Chapter 2 - Sexy Back.

42.6K 1K 41
                                    


My first night at Isabela was relaxing. I told Bee na nabanggit sa akin ni Argos yung Kubli at isasama nya daw ako doon bukas na bukas din. Hindi ako mahilig sa mga bata but I really love carrying Briel, sobrang behave at tawa ng tawa.

"He really likes you!" Bulalas ni Bee nang maabutan nya na tawa ng tawa ang bata habang karga ko. She was carrying a bottle of milk. Kasalukuyan kaming nasa balcony habang hinihintay na maihanda ang hapunan.

She had to teach me how to hold their baby boy. May mga pamangkin ako sa dalawang kapatid ko na mas matatanda sa akin but I never met them when they were still babies. Pulos sa ibang bansa kasi sila pinanganak ng mga kapatid ko, so carrying Briel is really life changing.

"Sana nga." Natatawa na sabi ko. I pinched his nose softly and he giggled again.

"Here, painumin mo ng gatas." Inabot nya sa akin ang bote.

"What? No! I could not barely carry Briel, papainom pa ako ng gatas? Maawa ka sa unico hijo mo, Bee!" I feel horrified.

Ang lakas ng tawa ni Bee. "Akin na nga! Grabe ka makapag react!" Naiiling na kinuha nya sa akin ang bata at pinadede. Tinitingnan ko lang silang dalawa hanggang sa maubos na ni Briel ang gatas at tinawag na rin kami ni Ram para mag hapunan.

Inihaw na bangus at barbecue ang ulam kaninang tanghalian, may mga natira pa naman pero ang sinigang na baka ang main ulam that night. Luto daw yun ni Ram and I am very impressed. Pinakarga muna sa yaya si Briel habang naghahapunan kami.

"Honey, I'm gonna bring Via in Kubli tomorrow." We're in the middle of our dinner when Bee told Ram that.

Napatigil sa pag subo si Ram. "Kayo lang?"

"I'll bring Briel with us."

Tinitingnan ko lang sila habang nag uusap. They talk so casual pero kita at ramdam ko yung pag tingin nila sa isa't isa. They look so good together. Akalain mo nga naman na yung pagpilit ko na si Bee na lang ang ipadala ko dito sa Isabela got her her husband.

"But I can't drive you. Bukas ang punta ko sa Cauayan." Kunot noo na sabi ni Ram.

"Ako na lang?" Mahinang sabat ko. Although hindi ako palaging nagda drive since mas pinili ko na lang na mag commute rather gamitin ang sasakyan ni Daddy, I am pretty sure I still know how to.

Sabay sila na napatingin sa akin.

"No. I'm not going to let you drive. Bisita ka namin." Naiiling na nakangiti na sabi ni Ram. "I'll just tell Argos to accompany you both. Si Joaquin na lang isasama ko bukas." 

Kusa akong napangiti nang marinig ko ang sinabi ni Ram. Si Argos! Hindi ko na kailangan hanapin sya mismo para tanungin kung gusto nya ba na mag model para sa magazine. Sya na mismo ang pinapalapit ng tadhana. Este ni Ram.

Narinig ko na tumawa si Bee. Sabay kami ni Ram na napatingin sa kanya.

"What's funny?" Salubong ang kilay na tanong ni Ram.

"Nothing. May gusto lang kasi itanong si Via kay Argos and tomorrow might be the right time." Nakangisi na sabi ni Bee.

Napa awang ang labi ko.

"Kay Argos? What is it?" Nagpalipat lipat ng tingin ang asawa ni Bee sa amin.

Tumawa ulit si Bee. "Nevermind, Honey. Kain na lang tayo."

Nagkwentuhan pa kami ni Bee after nyang patulugin si Briel. Sa kwarto pa rin daw nilang mag asawa natutulog ang bata. Pasado alas onse na kami pumunta sa mga kwarto namin at natulog. Hindi ako namahay, mabilis akong nakatulog and I woke up still feeling relaxed.

...Donde viven las historias. Descúbrelo ahora