B2-TIP TAP

14.8K 461 45
                                    

Sa pagmamadali nya hindi nya napansin na may nakakalat sa daanan kaya nadulas sya, dahilan para mapaupo sya sa sahig..

Agad tiningnan ni karissa kung anung bagay ang naging dahilan sa kanyang pagkadulas, laking gulat nya ng makita ang ballpen nya. Yun ung ballpen na nahulog nya nung araw na huling beses nyang narinig ang kakaibang tunog. Lumakas ang kabog ng dibdib ni karissa ng may narinig syang naglalakad. Biglang nanlamig si karissa

Nag-uunahang pumatak ang luha ni karissa ng marinig ang isang pamilyar na tunog kasabay ng paghakbang na naririnig nya.

~Tip

~Tap

~Tip

~Tap

~Tip

Dahan-dahang inangat ni karissa ang kanyang tingin kung saan nanggagaling ang tunog ng yapak.

Nanlaki ang mata ni karissa ng makita ang isang babaeng dahan dahang naglalakad patungo sa kanya, nakauniporme ito tulad nang sa kanya. Mahaba ang tuwid nitong buhok, nakatago ang kamay nito sa likod habang nakayukong naglalakad. Sigurado si karissa na hindi lang simpleng estudyante ito

~Tip

~Tap

~Tip

~Tap

~Tip

Hindi makagalaw sa kinalalagyan nya si karissa. Unti-unti pa ring humahakbang ang babae.

~Tip

~Tap

~Tip

~Tap

~Tip

BALLPENWhere stories live. Discover now