Chapter Seventeen

6.2K 259 2
                                    

Buong buhay ni Gillian ay 'di niya akalaing hihingi siya ng tulong sa taong 'to. Pero, desperada na siya para tuluyang mawala si Liza sa buhay ni Zach at 'di niya kakayanin 'yon mag-isa. She needed the right person for the right job. Kumatok siya sa pinto ng bahay. Ilang saglit lang ay bumukas 'yon.

"Anong kailangan mo?" nakabusangot na tanong ng matandang lalakeng bumungad kay Gillian. Tila matagal na panahon din 'tong 'di nakakapag-ahit ng bigote't balbas. Ngunit, 'di 'yon sapat para takpan ang kaniyang malupit na mukha. "Sinong hinahanap mo?"

"Hi! I'm Gillian," pakilala niya ng 'di inaabot ang kaniyang kamay sa matandang lalake. Nandidiri siya rito. Kung 'di lang kinakailangan ay 'di niya nanaising makipag-usap o lumapit man lamang sa kaniya. "Ikaw siguro si Mang Ramil, tama ba?"

"Ako nga," tugon ni Ramil. "Bakit?"

Batid ni Gillian na isang mahirap at mahabang usapan ang magaganap. "Pwede bang mag-usap na lang tayo sa loob?"

Kinilatis muna ni Ramil si Gillian mula ulo hanggang paa. Magandang babae 'to. Mukhang 'di gagawa ng masama. Nahalata niyang nahalayan 'to sa kaniyang panunuri. Napangisi siya. "Sige," pahintulot niya. "Pumasok ka."



PARANG walang nakatira sa loob ng bahay. Napakagulo't napakarumi. Nagkalat ang mga bote ng alak sa paligid. That explains kung bakit amoy alak si Ramil. "Nasaan ang mga kasama mo?"

"Mag-isa na lang ako rito," walang kaemo-emosyong sagot ni Ramil. Sumalampak 'to sa upuang kahoy at tumungga mula sa bote ng gin. "Matagal ng patay ang asawa ko dahil sa cancer. Samantalang, nagtatrabaho naman ang anak kong babae sa Maynila. Pero, wala na 'kong balita sa kaniya. Kinalimutan na yata 'ko ng tarantadong 'yon."

Nagbuntong-hininga si Gillian. Wala siyang pakialam sa paglilitanya ni Ramil. Gusto lang niyang malaman kung nag-iisa ba 'to sa bahay. Nakatayo siya sa harapan nito. Nakapagitan sa kanilang dalawa ang isang mesa. "Anyway, narito ako para alukin ka ng trabaho."

"Kung magpapagawa ka ng alahas, iniwan ko na no'n pa ang trabahong 'yon," pahayag ni Ramil. "At saka wala 'kong kagamitan dito para gawin 'yon. Kung gusto mo pumunta ka sa kabisera–"

"'Di ako pumunta rito para magpagawa ng alahas," Gillian interrupted him. "Ibang trabaho ang ipapagawa ko sa 'yo."

"Ano namang trabaho sa tingin mo ang kaya kong gawin bukod sa paggawa ng alahas? Pumatay ng tao?" Natawa si Ramil.

"Oo," Gillian answered straightforwardly.

"Niloloko mo ba 'ko?" kunot-noong tanong ni Ramil.

"Babayaran kita ng dalawang daang libong piso sa oras na magawa mo ang pinapagawa ko sa 'yo," Gillian said seriously.

"Siraulo ka ba talaga o ano?" usisa ni Ramil. Nararamdaman niyang 'di nagbibiro si Gillian.

Alam ni Gillian na 'di basta maniniwala si Ramil sa kaniya. Pinaghandaan niya na 'yon. Ibinaba niya ang bitbit niyang shoulder bag sa ibabaw ng mesa't dinukot mula ro'n ang bundle ng isang daang libong piso. Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito. "Patikim pa lang 'yan para naman maniwala kang kaya kitang bayaran ng sinabi kong halaga sa oras na magawa mo ang ipapa-trabaho ko."

"P-pero, b-bakit ako?" utal-utal na tanong ni Ramil.

"Dahil alam kong halang ang kaluluwa mo," Gillian replied bravely.

Nagpantig ang pandinig ni Ramil. Pabagsak niyang nilapag ang boteng iniinuman niya sa ibabaw ng mesa. "Anong sinabi mo?!"

"Guilty much?" paismid na tanong ni Gillian. "Nakita ko kung pa'no mo pinatay ang nanay ni Elisse, si Henrietta."

A Kristine Series Fanfiction: Elisse, Dearest (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon