chapter #12

2.8K 60 1
                                    

Alexandra pov:

Nakatayo parin ako dito sa harap ng bintana habang nakatanaw sa labas.

Nag wawala na ang reyna ng kadiliman dahil sa ginawa ninyo sa tatlo niyang alaga. Wala sa sarili kong sabi.

Ptss... ano naman ngayon... napatingin ako sa nag salita akala ko wala na silang lahat.

Umiling nalang ako,..... bilang sagot dito at napatingin sa dalawa kong alaga na nakatingin sa akin.

Pagpahinga na kayo luna, luran... sabi ko sa kanilang dalawang, sumonod naman sila sa aking sinabi at umakyat sa kanilang sariling silid.

Nag lakad ako papunta sa harapan niya at tiningnan siya ng mabuti.

Hindi ko alam kong bakit kayo narito sa lugar na ito pero isa lang ang masasabi ko mag ingat kayo lagi.. seryoso kong sabi sa kanya, at kong kailangan na ninyo umalis dito mag sabihin lang kayo at ipapahatid ko kayo kay luna palabas ng lugar na ito. at

Sabi ko sa kanya bago siya nilampasan pero napatigil ako ng mag salita siya.

Bakit hindi kanalang umalis dito? Tanong niya sa akin, nilingon ko naman siya nakatingin lang siya sa akin.

Ngenitian ko siya na hindi manlang umabot sa mata bago sumagot, " kong kaya ko sana.... sagot ko sa kanya at pinag patuloy ang pag lalakad papalayo sa kanya dumaritso na ako sa aking silid at agad humiga sa kama.

Kong kaya ko sana matagal ko ng ginawa pero hindi ko magawa dahil buhay ko ang kapalit. Sabi ko sa sarili ko.

Nakatingin lang ako sa kisami habang tumotulo ang luha hindi ko nalang ito pinansin, dahandahan kong tinaas ang aking kamay at gumawa ng isang cristal gamit ang yelo.

Sabi ni ina ng makita nila ako noon nakabalot daw ako ng yelo at sa tingin nila ito ang nag proticta sa akin, sugatan din ako ng araw na iyon. Nang tanongin nila ako kong sino ako wala akong masagot dahil sa wala akong maalala na kahit ano kong saan ako nanggaling o sino ako kahit pangalan hindi ko maalala kaya inalagaan nalang ako nila ama at ina, tinuring na isang tunay na anak at binigyan ng pangalan.

Tinuroan din nila ako paano gamitin at controlin ang kapangyarihan kong ito araw- araw nag sasanay kami hanggang sa nakukuntrol ko na ito.

Marami akong tanong sa sarili ko tungkol sa tunay kong mga magulang kong hinahanap ba nila ako, kong bakit nila ako pinadala dito at iniwan. At ang isang tanong na laging sumasagi sa isip ko.

Sino ba talaga ako?

ICE PRINCESS(complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon