Chapter 2

17.4K 503 5
                                    

HABANG naglalakad sina Aslea Dennisse, Sam at Cynth ay napansin nila ang mga estudyanting nag-uumpukan at nagsisigawan di kalayuan sa kanila. Kaya agad silang nagkatinginan.

"I think, grupo na naman ni Pretty Jane ang mga yan. At meron na naman silang pinagtripan," ani Cynth sa kanila. "Ang ganda ng pangalan pero kabaliktaran naman ng ugali niya." Dagdag ni Cynth na parang sigurado sa hinala nito. At ng makalapit sila sa mga ito ay hindi nga nagkamali ang kaibigan niya. Dahil ang grupo nga nila Pretty Jane ang gumagawa na naman ng gulo.

"Lets go, wag na tayo makiusyuso dyan sa kanila, mga walang magawa lang yan sa buhay." Saad naman ni Sam. Tatalikod na sana si Aslea Dennisse ng marinig niya ang pagbanggit ng isang estudyante sa pangalan ng inaaway ng grupo nila Pretty Jane. Kaya napabaling agad siya dito.

"Kawawa naman si Sheryn Lleu. Hindi naman niya kasalanan kung bakit mas matalino siya kay Pretty Jane." Anang isang estudyante.

"Sheryn Lleu, baka siya yun." Ani Aslea Dennisse. At agad niyang kinuha ang ID na napulot niya kani-kanina lang. At pagkakita nito sa likod ng ID ay nakalagay naman dito ang ilang information at address nito.

"Edward Colin Samañego. Father's name." Nakasulat sa likod ng ID na hawak niya. "Oh! Shit. It's her." Anito matapos mapagsino si Sheryn Lleu.

"The who?" Ang tanong nina Sam at Cynth kay Aslea Dennisse. Tila hindi naman niya narinig ang tanong ng dalawa bagkos ay lumapit ito kung saan naroon si Pretty Jane. At saktong bubuhusan ulit ni Pretty Jane ng juice ang suot ni Sheryn Lleu ng magsalita si Aslea Dennisse.

"I think kulang ang isang baso Pretty Jane." Kaya napangiti naman ito dahil sa tinuran niya. Samantala si Sheryn Lleu ay napaluhod na ito dahil sa takot at mukhang wala man lang nagtatangkang tulongan siya. Kaya nanliit ito sa kanyang sarili, gusto na nitong umiyak ngunit pinigilan niyang wag pumatak ang mga luha.

"Ano bang ginagawa ng isang yan dyan?" Ang tanong ng bagong dating na si Kathryn. At tanging kibit balikat lang ang sagot ni Sam at Cynth dito.

"Okay boys, pwede bang pakidalhan niyo ako dito ng isang malaking drum. At punuin niyo ng tubig at pakilagyan narin ng dalawang galong chlorine or sakong asin. Dahil sa tingin ko dumarami ang mga bacteria dito sa loob ng university." Ang pasigaw na ani Aslea Dennisse sa ilang grupo ng kalalalakihang nandoon.

"W-what do you mean? I mean anong gagawin mo ang isang drum ng tubig, Aslea Dennisse?" Tanong ni Pretty Jane sa kanya.

"You know what I mean Pretty Jane and what I'm going to do. Your smart right." Nakangiting ani Aslea dito, ngunit deep inside niya ay kumukulo sa galit sa babae. "I will bet your ass bitch." Anito sa isip habang nakangiti.

KATATAPUS lang nila Yugene magpractice ng soccer kasama ang mga teammates niya sa university ng makarinig sila ng sigawan. Kaya nacurious sila kung ano ang nangyayari. Agad silang lumapit sa mga ito. At nakita naman nilang it's just a group of some girls in the university whose fighting again. Hindi na yun bago sa kanila. Dahil halos ganun ang ginagawa ng karamihan sa university nila ang makipag-away dahil lang sa kanilang mga kalalakihan.

"Ivan. Who's that girl, the one whose talking to Pretty Jane?" Tanong ni Yugene sa kasama nito. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nacurious dito pagkarinig niya sa boses ng babae.

"Yugene! Bro, you must kidding me. Hindi mo siya kilala?" Gulat nitong tanong kay Yugene. Kasama ni Yugene si Ivan sa soccer team nila at ito ang close teammates niya.

"Bakit? Itatanong ko ba sa'yo kung kilala ko siya?" Napakamot na lang ng batok ang isa sabay iling.

"Langya naman oh! But di mo kasi siya kilala? Eh! samantalang sikat siya dito sa university." Ang nakakunot noo nitong tanong kay Yugene. "Eh! Sa hindi ko nga siya kilala." Giit nito sa kasama.

IF I LET YOU GO(1)-(Completed)Where stories live. Discover now