Chapter 5 - Oo.

32.7K 932 22
                                    


"Via! Via, wake up!"

I groaned when I heard Bee's voice and her knocks.

"Via, c'mon! Alas diyes na!"

I slowly opened my eyes and the brown ceiling welcomed me. Pinilit kong bumangon. I am still half asleep. Hindi ko alam kung anong oras na ako naka uwi kagabi.

Nagkakamot ako ng ulo nang buksan ko ang pinto. Bee's all smiles while carrying Briel who's playing with his squishy toy.

"What? I still want to sleep!"

"Are you serious? Last day mo na, we have to go somewhere!"

I just groaned. Tamad ako magsalita. The bed at my back seems a better option.

"Anong oras ka ba hinatid ni Argos? Masyado ka yata nag enjoy kagabi. Teka, nakumbinsi mo na ba? Kung um-oo, sabihin mo agad para mabigay ni Ram sa iba yung workload para sa kanya."

Ngumiwi ako. "Ayaw pa rin nya, eh. Nakakainis! Gusto nya pa nga ako ihatid dito sa loob, umayaw na ako. Tapos-" Napatigil ako nang bigla akong may maalala.

"Tapos ano?" Kunot ang noo na tanong ni Bee.

"Shit." Mahinang usal ko nang maalala ko. I gave Argos a smack in his lips! What the hell was I thinking!

"Via?"

"W-wala! Mag aayos lang ako tapos bababa na ako."

"Uhm okay. Bilisan mo, ipapa init ko na lang yung pagkain."

Tumango ako at mabilis na sinara ang pinto. Tumakbo ako pabalik sa kama at pasalampak na dumapa. Damn! I kissed him! It was just a smack, our lips barely met but still! Tumihaya ako at tumitig sa kisame.

Think positive. Hindi ko naman na sya need makita. Last day ko na.

But I really want him to say yes to my offer! Pagbalik ko ng Manila, saan na naman ako mag hahanap? Okay, given that I can just give a call to any modeling agency at sila na ang mag hahanap for me, naipakita ko na kay Mrs. Chua si Argos!

Binilisan ko maligo at bumaba after thirty minutes only to find a dashing Argos in the living room habang nakikipag usap kay Ram. Gusto ko bigla tumalikod at bumalik pero pareho nanila akong nilingon. Pinilit ko na hindi magpakita ng emosyon.

Ram's wearing a white polo and a khaki pants while Argos is wearing a blue sando and a jogging pants. Gusto ko sana sya kuhaan ng picture sa attire nya pero obviously ay hindi pwede.  At hiyang hiya ako sa ginawa ko kagabi kaya mas lalo akong wala sa posisyon na gawin 'yon.

"Via! Kanina ka pa hinihintay ni Beatriz. Nasa may pool sila ni Briel."

"Yep! Thanks, Ram!" Masiglang sabi ko. Hindi ko tinitingnan si Argos pero natutunaw na ako sa titig nya. Ramdam ko na sinusundan nya ako ng tingin.

Binilisan ko ang lakad at para akong nabunutan ng tinik nang makalayo na ako. Sinamahan ako ni Bee habang kumakain ako ng brunch. Ipapasyal daw nila akong mag asawa. Ram cleared his schedule since nakakahiya daw sa akin na hindi pa nila ako nasasamahan.

We went into churches and other places, namili na rin ako ng ilang souvenirs. 

Alas singko na kami ng hapon naka balik sa mansion. Sinalubong kami ng ilang katulong para tulungan kami sa mga dala namin. 

Nasa gilid kami ng pool ni Bee nang dumating si Ram. He's half naked and holding his shirt.

"Via, gusto mo ba sumama? Pupunta ako sa mga trabahador, baka gusto mo magpaalam sa mga nakainuman mo kagabi."

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon