🦄Chapter Five🦄

1.6K 75 9
                                    

Awang hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang nag-udyok sa kanya na yakapin na rin ako. Ngayon, magkatabi kaming nakaupo sa sofa niya habang nakakulong ako sa mga bisig niya. Hindi ako magalaw. Hindi ako makahinga. Pero kahit ganoon, ayokong ihinto niya ang pagyakap sa'kin habang tinatapik niya ang braso ko. Dahil duon, nahinto ang pagluha ko. Suddenly, I don't remember the hurt anymore. Suddenly, I felt that I should let go of that hurt kasi andito naman siya, at sa ginagawa niyang pang-aalo sa akin parang sinasabi niyang hindi niya ako pababayaan. Na hindi niya ako iiwan.

"Alam mo, you should still be greatful. Kasi kahit paano, may nag-ampon sa'yo. Hindi ka naman siguro niya pinabayaan diba?"

Tama siya. Kahit na ganoon ang nangyari sa akin, at least may taong kumupkop sa akin. E sa kanya kaya? Tinitigan ko siya at tinanong. "E ikaw, wala bang nag-alaga sa'yo nung umalis ang Mama mo? Ano bang nangyari?"

"Wala e. Hindi ko rin alam kung ano'ng nangyari. Basta, ang alam ko lang, nagsawa na ang Mama kong maging plain housewife. Sabi ni Dad, mas pinili ng nanay ko na kunin ang opportunity sa ibang bansa bilang head cook ng isang sikat na restaurant duon sa Italy. She left me when I was ten. And everyday, nakita ko kung gaano nanging kamiserable ang buhay ni Dad. Naging lasinggero siya kaya bumagsak ang mga negosyo niya. Mabuti na lang, nasalba 'yon ng Tito ko. Hanggang sa mamatay na lang ang Dad dahil sa kalungkutan. At sa mga panahong 'yon, I had my bestfriend, kaya lang, tulad ng nanay ko, iniwan niya rin ako. Kaya mula no'n, ipinangako kong hindi na ako magmamahal ng babae."

So, 'yun pala ang kabuuan ng kwento niya. Kaya siya nakikipagrelasyon sa bakla dahil ayaw na niyang saktan pa siya ng mga babae. "E paano kung, may babaeng magtapat sa'yo na mahal ka niya at mangangako siyang hinding hindi ka niya iiwan, tatanggapin mo ba siya?"

Napakalas siya sa pagkakayakap sa akin. Ibinaling ang tingin sa glass wall ng sala niya, "Imposible 'yan. Bakla ako. Hindi na ako magkakagusto sa babae."

It hurts to be rejected for the second time around hindi pa man niya alam na ako ang babaeng tinutukoy ko. Pero, wala ata akong balak na sumuko. Kahit ano pang sabihin niya, determinado na akong mapasaakin siya. At gagawin ko ang lahat, kahit ano pa 'yon, mapansin niya lang ako, mahalin niya lang ako.

MAYAMAYA'Y NAKATULOG NA SIYA

Nasa ganoon siyang posisyon nang makatulog siya. Naku, siguradong mangangalay ang leeg niya dahil sa matagal na pagkakasandal sa backrest ng sofa habang nakatingala. Kaya naman maingat na pinahiga ko siya at pinaunan sa hita ko. Kung pwede lang akong manatili sa ganoong posisyon habang buhay, gagawin ko at sigurado, ako na ang magiging pinakamasayang babae sa buong mundo. Hindi ko lang kasi nakikita ang gwapo niyang mukha kundi nakikita ko rin kung paano maging payapa ang aura niya. Nakakarelax siyang titigan. Sa ganito kasing aura niya, para siyang anghel na walang ibang problemang iniisip, walang kahit na ano'ng sakit na iniinda, walang nakaraang pilit siyang sinasaktan.

And I can look at him forever just like this. I can stay beside him forever. Kung hahayaan niya lang akong mahalin siya, mamahalin ko siya higit pa sa inaasahan niya.

"Umuwi ka na." sabi niya kahit nakapikit. Nagulat tuloy ako. Akala ko naman, tulog na siya.

"Hindi pa ako uuwi. Sasamahan kita. Isa pa, mag-su-shoot na tayo ng pictorial diba?"

"Kung hindi ka kasi engot, nag-po-photo shoot na tayo ngayon."

"Bakit, sino ba kasing nagsabi sa'yo na iligtas mo ako kanina?"

Hindi siya agad nakaimik pero nang dumilat siya at magsalita, naku, nagalit pa sa'kin! "E sino ba kasing nagsabi sa'yo na maglakad lakad ka sa oval? Alam mo ng may mga naglalaro do'n sumige ka pa rin. Muntik ka tuloy masapul sa mukha. Kung di kita niligtas, wala ka na sigurong ilong ngayon. Dapat nga nagpapasalamat ka pa, diba?" at inirapan pa niya ako.

GayXGirl Series 1: To The Gay I Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now