Chapter 13

11K 386 1
                                    

NANG malaman ng mag-asawang Belmonte ang ginawang panluluko ng mga Damian sa kanila. At ang balak ng mga itong gamitin ang pamilya nila upang maitayo muli ang bumagsak nilang kumpanya, ay halos manggalaiti sa galit si ginoong Belmonte.

"Hon, ipanatag mo ang kalooban mo. Maganda ngang maaga natin nalaman ang balak nilang panlilinlang sa ating pamilya." Turan ng ina ni Yugene sa espuso nito.

"Mom's right Dad, magpasalamat tayo kung sino man ang taong gumawa ng paraan upang malaman natin ang totoo." Ani Yugene sa ama.

Napabuntong hininga naman ang ginoo. Hindi parin ito makapaniwala dahil sa natuklasan. "Anong plano mo anak?" Biglang tanong ng ginoo kay Yugene.

"I'm going to talk Stella to Dad, after that I'm planing to go in Bukidnon. Magstay muna ako dun sa hacienda ni Lolo para magpalamig. Gusto kung makapag-isip ng maganda kung paano ko ipapaliwag sa babaeng mahal ko ang lahat na paniwalaan man lang niya ako. I love her very much Dad. But everything got change, dahil sa kasinungalingang ginawa ng mga Damian ay pati siya ay lumayo sa'kin." Saad nito sa ama.

Mapait itong ngumiti sabay hilamos nito ng mukha. Kitang kita sa mukha ng binata ang sama ng loob, ngunit nagtitimpi lang ito. Agad naman siyang niyakap ng kanyang ina upang ipadamang hindi siya nag-iisa.

"Ang lahat ay may dahilan hijo. Kung kayo talaga ang para sa isa't isa ay kahit kamatayan pa ang pumigil ay hindi niya kayo kayang paghiwalayin. Just trust with our almighty God, that nothing impossible son." Turan ng ina nito sa kanya.

"Thanks Mom." Sabay halik nito sa noo ng ina, nakangiti naman siyang tinapik ng ama nito sa balikat.

ARAW ng pagtungo nila Aslea Dennisse ng Mindanao. At gamit nila ang private plane ng pamilya patungong Cotabato. Dahil doon kasi nila napiling dumaan patungong Bukidnon.

Hapon na ng marating nila ang tahanan ng mga Samonte. Dahil sa pagud ay maagang nagpahinga ang magkakaibigan. Magkasama sa iisang kwarto sina AD, Sam at Cynth. Sa kabilang kwarto naman sina Kathryn, Sheryn Lleu at Belle. At ang tatlong boys na Alex, Axel at Austin ang magkakasama naman sa isa ring kwarto.

Habang nakapikit ang mga mata ni AD ay nagrereplay na naman sa isip niya si Yugene. At sa tuwing naiisip niyang magkasama si Yugene at Stella ay naninikip ang dibdib niya. Kaya pilit niyang winawaksi sa sestema ang binata.


KINABUKASAN ay maagang nagising ang dalawang kasama ni AD sa kwarto ngunit hinayaan lang niya ang mga ito. Maya't maya ay narinig nitong lumabas ng kwarto ang dalawa.

Makalipas ang isang oras sa tantya ni AD ay naramdaman niyang bumukas ang pinto ng kwarto. Habang nakahiga si AD ay biglang umuga ang kama kasunod nito ang pagyuyog sa kanya ni Sheryn.

"Hey! Bumangon kana dyan." Ani Sgeryn sa kanya ngunit umungol lang bahagya si AD.

Habang nakapikit parin ang kanyang mga mata ay may biglang yumakap sa kanya. "Ate kapag hindi ka bumangon dyan ay pagtutulongan ka namin kilitiin dito." Pabulong na ani Belle sa kanya.

Si Cynth at Sam naman ay inuunti-unti nilang pinapadaanan kamay ang dalawa nitong paa na siyang ikinabalikwas nito ng bangon. At mabilis siyang tumakbo papasok sa loob ng bathroom.

Ilang oras ding nanatili sa loob ng bathroom si Aslea bago siya lumabas. Paglabas niya habang nakatapis ng towel ay nabungaran nito ang mga kaibigang naghihintay parin sa kanya.

"Wow! Legs," si Belle na bahagyang sumipol. "Ay! Ate akala namin natulog ka ulit sa loob ng bathroom." Aniya pa ni Belle sabay hagikhik nito.

"Ewan ko sa inyo," naiiling nitong aniya. "Oh! don't tell me na babantayan niyo ako habang nagbibihis? Baka gusto niyong maghubad ako sa harapan ninyo." Nakataaas ang kilay na anito sa mga ito.  Si Belle naman ay agad niyang tinakpan ang mga mata gamit ang kamay nito, ngunit nakasilip parin ang isa niyang mata.

"Ate! Wag dahil bata pa po ako." At nagkatawan namang ang mga magkakaibigan dahil kay Belle. Hanggang sa magpasya ang mga itong lumabas sa loob ng kwarto at iwan muna ang kaibigang nagbibihis.

"Hintayin ka nalang namin sa baba." Ani Sheryn at tinanguan naman ito ni Aslea.

Makalipas ang halos kalahating oras ng mapagpasyahan ni AD na bumababa. At ng makita siya ng mga kaibigan niya ay napakunot ang noo ng mga ito. Dahil ang usapan nilang magkakaibigan ay maghohorse riding sila at dapat like a cow girl kuno sila. Pero si AD ay nakasuot lang ito ng kulay light brown short na lampas tuhod at tinernuhan niya ng kulay pink t-shirt at may nakatali sa leeg nitong kulay pink pashmina at naka converse shoes.

Mag sasalita sana ang mga ito ng mag'sign ito ng manahimik sila sabay tungo nito sa kusina na siya ring pagsunod ng mga kaibigan niya. Nagpahaing ito ng pagkain at sa kusina narin niya napiling kumain. Agad naman itong ipinaghanda ng mga katulong ng almusal niya. Nang maihaing na sa kanya ang pagkain ay nagtaka ito kung bakit natahimik ang mga kaibigan niyang nakamata sa kanya.

"Hey! don't tell me na ako lang mag-isa ang kakain dito?" At tumango naman ang mga ito at sabay rin silang umiling. Hanggang sa natapos ito ng pag-aalmusal ay walang nagsalita ni isa sa mga kaibigan niya.

"Manang may remote control po ba kayo dyan?" Tanong ni AD sa isa sa mga kasambahay dun.

Nagkatinginan naman ang mga kasambahay na nandoon. "Bakit po?" Nagtatakang tanong nito kay AD.

"Gusto ko kasi gamitan ng remote control itong mga mukhang korikong na 'to. At ng isa-isa ko silang mapaakyat ng puno ng saging." Ani AD. Kaya ang bunso sa kanila ang agad na nagsalita.

"Ate, sabi mo wag kami magsalita. Pero ayaw ko po umakyat sa puno ng saging, kaya magsasalita na ako." Ani Belle na nakapuot.

"Langya kayo oh! Mga mukha nga kayong Kurikong." Anito sabay paikot niya ng eye balls sa mga ito. Maya't maya ay nauwi sila sa tawanang magkakaibigan.

Matapus mag-almusal ni AD ay agad din lumabas ang mga ito sa loob ng mansyon. At tumuloy sila sa kwadra kung saan ang mga kabayo. Nang makita naman sila ng mga katiwala at nag-aalaga ng mga kabayo ay agad inilabas ng mga ito sa kwadra ang mga kabayong gagamitin nila. Excited ang mga ito maghorse riding, maliban sa isa. Di nagtagal ng dumating ang pinsan ni AD na si Aeron na siyang makakasama nila maglibot sa paligid ng Hacienda ng mga Samonte.

Nakangiting lumapit ito sa magkakaibigan. "Hey! girls, kumusta kayo?" Anang bagong dating ng na si Aeron.

"Hi." Masayang saad naman ng mga ito.

"Princess, ayaw mo bang subukan mangabayo?" Tanong ni Aeron kay AD. Mabilis naman itong umiling.

"No kuya, thanks nalang." Anito sabay lakad palayo sa mga kaibigan.

At habang naglalakad siya ay bigla siyang nakarinig ng tahol ng aso kaya bigla siyang kinabahan at nagpalinga-linga sa paligid. Patuloy siyang naglalakad ng biglang bumungad sa kanya ang dalawang aso. At sa takot niya ay bigla siyang tumakbo ng tumahol ang dalawang aso. Hindi nito alam kung saan siya pupunta habang tumatakbo dahil sa takot niya. Hanggang sa may mahagip ang kamay niya na hindi niya alam kung ano.

Dahil hindi siya tinantanan sa habol ng dalawang aso ay hindi niya napansin ang bangin sa gawi niya. Dahil sa subrang takot niya ay tuluyan siyang bumagsak dito kaya pikit mata na lang ang ginawa niya sabay dasal.

TBC.

IF I LET YOU GO(1)-(Completed)On viuen les histories. Descobreix ara