What's with me?

780 31 1
                                    


Chapter 8
What's with me?

Her POV:

"Kamusta nak? Magkakaapo na ba ko?" pambungad na tanong ni Mama pagpasok ko ng pinto. Kakauwi ko lang kasama ang pekeng boyfriend ko.

"Mama!" angil ko.

Si Mama talaga, first date pa lang apo na agad?

Kung sa bagay di niya nga pala alam na first date namin yun. Hay!

"Hehe, e yung kasal nak? Napag-usapan niyo na?" excited na tanong niya.

Waa! Kasal agad?! :o

Kung alam mo lang Mama. Paano kaya kapag nalaman niya yung totoo? Patay ako!

At di ko pa rin nasasabi kay Still ang tungkol dito. Nakakahiya kapag nalaman niya. Baka kung ano pang isipin nung kumag na yun.

"Mama naman, wala pa sa isip ko yang kasal-kasal na yan." Pagdadahilan ko na lang.

"E bakit naman anak? Jackpot ka na nga dun kay Still. Handsome na mabait pa." ngiting-ngiti na sabi ni Mama.

What? Iyon handsome? Baka handsama?

Iniwan ko na si Mama sa sala at nagdahilan na pagod na ko para makaiwas sa mga tanong niya. Mahirap na baka makahalata pa siya.

Matapos kong magpalit ng pantulog. Nagpunta ko sa banyo para magtoothbrush. Saglit kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin.

Ano kayang nakita sakin ng mokong na yun?

Ngumiti ako at pinagmasdan ang itsura ko. Ang ganda ko pala kapag nakangiti? Tapos ay sumimangot naman ako.

Wew! Ang pangit ko kapag nakasimangot!

Tapos ay sinubukan kong magpout.

Ang cute ko! Hehe.

Oo na, mukha na kong tanga dito!

Bigla ko nanamang naalala yung itsura ni Still kanina. Bagay talaga sa kanya yung suot niya. Tapos ang romantic pa nung surprise niya. Wala sa itsura niya ang gagawa ng ganun.

Pwede na ba kong kiligin? :3

Pero marahil palabas lang niya yun, wala naman sa itsura niya ang magseseryoso e. At ano bang meron sakin?

Mas maganda pa nga sakin yung kalandian niya nung una naming pagkikita. Naalala ko tuloy yun, at bigla akong napaisip.

Girlfriend niya kaya yun?

Eh anu kung girlfriend niya yun? Di ako interesado!

Alam ko naman na hindi talaga siya seryoso sakin, baka isa lang ako sa mga babae niya.

Pabagsak kong ihiniga ang katawan ko sa kama. Bakit ba ganun ang mga lalaki? Akala ba nila kinagwapo nila yung pagiging babaero nila? Hinding-hindi na talaga ko magtitiwala sa inyo kahit kelan.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ko sa kakaisip ko.

-

Maaga akong umalis sa bahay dahil ayaw kong malate.

Nagmamadali akong maglakad papunta sa sakayan ng may biglang humarang sa dadaanan ko.

Pag-angat ko ng tingin, hindi ko inaasahan ang taong nakita ko sa harapan ko.

Magulo ang buhok niya at nanlalalim ang mga mata niya na halatang wala pang tulog. Ang laki ng pinagbago niya simula noong huli ko siyang nakita.

Kung may tao man akong iniiwasang makasalubong sa araw araw. Siya yun. Pero kapag pagtitripan ka nga naman ng tadhana. Heto siya ngayon sa harapan ko.

"Fall, mag-usap tayo.. Please?"

©iamnsc

When The Badboy Falls (BTS Kim Seok Jin Fanfic)Where stories live. Discover now