SEASON I: LOVE
Chapter 1: Stalker
( Ryniel's POV )
Napakaliwanag sa buong paligid.
Nakakasilaw.
Pero ilang sandali lang.
Unti-unting naglalaho ang liwanag.
Naaaninag ko na ngayon ang isang anino sa aking harapan.
Isang tao.
Isang babae.
Tama.
Nakasuot siya ng puting bestida.
Mahaba ang kanyang buhok.
Medyo kulot sa dulo.
Maganda siya.
Luha?
Tama.
Bakit kaya siya umiiyak?
Dahil kaya yun sa pagkakatali ng kanyang mga kamay?
Gusto ko siyang lapitan.
Kalagin ang mga tali sa kanyang mga kamay.
Punasan ang mga luha sa kanyang mapulang pisngi.
Yakapin siya ng mahigpit.
Higit sa lahat,
halikan.
Pero,
unti-unti siyang lumalayo.
Habang patuloy niyang binabanggit ang aking pangalan.
"Ryniel."
"Ryniel..."
Napakasarap pakinggan ng kanyang boses.
Malamig.
"Ryniel."
"Ryniel!"
Tumakbo ako para habulin siya.
Pero di ko na siya naabutan
Bigla siyang naglaho.
Sa aking pagtingala.
Isang puting balahibo ang nakita kong
dahan-dahang tinatangay ng hangin.
habang unti-unting bumabagsak
sa aking palad.
YOU ARE READING
Love Over Vengeance
RomancePAGHIHIGANTI ---ang nangingibabaw sa isang dalaga, na naulila sa bisperas ng kanyang ika-18 kaarawan... PAGSISISI ---ang nananaig sa isang binata, na piniling lumayo para sa katahimikan ng kanyang pamilya... PAANO KUNG MAGTAGPO ANG KANILANG LANDAS...