Chapter 32

3.9K 85 0
                                    

---

Tulad nang nakasanayang ay inaabangan sya ni Nathan sa tapat ng kanilang bahay..

"Avery..." tawag ni Nathan sa kanya

Tahimik lang sya habang nasa sasakyan at napansin naman iyon ni Nathan

"Avery may problema ba?" tanong ni Nathan

Umiling ang dalaga "w-wala Nathan..." at umiwas ng tingin si Avery.

Pakiramdam ni Nathan ay parang may mali. Ngunit hindi na lamang din sya nagsalita. 

Pagdating ng uwian ay hinatid nya ulit ito sa tapat ng bahay ng dalaga.

"Nathan..."

Napatingin sya sa dalaga at hindi nagsalita, hindi alam ni Nathan kung bakit sya kinakabahan.

"Nathan I'm sorry..." napaluha na si Avery

"b-bakit ka nag so-sorry Avery?" alam na nya kung saan patungo ang usapang iyon pero pilit pa rin nyang iwinawaksi sa isip nya.

"G-gusto ko nang makipag hiwalay..." hindi makatingin ng derecho si Avery nasasaktan sya dahil nasasaktan nya si Nathan.

"w-why Avery? m-may nagawa ba ako—" avery cut him off "no Nathan... you're too perfect.. pero you deserve someone better than me... I'm in love with—"

"stop Avery!" pigil ni Nathan sa sasabihin nya. 

She sobbed "im sorry... pinilit kong mahalin ka Nathan pero pagmamahal bilang kaibigan lang ang nararamdaman ko Nathan..."

"I said stop it avery!" mahigpit na nahawakan ni Nathan ang manibela ng kanyang sasakyan. "mapapangasawa sya ng ate mo! Ano bang iniisip mo?!"

"n-no nathan... hindi si Nico ang ama ng dinadala ni ate... napilitan lang gawin ni ate na si Nico ang sabihing ama ng dinadala nya dahil hindi nya alam kung nasaan ang boyfriend nya ng mga panahong iyon...I'm sorry..." paliwanag ni Avery.

"get out of the car avery!" sigaw ni Nathan sa kanya.

She sobbed "I'm sorry Nathan..."

"I said get out!" sigaw ni Nathan sa kanya. Kaya lumabas na sya ng kotse nito.

Hindi nya mapigilan ang umiyak dahil parang nadudurog ang kanyang puso sa ginawa nya sa binata. Napahinto si Avery ng salubungin sya ni Nico "d-did he hurt you?" nag aalalang tanong ni Nico sa dalaga

Umiling si Avery "n-no... I've hurt him Nico..."

Nagulat na lamang si Avery ng may sumuntok kay Nico at natumba ito.

"walang hiya ka!" sigaw ni Nathan sa natumbang si nico. susugurin ulit sana ni Nathan si Nico nang pigilan sya nito "bitiwan mo ko Avery!"

Hindi binitawan ni Avery si Nathan "iyan ba ha! Hindi nga nya maamin na ikaw ang mahal nya eh! Kung kailan naman naging tayo na saka pa sya eeksena satin!" nagagalit na si Nathan. Ramdam ni Avery ang galit nito.

Tumayo si Nico "pare—"

"wag mo kong tawaging pare! Tarantado ka! pagkatapos ni Yra si Avery naman?! T*ng ina mo pala e!" nagagalit na tugon ni Nathan

"Nathan please... I'm sorry... huminahon ka..." pigil ni Avery dito

Sinamaan nya lang ng tingin si Avery bago marahas na pumiksi sa pagkakahawak nito sa kanya at umalis lulan ng sasakyan nito.

Lumapit si Nico "im sorry Avery... nasaktan ka ba nya?"

"no Nico... wait you're bleeding..." tukoy nito sa pumutok na labi ng binata "halika na sa loob at gamutin natin yan..."

Pagpasok nila ay nakita nilang pababa si Yra sa hagdan "sino ba yung sumisigaw kanina sa labas?"

Tanong ni Yra sa dalawa. Kinuha ni avery ang first aid kit sa kusina at agad pumunta at ginamot si Nico, habang si Yra ay umupo malapit sa mga ito.

"mabuti at wala sila mama ngayon kung hindi narinig nila ang sigaw non..." turan ni Yra "sino nga ba yun?" tanong nya ulit sa mga ito

"si Nathan ate..." sagot ni Avery habang ginagamot si nico

"nag away ba kayo?" taking tanong ni yra

"nakipaghiwalay na ko sa kanya..." mahinang sagot ni avery.

Hindi nagsalita si Yra, napatingin sya kay Nico. base sa itsura nito ay nalaman na ni Avery at Nathan ang totoo... nagyuko sya "im sorry Avery..."

Lumingon si Avery "n-no ate.wala ka dapat ikahingi ng sorry... naiintindihan ko kung bakit mo iyon nagawa..."

"I'm sorry... I'm sorry avery... I'm sorry Nico..."

Lumapit si Avery at niyakap ang kapatid "wala iyon ate... kasalanan ko din nagpadalos dalos ako sa naging desisyon ko, hindi ko inisip na masasaktan ko lang si Nathan..."

Yra hugged her sister. "sige gamutin mo na yang si Nico...I'll be going to sleep na..."

"hay mabuti pa nga Yra..."sabat naman ni nico

"baliw!" sigaw ni Yra at umakyat na..

Nang nakaakyat na si yra ay tinuloy na ni Avery ang pag gamot kay Nico

"Nico thank you ha..."

"thank you saan?" taking tanong ng binata

"thank you kasi hindi mo pinatulan si Nathan... kasi ako ang may kasalanan kung bakit sya nagkaganun..." malungkot na sabi ni Avery

Nico cupped her face at tinitigan "kasalanan ko Avery... tama sya hindi ako naging matapang na sabihin sayo noon pa man na mahal kita sa takot na baka wala kang nararamdaman para sakin... kung matagal ko nang inamin sayo siguro hindi mangyayari iyon... so don't blame yourself okey?"

Tumango ang dalaga. Nico kissed her...pero napatigil din "aw..."

Bahangyang natawa si Avery, kumirot kasi ang sugat nito sa may labi. Pero hindi pa din nya maiwasan maisip at mag-alala kay Nathan.

When i'm with you (Complete)Where stories live. Discover now