Chapter Six

7.4K 276 17
                                    

Troy emptied the contents of his plate and headed upstairs after. Sa loob ng kaniyang kwarto'y tinawagan niya kaagad si Dax. After several rings, the other line picked up. "Hello?"

"Dax," Troy mentioned his name. "Handa na ba 'yong mga fake IDs natin?"

"Oo naman," Dax replied proudly. "Ikaw na lang ang hinihintay."

Troy flashed a smile kahit 'di nakikita ng kausap.

Dax is a computer wizard. Magaling 'to pagdating sa technology. Bagaman first year high school pa lamang 'to'y masasabing siya ang pinakamatalino sa kanilang apat. Palagi nga nitong pinagmamalaki ang pagiging first honor niya sa Calapan na napatunayan naman niya lalo nang nakapagtapos siya bilang valedictorian sa isa sa mga private elementary schools sa Manila kung saan siya nag-transfer ng kaniyang pag-aaral.

"Does Jasper have any clue about this?" alalang usisa ni Troy.

"Wala," tugon ni Dax. "Masayang nagbabakasyon pa rin 'yon hanggang ngayon sa Paso de Blas kasama ang Lola Alejandra niya."

Kahit kabarkada nila si Jasper ay ayaw nilang isama 'to dahil bukod sa napakabata pa niya't imposibleng maayusan nila 'to na magmumukhang eighteen years old ay he's not yet circumcised.

"E, si Rodge, ready na ba 'yong mga getup natin para mamayang gabi?" Troy inquired once more.

"Yes, boss," Dax answered sarcastically.

"Okay, then," Troy said, satisfied. "See you later."



ELISSE'S eyes adjusted through the darkness. Minsan ay humihikbi pa rin siya 'pag sumasagi sa isip niya ang kaniyang kinahinatnan. 'Di na niya namamalayan ang oras. Pero, palagay niya'y naroon na siya sa loob ng napakatagal na panahon. Tumigil na siya sa pagkalabog sa pinto ng cupboard dahil bukod sa pagod na siya'y sa tingin naman niya'y kung meron mang nakakarinig sa kaniya'y walang may balak na siya'y pagbuksan.

Ilang saglit pa'y narinig na niya ang pagkalag ng kadena mula sa labas. Sumibol ang pag-asa sa kaniyang dibdib nang masilayan niya ang liwanag dahil sa pagbukas ng pinto.

"Tumayo ka na r'yan," matigas na utos ni Bruno. "Pinapatawag ka na ni Rikki. Maghanda ka na raw. Magsisimula na ang show isang oras mula ngayon. Isa ka yata sa main attraction ngayong gabi."

While having second thoughts, Elisse scrambled on her feet. Sa tingin niya'y mas maganda pa yatang manatili ng buong magdamag sa loob ng masikip na cupboard na 'yon kesa sumayaw siya sa ibabaw ng napakalawak na entablado habang pinapanood siya ng napakaraming kalalakihan. Pero, batid niyang dapat niyang sundin si Rikki sa ayaw at sa gusto niya dahil mas lalo lamang siyang mapapasama 'pag sinuway niya 'to. Mabigat man sa loob niya'y sinundan niya si Bruno.



TROY, Rodge and Dax entered Unicorn successfully using their fake school IDs and guises. Of course, at first, some interrogation happened. But, with the use of some persuasion, they made those bouncers believe that they're at their right ages.

"So, ako na pala si Tiburcio Batumbacal," nanggagalaiting wika ni Troy kay Dax pagkapasok nila sa nightclub.

"And me," naghihimagsik na dugtong ni Rodge. "Is Rogelio dela Cruz! Seriously? What wrong have we done to you, bro, for you to name us like we've been born on the eighties?"

Tuwang-tuwa si Dax sa kalokohan niya. "Sinunod ko lang naman ang instructions niyo. Buti nga nilagay ko do'n na nag-aaral kayo sa La Salle at Ateneo. Samantalang ako'y sa state university lang," he consoled them both. "Kaya binawi ko na lang sa pangalan 'yong akin. Darius Xavier Miranda." He said while quoting it in the air like a conductor of an orchestra. Then, he laughed hysterically again. Sa kabila ng pagkainis ng dalawa.

A Kristine Series Fanfiction: Elisse, Dearest (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon