Ang Tulang Alay kay Elijah

58 3 0
                                    

Ang Tulang Alay kay Elijah


Marahil ako ay hindi mo mapansin,

Dahil na kay Klare lamang ang iyong paningin.

Ngunit iyong asahan na anuman ang mangyari,

Pagiging tapat ko sa iyo ay hindi mahahati.


Marahil ikaw nga ay isang kathang-isip,

Ngunit bakit ganoon, hindi ka mawala sa aking isip?

Minsan nang napatanong sa sarili,

Bakit ganoon na lamang sa'yo ako'y nawiwili?


Sa mundo ng piksyon, madami nang nakilala,

Tumatak sa aking isip, maging sa alaala.

Ngunit bakit sa kanila ikaw ay naiiba,

Maging sa kaibuturan, ikaw ay sumama?


Marami ng karakter ang nilikha ng iyong manunulat,

Ngunit sa kanilang lahat, sa akin ikaw ang nakaangat.

Madaming mambabasa sa iyo ay humahanga,

Sa taglay mong kakisigan at wagas na pagmamahal.


Elijah, bakit sa iyo ako ay nahuhumaling?

Kahit totoong tao'y wala sa iyong maihambing.

Mapalad si Klare sa mundong inyong ginagalawan,

Sapagkat siya ang napili mong pag-alayan.


Marahil ang paghanga ko sa iyo ay hindi matatapos,

Dahil sa mundo ng piksyon, imahinasyon sa iyo'y hindi mauupos.

Kaya ang paghanga ko'y idadaan na lamang sa tula,

Dahil ang pagmamahal ko sa iyo'y hindi mawawalang parang bula.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Poems CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon