Chapter 1

12.7K 165 0
                                    

“Damn it!” sigaw ng 17 years old na si Avery ng malaglag sya sa bisikletang sinasakyan nya, tiningnan nya ang naging sugat nya sa tuhod, mangiyak-ngiyak sya ng makita kung gaano kalaki iyon “hindi talaga ako matuto-tuto, ayoko na!” padabog syang tumayo mula sa kalsadang kinabagsakan, ngunit napangiwi sya dahil kumirot ang kanyang sugat.

“Avery!”

Agad na napalingon ang dalaga sa tumawag sa kanya, ngumiti sya nang makilala iyon, si Nico. Kababata nya ito ngunit matanda sa kanya ito ng 8 taon, ang totoong kaedad nito ay ang kanyang ate Yra, kung tutuusin ay hindi nya ito naging close noong una dahil matanda sa kanya ito, ngunit lagi syang bumubuntot sa ate nya dahil wala syang ibang kalaro kung hindi ito, kaya di kalaunan ay naging magkaibigan na rin sila ng binata. Inakbayan sya nito, napapitlag sya ng bahagya hindi nya maintindihan ang parang kuryenteng dumaloy sa kanya na dahilan upang bumilis ang tibok ng kanyang puso, bago sa kanya ang pakiramdam na iyon, bago pa man sya makapag-isip kung ano iyon ay nagsalita si Nico.

 “Wow, bagong bike bakit bigla ka yatang nagka-interes na magbike ha Ave?”. Nagnining-ning ang matang binalingan sya ng dalagita “I saw Nathan riding a bike yesterday, kaya nagpabili ako kay daddy… wala kasing kasama si Nathan sa pagb-bike tuwing umaga, kaya gusto ko syang samahan” at ngiting-ngiti ito ng mabanggit ang binatilyong sinasabi nito. “my sweet avery, hanggang ngayon ba crush mo pa din ang Nerd na iyon?” tanong ni Nico bago ito tumawa, bahagyang nainis si Avery dito kaya tinanggal nya ang braso nitong naka-akbay sa kanya “hindi sya nerd noh! Hmp. Makaalis na nga!” paika-ikang lumakad si Avery hila-hila ang bike. Akma nyang aasarin pa sana ang dalaga nang mapansin nya na umiika ito sa paglakad, kaya sinabayan nya ito.

“umalis ka na nga! Sinisira mo na naman yung araw ko eh!” sigaw ng dalagita. Tumawa si Nico “okey okey, hindi ko na sasabihang Nerd si Nathan mo” tumawa ito ulit. She glared at him at dahil doon ay tumigil ito sa pagtawa at binalingan sya nito “what happened avery? Bakit paika-ika ka?” bago pa makasagot ang dalagita ay lumuhod na ito sa kanyang harapan at sinipat ang kanyang tuhod. “aray!” sigaw ng dalagita.

“I’m sorry. Ang laki ng sugat mo avery” kinuha ni Nico ang bike sa kanya at sumakay dito “tara na…” tinitigan muna ni Avery ang binata bago sumampa sa unahang parte ng bike.

Lumakas ang pintig ng puso ng dalaga ng halos parang nakaakap na ito sa kanya dahil ito ang nagmamaneho ng bike, she don’t know why pero may kakaiba talaga syang naramdaman sa pagkakadikit ng katawan ni Nico sa  kanya. “Avery nandito na tayo” bahagyang napapitlag si Avery, hindi nya napansin na nasa tapat na sila ng kanilang bahay, kaya agad syang bumaba, napangiwi na naman sya dahil kumirot ang kanyang sugat, inalalayan sya ni Nico “hey! Avery dahan-dahan lang, nalimutan mo yatang may sugat ka nakatabi mo lang ako” tinawanan sya ni Nico kaya nahampas nya ito “aray! Grabe ang bigat talaga ng kamay mo” sabay tumawa ang binata habang hawak-hawak nya ang kanyang brasong hinampas ng dalaga.

Inirapan nya ang binata at paika-ikang pumasok sa kanilang bahay, kasunod si Nico.

When i'm with you (Complete)Where stories live. Discover now