B1-SOLA'S MYTH

38.8K 663 153
                                    

Tahimik na binabagtas karissa ng kanilang corridor ng maramdaman nya na parang may sumusunod sa kanya. Lumingon sya sa likod upang kumpirmahin kung may sumusunod ba sa kanya ngunit wala syang nakita ni isang tao sa paligid. Oras na kasi ng klase kaya walang estudyanteng nagkalat sa corridor. Ipinagpatuloy nalang muli ni karissa ang paglalakad patungo sa classroom, ngunit bago pa sya makarating sa classroom nya ay may biglang humila sa kanya patungo sa isang bakanteng classroom.

Nais sana ni karissa na sumigaw ngunit tinakpan ang kanyang bibig ng humila sa kanya. Pilit syang nagpupumiglas sa hawak ng humila sa kanya ngunit masyado itong malakas.Nagsimula nang kabahan si karissa.

"Namiss mo ba ko mahal ko?"sabi nung humila sa kanya... Napahinto si karissa sa pagpupumiglas nung makilala nya ang boses na narinig. Ang takot ay agad napalitan ng pananabit, lumuwag na rin ang hawak nito kay karissa at tinanggal ang takip sa bibig. Umikot si karissa upang harapin ang lalake at makasigurado. Agad nyang niyakap ito nang masiguro na ito ang kanyang kasintahan.

"Namiss mo nga ako!"natatawang sabi nito..."a-aray!"reklamo nito kinurot ito ni karissa sa tagiliran

"Grabe ka Cris tinakot mo ko!"sabi nya saka diniinan ang kurot sa tagiliran ni Cris

"Aww!...Sorry na mahal ko! Gusto lang naman kita isurprise eh."sabi nya sa tinangal ang kamay ni karissa sa tagiliran nya...

"Kelan ka pa nakabalik? Bakit hindi ka nagsabi sakin?"sabi ni karissa, umalis kasi si Cris halos isang linggo din itong nawala kaya miss na miss ito ni karissa

"Kagabi lang, Surprise nga kasi mahal ko kaya di ko sinabi"nakangiting sabi ni cris agad namang namula si karissa..."tara na baka dumating na yung prof natin!"sabi ni cris saka hinawakan ang kamay ni karissa. Naunang lumabas si cris saka hinila si karissa

~Tip

~Tap

~Tip

~Tap

Napalingon si karissa sa silid bago tuluyang lumabas

"Anu yun?"tanong nya sa isip nya... Natigil ang pag-iisip nya ng hilahin sya ni cris patungo sa classroom nila, buti nalang at wala pa ang prof nila

Napansin naman ni karissa na tahimik ang mga kaklase nya normally kasi ay mga nagkakagulo sila kapag walang prof pero ngaun halos walang nagsasalita. Nilapitan nila ang mga kaibingan nila sa umupo

BALLPENWhere stories live. Discover now