B3-ALLEN

11.9K 332 48
                                    

Kahit kinakabahan si karissa sa pagpasok nyang muli sa university ay pilit nyang nilakasan ang kanyang loob

Lahat ng estudyante ay nakatingin kay karissa simula nang pumasok sya sa gate nang university. Kalat kasi sa buong university na kaugnay sa sola's myth ang nanyare kay karissa. At si karissa lang ang bukod tanging nakabalik sa university. Lahat ng natagpuang walang malay sa corridor ay hindi na muling pumasok sa university.

Maliban sa titig ng mga estudyante kay karissa may nararamdaman pa syang kakaiba. Kaya naman napahigpit ang hawak nya sa kamay ni Cris.

"Dont worry andito lang ako!"nakangiting sabi ni Cris ngunit puno ng pag-aalala ang mata nito.

"Salamat Cris at hindi mo ko iniwan"nakangiting sabi ni karissa. Simula kasi nung makaranas ng kababalaghan si karissa laging naroon si Cris upang samahan sya.

"Mahal ko naman wag ka nga magdrama dyan, Mahal na mahal kita kaya hinding hindi kita iiwan"sabi nito sabay halik sa kamay ni karissa

Napahinto si karissa nung malapit na sila sa corridor. Huminga sya ng malalim bago tuluyang humakbang.

~Tap

 

~Tip

~Tap

~Tip

~Tap

~Tip

 

Narinig agad ni karissa ang tunog na yun pagtapak nya sa corridor. Kinilabutan sya pero di tulad nung una na natakot sya. Nasanay na sya dahil lagi nya itong naririnig sa mga panaginip nya.

"Wine-welcome nya ata ko!?"sabi karissa sa sarili nya

Nasa classroom na sila, lahat ng prof ay binati si karissa sa kanyang pagbabalik. Simula pa lang ng klase ramdam na ni karissa na kanina pa may nakatingin sa kanya, kaya inilibot nya ang kanyang paningin sa buong paligid. Nahinto ang kanyang tingin sa labas, sa may isang puno at nanlaki ang mata nya sa nakita nya, napakurap sya ngunit pagdilat nya wala na ung nakita nya.

BALLPENWhere stories live. Discover now