Chapter 15

3.7K 87 0
                                    

Sa school. Nasa may pasilyo si Avery at hinihintay si Anne.

“Avery!” sigaw ni Anne sa kanya.

Paglingon ni Avery ay nakita nya itong palapit kasama si Nathan. Ngumiti sya sa mga ito.

“tara, kain tayo sa canteen..” yaya nya sa dalawa. Ngumiti si Anne “ako na lang bibili Ave… hindi ba’t sabi mo kailangan mo pang tapusin ang homework, kaya dito muna kayo… ako na bahala sa pagkain…” lumingon si Anne kay Nathan “oh… tulungan mo muna si Avery, mas matalino ka sa’min eh…” hindi na nahintay ni Anne ang sagot ng mga ito at naglakad na papalayo.

Nahagip ni Avery ang kanyang kaibigan na ngiting-ngiti. Napailing na lang sya dahil mukhang alam nya na ang ginagawa ni Anne, na pinaglalapit silang dalawa ni Nathan. lumingon sya sa binata na alanganing ngumiti sa kanya.

“A-ahm. Tulungan na kita Avery…” kinakabahang tanong ni Nathan sa dalaga.

Ngumiti si Avery “oo sige. May hindi kasi ako maintindihan eh…” pinakita ni Avery ang kanyang notebook.

Tinuruan ni Nathan si Avery, habang nagsusulat ang dalaga ay nakatitig lang si Nathan, natutuwa sya dahil nararamdaman nyang magiging malapit na sila sa isa’t-isa, kaya gagawin nya ang lahat para lalong mapalapit sa dalaga. matagal na nyang nakikita si Avery sa kanilang subdivision pero natatakot syang lapitan ito, kaya sobra syang natuwa nang sya mismo ang kausapin at lapitan nito sa school.

“I like you…” he whispered.

Napallingon si Avery sa narinig mula kay Nathan, hindi sya nakapag salita at nakatingin lang dito.

“I like you Avery. Matagal kong inipon ang lakas ng loob para sabihin sa’yo na gusto kita… p-pwede ba kitang ligawan?” kinakabahang tanong ni Nathan sa kanya.

“N-nathan…” hindi alam ni Avery ang sasabihin dito. hindi nya alam ang mararamdaman.

“I’m sorry kung nabigla kita… I’ll give you time to think… hindi naman ako nagmamadali, ang mahalaga sa’kin ngayon nasabi ko sa’yo…” sincere na pahayag ni Nathan sa kanya.

“hey guys here’s our chips!” sigaw ni Anne.

Nagpasalamat na lang si Avery na dumating na si Anne. Hindi nya din kasi alam ang isasagot, pero isa pa lang ang magagawa nya sa ngayon, ang pag-isipan ang sinabi ng binata sa kanya, ito na siguro ang pagkakataon nyang ituon sa iba ang kanyang puso somehow nagkagusto naman sya dito dati.

When i'm with you (Complete)Where stories live. Discover now