"O, BARON, KUMUHA ka pa ng ulam."
Inabot sa 'kin ni Karina 'tong plato ng tocino. Tinanggap ko naman para kumuha.
Ang pangit ng umaga ko. Hindi namin kasabay mag-almusal si Desa ngayon. Tsk, baka pati sa pagkain ayaw niya na rin akong makita. Nakakapikon. Ibibigay ko pa naman sana sa kanya 'tong Beng-Beng.
Nasa kalagitnaan na kami ng agahan tsaka lang lumabas si Desa galing sa kwarto niya.
Nakabihis ng pang-alis. Saan kaya pupunta 'to?
"Desa, hindi ka ba muna mag-aalmusal?" tanong sa kanya ng Mama niya.
"Tapos na po ako. Kailangan ko pong umalis nang maaga kasi hahanapin ko pa po 'yong bangko na pag-a-apply-an ko, eh."
"Magpahatid ka na lang sa Kuya Baron mo," sabat naman nitong si Rex.
Biglang nabuhay ang dugo ko. Gusto ko 'yon, ah. Nagkatitigan nga kami ni Desa. Ang cute niyang magulat.
"Baron, ihatid mo nga si Desa. Baka maligaw," utos pa sa 'kin ni Rex. "Tsaka mukhang lalakas pa 'yang ulan."
Tama. Lalakas pa talaga 'yang ulan at delikado rin kapag basa ang kalye. Baka mapahamak pa 'tong anak niya. Tumanggi pa si Desa sa tatay niya pero ako, hindi ako tatanggi. Ako na ang maghahatid sa kanya. Dapat sana sasamahan ko ulit ngayong umaga si Arkhe, pero mas gusto kong kasama si Desa. Para na rin maibigay ko 'tong binili kong Beng-Beng na dala ko ngayon sa bulsa ko.
Uminom lang ako ng tubig tapos tumayo na ako. "Tara," sabi ko rito kay Desa sabay labas ko ng bahay.
Umuulan pero hindi na ako nagpayong papunta sa pinagpaparadahan ng kotse ko. Bigla nang gumanda ang umaga ko ngayon. Ayos na rin pala na sumabay akong mag-almusal kina Rex. Nautusan akong maghatid ng bata. Siguro naman papansinin na niya ako.
Na-text ko na rin si Arkhe na hindi ko na siya masasamahan sa pupuntahan niya. Hindi ko na lang sinabi kung bakit kasi malamang mang-aalaska na naman 'yong ungas na 'yon.
Inayos ko na muna saglit 'tong loob ng sasakyan ko.
Mayamaya lang naman, lumabas na rin si Desa galing sa bahay nila.
Tiningnan ko siya. Bagay pala sa kanya kapag naka-suot siya ng pormal. Nagmukha na siyang 18 years old. Ang iksi pa ng palda niya. Kitang-kita ko tuloy ang mga legs niya. Ang puti pati ang kinis.
Natauhan lang ako no'ng bigla niyang tinakpan ang mga 'yon ng dala niyang folder. Sinimangutan niya ako. Natawa ako sa loob-loob ko. Nahuli niya pala ako. Bumalik na lang ako sa pag-aayos dito sa loob ng kotse.
Lumapit na siya sa 'kin. Do'n pa nga dapat siya uupo sa likod, pero hindi ako pumayag. Tinapik ko 'tong pinto sa harap. "Dito ka umupo sa harap. Ayokong magmukhang driver."
Sumunod naman siya kahit halatang ayaw niya. Pumasok na siya sa loob.
Pumasok na rin ako sa kabilang pinto pagkatapos. Pinunasan ko 'tong mga patak ng ulan sa balat ko tapos tiningnan ko siya na nasa tabi ko. Nakakatawa, para siyang hindi mapakali.
"Sa'n ka ba mag-a-apply?" tanong ko na lang.
Hindi naman siya sumagot. Bigla niya na lang akong inabutan ng maliit na papel. Love letter na naman yata 'to.
Tinanggap ko agad para tingnan. Address pala. "Bangko? Hindi ko 'to alam."
Parang nanghina siya. "Sabi ko na nga, eh. Hindi ka naman kasi taga-rito. Wag mo na lang po kaya akong ihatid, magco-commute na lang ako. Kaya ko naman."
"Ihahatid nga kita." Binuhay ko na 'tong makina ng kotse. Ang cute niyang kabahan. Nagbibiro lang naman ako. Alam ko talaga kung saan 'tong a-apply-an niya.
BINABASA MO ANG
TLAD: Behind the Tattoos [Companion Book]
General FictionTLAD'S COMPANION BOOK: Dahil sa malaking kasalanang nagawa ni Baron Medel sa kanyang matalik na kaibigan, nagdesisyon siyang magpakalayo-layo upang makalimot. Nakipag-sosyo siya sa tattoo shop ng kaibigang si Rex Franco sa Batangas, at doon na rin n...