Chapter Ten

7.1K 279 10
                                    

"P-pinaimbestigahan n'yo po ba 'ko?" utal na tanong ni Liza.

'Di sinasadya ni Kurt na ipakita kay Liza 'yon. Pero, ayaw niyang ipahalata ang guilt sa dalaga dahil sa tingin niya'y walang mali sa kaniyang ginawa. Dinaanan lamang ng kaniyang paningin ang manila folder na nakita ni Liza.

"Yeah," he confirmed unemotionally. "For security purposes. But, don't worry. I've found you clean. Nalaman kong totoo nga ang sinabi mong taga-Quezon Province ka. Santo Cristo to be specific. At ang tirahan n'yo'y nakatayo sa lupain ng mga Navarro which is affiliated to the Fortalejos. What a coincidence! Ang pinagtatakhan ko lang ay kung bakit pumapayag kang tawagin sa palayaw na Liza gayong kilala ka sa lugar na 'yon bilang Elisse."

"P-pero, bakit n'yo po ginawa 'yon?" usisa ni Liza. Hindi umubra sa kaniya ang ginawa ni Kurt na pagpapahaba ng sagot nito to ease the awkward situation.

"I just need to know if you're a spy, a kidnapper o kung meron kang anumang masamang balak para sa pamilya ko," Kurt replied straightforwardly.

"G-gano'n po ba kasama ang tingin n'yo sa 'kin?" Liza asked curiously, trying to swallow the invisible lump that's slowly forming in her throat.

"Hindi naman sa gano'n," ani Kurt. Tinigil niya muna ang kaniyang ginagawa sa harap ng computer to face Liza. "Ayoko lang na pati si Jasper ay mawala pa sa 'kin."

"P-pa'no pong maaaring mawawala si Jasper ng dahil sa 'kin?" nagugulumihanang tanong ni Liza. This time, she's unable to hold back the tear that escaped her left eye. "Napakabuti n'yong lahat sa 'kin, Tito Kurt. H-hindi ko po kayo kayang pagtaksilan!"

"That's the point, Liza!" Kurt hurled at her. Napatayo siya sa kaniyang kinauupuan at binagsak ang kaniiyang mga kamao sa ibabaw ng mesa. "You've been sweet, kind and caring sa 'king mag-ina't lola. At 'di ko gustong ilapit pa ang loob ko sa 'yo dahil do'n! Pa'no kung pati ikaw ay gamitin nila laban sa 'kin? 'Di ko na alam ang gagawin ko!"

"'D-di ko po k-kayo maintindihan," she said, stammering. Liza felt something painful in her chest. Sa pagkakaintindi niya'y pabigat ang tingin sa kaniya ni Kurt.

After that, a long silence reigned between both of them. The only thing to be heard were Liza's soft sobbing. Nang kumalma si Kurt ay naupo siyang muli sa kaniyang silya. Hinilamos niya ang kaniyang mukha sa pamamagitan ng kaniyang mga palad. For that particular moment, his patience got lost. Sa palagay niya'y his control was lost nang mapaiyak n'ya si Liza. He suddenly felt guilty. He's angry at himself for making an innocent girl cry. Pero, nagkamali s'ya dahil ibinunton n'ya pa rin 'to rito.

"I'm sorry, Liza," Kurt said sincerely. "I shouldn't've burst out to you like that."

"O-okay lang po," pasinghot-singhot na tugon ni Liza while wiping her tears away using the back of her hand.

Kurt pulled napkins out from the box over his drawer and offered it to Liza. Tinanggap naman 'to ng huli.

"A-ano po bang ibig n'yong sabihin sa 'kin, Tito Kurt?" usisa ni Liza pagkatapos niyang punasan ang kaniyang mga luha't singahan ang natitirang tissue.

For the first time, Kurt smiled because of Liza's candidness. Humugot pa siya ng ekstrang pamunas at binigay 'yon kay Liza para gamitin. Somehow, it lightened up the dramatic mood of the situation. Then, he asked: "Haven't they told you about Krystal?"

"'Yon lang pong kakambal s'ya ni Jasper at may dumukot sa kaniya mahigit isang taon na ang nakakalipas," Krystal answered after she blew her nose.

"That's true, Liza," Kurt confirmed as he gestured Liza to take the seat in front of him which she did. "At hanggang ngayon ay 'di pa rin namin alam kung nasaan siya."

A Kristine Series Fanfiction: Elisse, Dearest (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt