Chapter 9

125K 3.7K 1K
                                    

"TANGINA 'TOL, KAILAN ka pa nahilig sa pusa?"

Hindi ko napansing nakasilip pala 'tong si Arkhe sa ginagawa ko sa cellphone ko. Nakatambay kami ngayong hapon dito sa tindahan.

Nginisian ko na lang siya. "Naghahanap ako ng bagong wallpaper. Magpapalit ako."

"Tapos kailangan pusa?"

"Wag kang magulo diyan. Kuting 'to. Hindi pa 'to pusa."

"Gano'n din 'yon. Sa dinami-rami ng pwedeng gawing wallpaper, pusa pa. Pwede namang babae na lang."

"Bakit? Babae naman 'to, ah. Babaeng pusa."

"Tangina mo." Sabay kagat niya sa kropek niya.

Natawa na lang ako. "Si Desa 'to. Hindi ba mukha siyang kuting?"

"Ah. Sus, siya na naman pala. Oo, 'tol. Si Desa mukhang kuting. Ikaw naman mukha ka nang Desa."

"Tarantado ka talaga minu-minuto."

"Totoo naman. Porket nagkaayos na kayong dalawa, puro siya na naman 'yang bukambibig mo. Nabaliw ka na naman. Baka bukas 'pag nakita kita, magkamukha na kayo, ah."

"Tss, wala nga. Hindi ko pa nga ulit siya nakakausap simula no'ng sinamahan ko siya sa bangko. Hindi pa ulit kami nagkakasama."

"Miss mo na siya?"

Napapigil lang ako ng ngiti.

"'Yon oh. 'Yong mga ngiting ganyan, kilala ko 'yan, eh. Mahal na mahal mo eh, 'no?"

Nginisan ko lang. Ungas talaga 'tong hayop na 'to. Hindi na nga ako nagsalita.

"Oh, ba't ba hindi na naman kayo nagkikita?" tanong niya. "LQ na naman kayo? Parang napapadalas 'yan."

"Hindi. Ang dami ko lang talagang ginagawa. Sunod-sunod kliyente ko sa shop. Hindi na nga ako nakakasabay sa kanilang kumain. 'Pag umuuwi naman ako sa gabi, tulog na yata siya. Hindi ko na siya naabutang nagla-laptop sa labas. Tsaka badtrip pa rin kasi ako ro'n sa unggoy na nag-text sa kanya."

"'Yan ba 'yong Grant? 'Yong kinwento mo sa 'kin kahapon?"

"Oo. Hindi ko nga alam kung nireplyan ni Desa 'yong unggoy na 'yon. Hindi ko pa siya natatanong."

"Ang kupad mo kasi." Natawa siya. "Mauunahan ka na tuloy. Wala na. Magka-text na 'yong dalawang 'yon. Baka nga nagtatawagan na ang mga 'yon."

"Tangina mo. Kahit kailan talaga wala kang kwentang kausap."

"Nagsasabi lang ng totoo. Alam mo, 'pag hindi ka pa gumalaw, makukuha talaga ng iba 'yang si Desa. Kilala kita, pare. Alam kong hindi ka nagpapatalo sa ganyan."

Napahinto ako sa pagce-cellphone. Parang bigla akong napaisip. "Sa totoo lang, hindi ko nga alam ba't nagkaka-ganito ako. Hindi ko naman talaga trip 'yong mga tipo ni Desa na good girl tsaka parang bata. Ewan ko ba kung anong mayro'n sa babaeng 'yon. Biglang gusto ko nang palagi siyang nakikita, tapos naiinis ako 'pag may kinakausap siyang ibang lalaki."

Natawa 'tong si Arkhe. "Diyan nag-uumpisa 'yan, 'tol. Para namang hindi mo naramdaman sa ibang babae 'yan."

"Parang hindi nga. Bukod kay Leila, ngayon na lang ulit ako nagkaganito. Tangina ginayuma yata ako no'n ni Desa."

Lalo siyang natawa. "Eh hindi papatulan mo na talaga 'yon?"

Kumunot ang noo ko sabay balik dito sa pagce-cellphone. "Ewan ko. Ayokong seryosohin. Basta natutuwa lang ako ngayon. Natutuwa ako sa kanya. Tsaka alam mo namang si Rex ang makakabangga ko kung sakali."

"Oo nga pala."

"Hindi ako pwedeng malintikan sa matandang 'yon. 'Yong FRANCO tsaka 'yong resort nila ang bumubuhay sa ' 'kin ngayon. Hindi 'yon pwedeng mawala sa 'kin."

TLAD: Behind the Tattoos [Companion Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon