choose to be afraid of it, to stand trembling, not moving, assuming the worst that can happen, or we step forward to the unknown and assume it will be brilliant.

Cristina Yang (Grey's Anatomy)

"What have you done?"

I hissed at Abel. Pinaupo ako ni Daddy sa chair sa tabi mismo ni Abelardo. Mama was sitting on Dad's swivel chair looking like a badass. Si Daddy naman ay nakatayo sa likuran ni Mama na para bang inuusig ang kaloob-looban ng konsensya ko.

"I didn't do anything. May kinuha lang ako kay Dad."

Naningkit ang mga mata ko. He calls him Dad now? He called him Dad in front of him? Hindi ba kinakabahan ang gunggong na ito?

"Hyan, why don't you let Abel meet Louis?" Tila nanunumbat ang tono ng panananalita ni Mama sa akin. Naagaw niya ang atensyon ko at napatingin ako sa kanya. Bigla ay naalala ko ang naging usapan namin noong araw bago ako umalis para makipagkita kay Abelardo. Pakiramdam ko at gusto niyang ipaalala sa akin iyon. Napabuntong-hininga ako.

"You of all people should know how it's like." Dad's voice haunted my conscience. Tumaas ang sulok ng bibig ko. Bakit pakiramdam ko si Abel ang kinakampihan nila? Paano naman ang gusto ko. Ako ang ina. Mas alam ko kung anong makakabuti sa anak ko.

"Dad, I'm Louis' mother, meeting Abel will be my decision not yours."

"Do you really want to go there, Hyan Ysobelle?" Dad's voice was like an icy dagger damaging my soul. It made me shiver. His eyes were cold too. Nakatiim ang mga bagang niya at nakatitig siya sa akin na para bang sinasabi niyang walang patutunguhan ang katwiran ko dahil siya si Helios Demitri at wala akong magagawa.

Parang gusto kong magtampo. Kinakampihan nila ang ibang tao, hindi nila iniisip ang nararamdaman ko.

"Fine." Sabi ko na lang. "You want him to be a part of Louis' life? Tapos kapag nagkaroon na siya ng sarili buhay, masasaktan ang anak ko? My son is A Demitri, hindi pwedeng second best lang siya. He deserves the best - just like what you made us feel, Parents."

Sarcastic na ako nang mga panahong iyon. Dad grinned at me. Mama shook her head. Binalingan niya si Daddy.

"Do you hear her, Helios? She sounded just like you and my father." Mama rolled her eyes pero binalingan niya ulit ako.

"You were once like your son, Hyan! Kapag hindi mo ginawa ang tama, I will disown you and take everything your name has!" Mama hissed at me. Napanganga ako.

"Yza, kumalma ka..." Hinawakan ni Daddy ang braso ni Mama. Inirapan ni Mama si Daddy.

"Kaya matigas ang ulo ng mga anak mo, kunwari magagalit ako pagtalikod ko naman susuyuin mo! Kaya lumaking ganyan iyang si Hyan dahil sa'yo! Tagalan mo naman ang galit mo!"

Napakamot ng ulo si Daddy. He seemed really uncomfortable.

Si Mama naman ay hinampas ang table.

"This conversation is over. Let him see his son or I will disown you." Tumayo si Mama at umalis ng office ni Dad. Tumingin naman ako sa Daddy ko. He just shrugged.

"You heard the boss." He stated. Umalis na rin siya. Naiwan kami ni Abel at nang kaming dalawa na lang ay sinampal ko siya.

"Hindi ka pa masaya na hinawa mo ng HCM ang anak ko, kailangan pati magulang ko kakampi sa'yo! Ano ba talagang gusto mo?!" I rose from the chair. Tumayo rin naman si Abelardo.

Once Mineजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें