B4-BALLPEN

15.1K 575 202
                                    

"Allen..."sabi muli ni karissa dahilan para lumingon ang lalake sa kanila kitang kita sa mukha nito ang pagkabigla at pagtataka.

"Pano mo nalaman?"tanong nito

"Nakita kita sa panaginip ko... Nagpapakita sya sakin"diretsong sabi ni karissa na lalong ikinabigla ni Allen

"I-imposible yun patay na sya!"sabi ni allen

"Kaluluwa nya ang nagpapakita sakin!"sabi ni karissa

"Hindi pa rin ba sya natatahimik?"malungkot na sabi ni allen.

"Anung ginawa nyo sa kanya nung nahulog sya?"tanong ni karissa. Kailangan nya ng sagot sa mga tanong sa isip nya

"Akala ko ba napapanaginipan mo?"tanong ni allen. Ayaw na nyang balikan ang mga pangyayare noon.

"Hanggang sa nahulog lang si Sola ang napapanaginipan ko! Anung ginawa nyo sa kanya?"muling tanong nya... kahit ayaw nang balikan ni allen ang mga pangyayare noon, ay halata nyang hindi titigil si karissa hanggat di nalalaman ang nangyare noon.

Huminga ng malalim si Allen saka simulang isalaysay ang nangyare noon.

*Flashback*

 

"Sola!"sigaw ni allen ng mahulog si Sola. Agad tumakbo si allen papunta sa baba upang puntahan si Sola

Nanghina ang buong katawan ni allen ng makita si Sola na nakahandusay sa sahig at di gumagalaw.

 

"S-sola"mahinang sabi nito habang palapit sa katawan ni sola at nagsimula nang pumatak ang luha nya.Nangtuluyan syang makalapit sa katawan ni sola ay agad nyang tiningnan kung may pulso pa ito. Ngunit lalo syang naiyak nung makapang wala na itong pulso. Agad nyang niyakap si Sola, wala syang paki sa dugong nahahawakan nya

 

"S-sola!"sabi nya habang patuloy sa pagluha...Dahan dahan nyang itinaas ang nanginginig nyang kamay at hinawi nya ang mahabang buhok ni Sola upang makita ang maamong mukha nito. Muling bumilis ang pagpatak ng luha nya nang makita ang dugo nito sa noo at pisngi.

"Sola... Sola... Gising ka na please! Wag kang matulog sa sahig..."sabi ni allen habang pinupunsan ang dugo sa mukha ni Sola.

"Please Sola, magpapaliwanag pa ko! Mali ang nakita mo! Maling mali!"sabi ni allen

BALLPENWhere stories live. Discover now