27. Meeting

113K 3.7K 371
                                    

Have you ever wondered what marks our time here? If one life can really make an impact on the world, or if the choices we make matter? I believe they do. And I believe that one man can change many lives. For better... or worse.

- Lucas Eugene Scott  (One tree hill)

"Is he allergic to anything?"

I smiled at Haley as she was staring at the sleeping version of my son. Nasa kwarto kaming dalawa, nagpapahinga si Louis samantalang ako naman ay nag-aayos ng mga gamit namin. Kailangan kong gawin ito para hindi ko masyadong maisip ang mga bagay-bagay na nangyayari at mangyayari sa buhay ko habang nandito ako sa Pilipinas. How I wish I could go back to my safe haven and just be with my son. I really love Louis. Ayoko siyang mawala.

"Wala naman sa ngayon. He likes eating everything. Especially nuts and chocolates." Nakangiti ako habang sinasabi ko iyon. Hinaplos pa ni Haley ang pisngi ni Louis.

"He's just too cute! I want to bite his cheeks! Ang gwapo-gwapo niya! Ang haba pa ng hair! He's just too cute talaga!"

"Wag mong kurutin, baka magising magtotopak na naman iyan."

"Anong ginagawa niya kapag natotopak siya?" Tanong na naman ni Haley. "I wish I had met him sooner. Close na close siya kay Kuya Hunt no."

"Hindi ka kasi dumalaw sa akin kahit minsan sa last two years. And yes, sila kasi ni Hunt ang palaging magkalaro noon kaya ganoon na lang ang bonding nila. Si Hyron din naman." Sabi ko habang inililigpit ang luggage ko.

"Hyron was with him the first ten months of his life. Parang si Hyron nga ang tatay niya. Naalala ko dati mas gusto niya pang si Hyron ang katabi niya sa pagtulog kaysa ako kaya tinulak ko si Hyron sa kama." Napatawa ako nang maalala ko iyong gabing iyon sa apartment sa France. Natutulog si Louis sa dibdib ni Hyron. Sa inis ko dahil hindi ko mahawakan ang anak ko ay kinuha ko si Louis at saka tinulak si Hyron sa kama.

"Much better na si Kuya Hyron ngayon." Wika pa ni Haley sa akin. "Palagi na siyang nakangiti kahit na minsan nakikita ko siyang nakatulala pa rin pero hindi na tulad ng dati na parang panay siyang sasabog. Sa tingin ko nakatulong iyong nasabi na niya lahat kay Daddy tapos nagkapatawaran na sila."

I know what Hyron had been through mapatawad lang siya ni Daddy. Ang dami niyang ibinigay at isinuko para lang sa katahimikang mayroon ang pamilya namin ngayon. May ideya din ako na siya ang dahilan kung bakit nawala si Eos sa pamilya. The last I heard, he's back in UAE minding his own business pero hindi na sila nag-uusap ni Daddy at wala na rin siyang hawak na kahit na anong may kinalaman sa Demitri Armory.

"Nasaan nga pala si Hyron?" Bigla kong naalala. Kanina ko pa siya hinihintay na mag-pop out na lang bigla mula sa kung saan, ganoon naman kasi ang ugali niya, bigla na lang siyang lalabas, he shows himself when you least expect it – parang iyong nangyari noong nalaman naming buhay siya.

"Siguro sa office. He's always busy. Last week he went to Greece. Si Daddy dapat ang pupunta pero nag-volunteer siya sa sarili niya."

"What did he do in Greece?"

"Ewan, baka nambabae. Or worse, nanlalaki!" Haley's eyes widened. Binato ko siya nang unan. Bigla namang umigik si Louis kaya napatayo ako. He opened his eyes and pouted his lips.

"Milk, Momma." He yawned after saying that. Inutusan ko si Haley na magtimpla ng gatas para sa pamangkin niya. Habang tinatapik ko si Louis ay noon ko napansin ang pagbukas ng pinto ng silid ko. Pumasok ang kanina ko pa hinihintay na makita – si Hyron.

"Dada Hyron!" Sumigaw si Louis nang makita ang Uncle niya. Mabilis pa kay The Flash na tumayo ang anak ko at nagtatatalon.

"How's my favorite kid in the world?!" Kinarga ni Hyron si Louis at kiniliti. Napuni nang hagikgik ni Louis ang silid ko. Haley was looking at the two with that ridiculous on her face.

Once MineWhere stories live. Discover now