chapter #21

2.7K 56 1
                                    

Kevin pov:

Nandito kami sa sala at hinihintay ang pag labas ni grey kong ano ang nangyari sa kanilang usapan.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko tahimik lang sila lalo na si mica kanina ko pa siya napapansing tahimik lang, alam kong nababahala siya at natatakot pero hindi naman tama ang ginawa niya.

I'm sorry...... mahina nitong sabi na tama lang para marinig naming tatlo, napatingin kami sa kanya. Nakayuko siya at hindi man lang tumingin sa amin nilapitan siya ni anica at niyakap.

Okay lang , alam naman naming nababahala ka sa nangyayari ngayon. Mahinawang sabi ni anica.

S-orry hindi ko lang alam kong ano ang gagawin ko kanina natakot ako baka may napahamak sa atin. . Humihikbing sabi sa amin hinagod naman ni anica ang likod niya bilang pag-aalo.

It's okay mica naintindihan naming ang naramdaman mo ,at ganon din ang nararamdaman ko pero hindi natin pweding iwan nalang basta- basta ang lugar na ito dahil may magagawa tayo hindi tayo pinili ng dyosa at dyoso para sa wala lahat may dahilan at ang isa dito ay tumolong sa nangangailangan. Mahabang paliwanag ni anica dito.

S-orry , s-orry dahil naging duwag ako.... humihikbi parin nitong sabi..

Okay lang ang maging duwag minsan mica walang mali doon lahat tayo naduduwag na harapin ang mga takot natin pero wag kang mag alala nandito kami hindi ka namin pababayaan, kaya tumigil kana sa pag iyak at pag hingi ng tawad naintindihan ka namin.. pag aalo narin ni josh dito, napangite nalang ako sa aking nakita at lumapit sa kanila at tinapik- tapik ang balikat ni mica tumingin naman si anica sa akin, nginitean ko lang siya at inakbayan.

Ng matapos ng ilang minuto tumigil na sa pag iyak si mica at tumingin sa amin at ngumite, " thankyou guys, " sabi sa amin,ngenitean lang namin siya bilang ganti.

Napatingin kami sa hagdanan ng makita naming pababa si grey papunta sa amin.

Ano na? Bungad agad ni mica sa kanya.

Umopo muna siya bago nagsalita, " mag handa kayo at mag pa- plano na tayo mamaya. Diritsong sagot niya sa amin tumango nalang kami.

Paano naman siya? Tanong sa kanya ni anica.

Sasama siya hindi siya pweding maiwan, manganganib siya dito at sa nakikita ko hindi siya papayag na maiwan . Seryoso sabi niya na kinatango nalang ulit namin.

Mag pahinga na lang muna kayo at mahabahaba ang gabing ito sa atin. Pahabol niyang sabi habang sumandal sa sandalan ng supa at pinikit ang mga mata.

ICE PRINCESS(complete )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt