I Miss Myself

1.1K 37 1
                                    

Chapter 4
I miss myself

Her POV:

Pabagsak kong inilapag sa kama ko ang sarili ko. Hindi pa rin mawala ang inis na nararamdaman ko. Sa inis ko, naisabunot ko ang mga daliri ko sa buhok ko. Naalala ko nanaman kasi ang mukha ng lalakeng yun na hari ng kayabangan at ubod ng feelingero. At ang kabaliwan na nagawa ko kanina.

Binuhusan ko lang naman ng tubig yung magjowang naglalampungan sa kalye kanina, dahil naalala ko yung ginawa sakin ng hayuf kong ex bf at ex bff. Na-out of control ako at natauhan na lang ako ng maibuhos ko na yung laman ng bottled water na hawak ko. Pakiramdam ko kasi bumalik lahat yung sakit. Yung sakit nung makita kong tinraydor ako ng nag-iisa kong kaibigan. Masakit mawalan ng boyfriend pero ang pareho silang mawala sayo? Shit! Nadurog ako e.

Para kong tangang tumalikod nung marealize ko na di ko dapat ginawa yun. Nababaliw na nga yata ako dahil sa tagal ba naman hanggang ngayon di pa rin ako nakakalimot. Masakit pa din, sobra. Pero somehow, nakaramdam din ako ng kakaibang saya, pakiramdam ko kasi nakaganti na ko. Siguro nga unpredictable talaga kaming mga babae.

Naisip ko tuloy what if nagawa ko ring gumanti sa kanila noon? What if hinarap ko sila? Masaya kaya ako ngayon? Kusang pumatak ang luha mula sa mata ko... Mga what if na hindi ko na magagawa dahil hindi naman maibabalik pa ang nakaraan.

Napahawak ako dun sa poloshirt na binalibag sakin ng walang hiyang yun. Napapikit ako at muli kong naalala ang nangyari kanina.

"Hoy, babae!"

Nagulat ako at napapihit ng biglang may sumigaw sa likuran ko. Pakiramdam ko kusang huminto ang pag-ikot ng mundo, biglang tumibok ng mabilis yung puso ko. Ano 'to?

Nakatitig lang ako sa kanya, bakit ngayon ko lang napansin na gwapo pala siya at maganda ang pangangatawan? May mahahabang pilikmata at matangos na ilong nito. Talo pa nito yung appeal ng crush na crush kong si Dj sa sobrang kagwapuhan. Masasabi kong siya na ang pinagpala.

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko at sa unang pagkakataon, nagsorry ako sa isang stranger. Alam kong mali ako at hindi ko sila dapat binuhusan ng tubig. Wala silang kasalanan sakin.
Akmang aalis na ko ng bigla nanaman nya kong pigilan. Hinagip nito ang braso nito at sa muling pagharap ko, nagulat ako ng magtama ang mga paningin namin, kung hindi ako nagkakamali, konti na lang at magdidikit na ang mga labi namin. Nawala ang lahat nang hinuha ko nang bigla syang magsalita. Ang bango sana ng hininga nya, yet puro kahambugan lang naman ang mga sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa lalaking to, hindi sya mabait gaya ng akala ko. Hindi sya tumatanggap ng sorry lang, at tila kinilabutan ako sa hinihingi nitong kapalit.

'A kiss? No! My first kiss?!'

"Sabog ka ba?" Sa itsura nito, marahil natauhan na siya na hindi tipo nya ang gugustuhin ko.

Inis na nilayasan ko sya dala ang pabaon nitong remembrance. Pinapalabhan nya lang naman sakin yung damit nyang binasa ko.

Tse, asa pa sya! Pagkatapos nya kong bastusin.. No way!!!!

°
Hinagis ko yun sa bintana at saktong nahulog naman yun sa labas. Napatakip ako sa bibig ko at agad na tumakbo palabas, patay! Baka makita ni mama yun, ano na lang ang sasabihin nya?

"Fall, kanino 'to?!" Gulat na nakaharap si mama sakin habang hawak yung poloshirt na tinapon ko sa kanang kamay nya, while hawak naman nito yung ibang damit na halatang katatapos lang nitong isilong. Bakit ba kasi, saktong nagsisilong pala si mama ng sampay ng ganitong oras? Malas.

"Ah, mama magpapaliwanag po ako." Ani ko habang napapakamot sa batok ko. Ano na lang kaya ang iniisip ni mama ngayong may inuwi ako ditong damit ng lalaki? Er.

Isang mahabang paliwanagan ang nangyari. Ang labis kong ipinagtaka ay kung bakit hindi man lang nagalit si mama sakin? Nakangiti pa nga sya na parang ewan habang nagkkwento ko sa kanya. Mabuti na lang at busy sa paggawa ng home works si Fia at hindi na nya narinig ang nakakahiyang pangyayaring yun.

"Labhan mo yan at isauli sa kanya okay?" Aniya matapos makinig sa paliwanag ko. Shortcut na lang yung kwento dahil may mga part na malaswa. Inedit ko na agad. Amp.

"Bakit pa ma? Yaan mo na sya." Inis na sagot ko kay mama. Bakit ko isasauli to? Matapos nya kong bastusin.

"Humingi ka ng sorry, ano ka ba Fall? Hindi kita pinalaking ganyan? Ikaw ang nakaagrabyado, at dapat lang na ikaw ang magsorry. Makipagkita ka sa kanya bukas at isauli yan, maliwanag?" malaotoridad na utos nito. Napa'whatface naman ako sa sinabi nya. Marahil, dahil hindi ko binanggit kay mama ang tungkol sa kabastusan nito kaya naman ganun na lang ang kagustuhan nitong mag-sorry ako. Er! Kainis!

Padabog akong umakyat sa kwarto ko, at sumagot ng ''K. ma!'' para matapos na ang usapan. As if masusuway ko sya? Asar! Okay, isasauli ko na to para matapos na!

"Ate?" tawag sakin ng nakababata kong kapatid na si Fia.

Nilingon ko naman siya habang nakaupo sa kama at abala sa pagtatanggal ng sintas ng sapatos ko.

"Bakit?" tanung ko.

"Pwede ka bang sumama samin bukas?" mahina ang boses na tanung niya. Gaya nga ng sabi ko malaki ang ipinagbago ko. Bibihira na lang akong makipag usap ngayon kaya naman maging ang kapatid ko ay ilag na rin sakin. Pwera kay mama na ganun pa rin simula noon.

"Saan naman?" kunot noong tanung ko. Medyo inis pa din kasi ako sa nangyari kanina.

Ang totoo niyan di ko na maalala ang huling beses na lumabas kami nila Mama. Parati lang kasi akong nagkukulong sa bahay. Marahil ay panahon na para tulungan ko ang sarili kong makabangon.

"S-sa park ate." Nahihiyang sagot niya.

Twelve years old lang si Fia ngayon at nalulungkot ako dahil pati siya napabayaan ko kasabay ng pagpapabaya ko sa buhay ko. Kamukha niya si Papa at ako naman ang kamukha ni Mama. Nasa abroad si Papa at yearly lang siya kung umuwi pero kapag nakikita ko si Fia ay parang nakikita ko na rin si Papa sa kanya. Kawangis na kawangis niya ito, siya ang babaeng version ni Papa at sigurado akong lalaki itong napakaganda.

"P-pero k-kung di ka pwede ate, sige next time na lang." sabi niya ng hindi ako agad nakasagot. Malungkot siyang tumalikod at akmang lalabas na sa kwarto ko nang magsalita ako.

"Sige, sasamahan kita." Nakangiting sagot ko.

Alam kong nagulat siya dahil madalas ay tumatanggi ako kapag niyayaya nila ko ni Mama. Agad siyang humarap sakin.

"Talaga ate?" excited na tanong niya at tumango ako bilang sagot. Niyakap niya ako at nakita kong masayang masaya siya. Maya-maya pa ay nakita naming nasa pinto na rin si Mama at nakangiti habang pinagmamasdan kami.

"Ikaw Fall ha, nagtatampo na ko sayo. Dalawang taon mo kong tinanggihan, si Fia lang pala ang makakapilit sayo." Biro ni Mama. Nagtawanan kaming tatlo at niyakap ako ni Mama.

"Fall, namiss ka namin." Nakangiting sabi ni Mama.

'Kung alam mo lang Mama, miss ko na rin ang dating ako. At gusto ko ng bumalik sa dati, hindi ko lang talaga alam kung papaano..'

°°°°°°°°°°°°°°°°
Hi readers! Salamat po sa pagbabasa. Ü Para po sa mga nakabasa na nito before, dati na po itong napost sa wp group, pero nirevised at isinalin ko po rito sa wattpad para mabasa ng iba. Hindi po sya cliché or copypaste. ;) Yun lang. Ü

When The Badboy Falls (BTS Kim Seok Jin Fanfic)Where stories live. Discover now