Chapter 5

13.9K 429 1
                                    

LUMIPAS ang mga araw at naging malapit sa isa't isa sina Yugene at Aslea Dennisse. Masaya sila kahit hindi nila inaamin sa kanilang sarili kung ano ang tunay na stadu ng relasyon nila.

"Princess, saan ba tayo pupunta at kailangan mo pa kaming isama ng mommy mo?" Tanong ni Aljhon sa bunsong anak.

"Tama ang daddy mo anak, saan mo ba kami dadalhin?" Tanong naman ng ina ni Aslea Dennisse habang binabaybay nila ang daan lulan ng LEXUS new edition sports car nito kasama ang magulang.

"Basta malalaman niyo Mom and Dad. Malapit na po tayo." Sagot ni Aslea Dennisse sa magulang.

Makalipas ang ilang minuto ng marating nila ang lugar kung saan niya gustong dalhin ang ama't ina. May kalakihan rin ang istableseminto na nakatayo kung saan inihinto ni Aslea Dennisse ang sasakyan nito. Agad niyang inipark ang kotse bago siya bumaba ng sasakyan at inakay ang magulang papasok. Ang mag-asawa naman ay nahihiwagaan sa kanikilos ng kanilang anak ngunit nagpatianod na lang sila sa kagustuhan ng anak. Pagpasok nila sa loob ay bumungad kay Aljhon ang mga kaibigan niya mula noong siya ay binata pa. At kasama ng mga ito maging ang kanilang mga pamilya. Kaya ng makalapit si Aljhon sa mga ito ay agad siyang na nakipag kamay sa mga ito.

"Anong mayron mga bro at mukhang kumpleto tayong lahat dito?" Nakangiting tanong ni Aljhon sa mga ito.

"Yan din ang tanong ko bro, kung ano bang mayron at bigla na lang kaming pinilit ng triplets na pumunta dito ni Kate." Aniya naman ni Xander.

"Maybe, isa itong friends reunion." Sabat naman ni Sean na ipinagkibit balikat nilang lahat.

Maya't maya ay bigla nilang nakita si Aslea Dennisse na pumunta sa gitna ng stage na naroon habang hawak-hawak nito ang microphone. Natuon naman ang lahat ng tingin nila dito kung saan siya nakatayo.

"Mm-hmm! I know all of you here are asking why you here today. Um. Kaya po namin kayo pinapunta dito ay dahil gusto namin kayong maging bahagi sa pagbubukas ng lugar na ito ngayon," ani Aslea Dennisse. Ang mga kaibigan naman niya ay dahan-dahan nilang binuksan ang natatabingan ng puting kurtina. Ng tuluyang mabuksan ito ay ang bawat isa ay agad nilang binasa ang nakasulat na "WELCOME to Ambers Resto BAR."

"Dad, you remember when I told you that I need money?" Ani Aslea Dennisse sa ama. "Ginamit ko po ang perang yun para dito. Pinag isipan po naming magkakaibigan kung paano namin maitatayo ito. Ginawa po namin ito not only for us but for all you, as our parents. Hindi naman po lingid sa kaalaman naming lahat kung ano ang sinimulan niyong samahan dati at nagkawatak-watak lang kayong lahat ng maging busy na kayong lahat in your own life, family and business," saad nito sa kanila.

"Itong lugar ay mismong mga anak ng AMBERS CLAN and QUADRO-X ang nagdesign at nag-invented. Ginawa namin ito para ipagpatuloy ang samahan niyo noong kabataan niyo pa, hindi ko po sinasabing matanda na kayo ha! Kasi po mga gwapo parin ang mga Daddy namin at magaganda parin ang mga Mommy namin. Kung baga po wala parin kayong mga kupas." Ani Aslea Dennisse na kinatawa nilang lahat sabay iling.

"That's all. And once again, welcome to Ambers Resto Bar." Ang huling ani Aslea Dennisse bago siya umalis sa stage.

"I think your daughter is following your step, bro." Ani Darren sa kanilang magkaibigan.

"Yeah! That's true, napansin ko ngang kuhang kuha ng bunso mo ang ugali mo noon." Ang natatawang saad naman ni Marco.

Habang nag-uusap ang mga magulang nila ay biglang naagaw ang atensyon nila ng biglang nagkaroon ng tugtug. Kaya ang bawat isa ay napalingon sa pinagmumulan ng tugtug. At doon ay nakita nila ang anak ni Xander na si Alexander habang kinakalabit nito ang guitara. Ang kasama nito ay ang anak ni JM na si Jhamaicah at may hawak na microphone.

IF I LET YOU GO(1)-(Completed)Where stories live. Discover now