🦄Chapter Nine🦄

1.5K 63 2
                                    

I, THE GAY SHE LOVES

                Paano ko ba ide-describe ang nararamdaman ko nang halikan niya ako kanina? Kulang ang salitang nagulat at nataranta para ilarawan ang naramdaman kong iyon. Ganoon niya ba ako ka-gusto para halikan niya sa mismong auditorium kung saan kami nag-pa-practice ng mga co-actors ko?

                That was a relieve actually, kasi ngayon, alam ko na at napatunayan ko ng totoo siya sa sinabi niyang gusto niya ako.

                I don’t know exactly what happened. Pero, natagpuan ko na lang ang sarili kong nahuhulog na pala ako sa babaeng ‘to. Paano? Hindi ako rin alam. Lalo na kung itatanong niyo sa’kin kung kailan. Pero naging sigurado ako dito sa nararamdaman ko pagkatapos ko siyang halikan.

                Hindi pa naman masyadong past ang pangyayaring ‘yon. I can still see her beautiful face as I remember that day, suot niya ang damit na itinahi ko. Kahit mukha talagang pangkatulong ‘yon, nadala niya ng maayos. For sure, some would disagree with me kapag sinabi kong maganda talaga si Amethyst. Iba iba naman kasi ang pagbibigay ng kahulugan ng mga tao sa ganda. Pero para sa’kin, totoong maganda si Amie. She’s more than beautiful. At alam kong hindi lang iyon ang rason kung bakit ko siya mahal.

                Sa araw na yon, napatunayan ko ang totoo kong nararamdaman para kay Amie. That day when I kissed her.

                Bakit ko nga ba siya hinalikan no’n?

                Ah! Naalala ko na! Kasalanan ng labi niyang aksidente kong natitigan, tiningnan ko pa kasi ng pagkatagal-tagal e! ‘Yun tuloy, natukso ako. Pero hindi ko ‘yon pinagsisihan. Dahil ‘yon ang pinakamasayang experience sa buhay ko bukod pa sa experience na kasama ko lang siya.

                Habang hawak ko siya noon sa bewang, bigla ko na lang inilapit ang mukha ko sa mukha niya and that magical kiss happened. Walang tigil sa pagkabog ang dibdib ko no’n. Pinagsama-sama ang kaba, ang takot, ang saya, ang excitement at pagkalito. Hindi na ako nakapag-isip sa puntong ‘yon e. Basta, sinunod ko kung ano’ng sinasabi ng utak at ng puso ko. They say, hindi daw nagkakasundo ang puso at utak. Pero nang gawin ko ‘yon, aba! Sang-ayon pati lungs hanggang apdo ko! That kiss seems so right. Pero hindi ko maiwasang ma-guilty sa ginawa ko pagkatapos kong makita ang nahihiya niyang mukha. Hindi siya nakatingin ng maayos sa’kin kaya naman, ganoon din ang naramdaman ko pagkatapos.

                At ang pinaka-masakit sa ginawa niya, nagkunyari siyang parang walang nangyari. “Ikaw huh, natotomboy ka sa’kin?” this are the exact words she had said.

Matatanggap ko pa siguro kung sinampal niya ako e. Pero hindi niya ginawa kaya mas lalo akong na-guilty. Hindi ko na nga noon narinig masyado ang sumunod niyang sinabi, nagtago na agad ako sa CR. I was so ashame of myself that day! Nahihiya ako kasi na-realize kong unti-unti kong kinakain ang sarili kong mga salita.

Pagkatapos akong iwan sa ere ng best friend ko, na siya ko ring first love, para sa boyfriend niya, ipinangako kong hindi na ako ulit magmamahal ng babae. Naging traumatic sa’kin ‘yon dahil si Jill lang ang karamay ko nung mga panahong iniwan ko ng Mommy ko. Akala ko kasi, kaunti na lang, magiging kami na, pero, walang nangyari. Iniwan niya rin ako tulad ng ginawa ng Mommy ko. And for that, nabuo ang galit ko sa mga babaeng tulad nila.

Wala talaga sa plano ko ang ma-in love kay Amie, pero nagising na lang ako isang araw na siya na ang laging nasa isip ko. Lahat nga ng sinabi at ipinangako ko, hindi ko na nagawa dahil kay Amie. I failed because of her. Pero nang malaman kong gusto niya ako, pakiramdam ko, ako na ang champion sa buong mundo.

                I am ready to take the risks now. Basta para sa kanya, gagawin ko. Kahit pa isa sa mga risks na ‘yon ay ang saktan ang kaisa-isang taong minahal ako ng higit pa sa lahat.

GayXGirl Series 1: To The Gay I Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon