Season IV - Angels | Chapter 44: Selos

1.4K 17 0
                                    

PLEASE ^_^,

<<<<< VOTE

&

 <<<<< LIKE

Comment din po kayo...

THANKS!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Simula nang maibigay ni Rain kay Noel ang kanyang cellphone number ay naging magkaibigan na sila nito.

Unti-unti silang nagiging malapit sa isa't-isa, dahil ipinaliwanag ni Noel ang lahat ng kanyang alam tungkol sa Angels of Zodiac.

Ang grupong Angels of Zodiac ay mga anghel na pinarusahan ng langit o tinatawag na FALLEN, dahil sa paggawa nila ng mortal na kasalanan. Pero sa pamumuno ni Lucifer, nagkaroon ng pagkakataon ang ilang FALLEN na makapaghiganti sa mga mabubuting anghel. 

Ang mga fallen o nephilim sa lupa ay kinukumbinsi nilang umanib sa kasamaan. Pinapangakuang magiging makapangyarihan kapag si Lucifer na ang naghari sa buong Sanlibutan. Ang ilang tumanggi sa kanilang nais ay kamatayan ang kapalit o kaya naman ay panghabang-buhay na pagkakakulong sa impyerno.

Paminsan-minsan ay dumadalaw din si Noel sa mansyon ng mga Delos Angeles, para makita si Xedriq. Ginagawa niya ito, para maipaliwanag kay Rain ang mga posibleng kapangyarihang taglay ng batang nephilim.

Ang isa sa posibleng kakayahan niya ay :

* makapagsalita at makaintindi ng iba't-ibang wika o salita.

* maintindihan o makausap ang mga hayop.

* pagkakaroon ng kakaibang lakas.

Pero ang lahat ng ito'y makakamtan niya habang lumalaki, lalo na kapag siya'y nasa (18 ) taong gulang na.

Isa rin si Noel sa naging bisita noong ganapin ang ikalawang buwan ni Xedriq sa buhay ni Rain. Kaya nagtagpo na ang landas nila ni Ryniel.

" Ryniel, si Noel, kaibigan ko..." pagpapakilala ni Rain sa kanyang bagong kaibigan.

Nakipagkamay naman si Ryniel kay Noel, pero di niya naiwasang magduda sa tunay na motibo nito kay Rain.

" Ikaw pala yung "Noel" na laging kausap ng girlfriend ko sa cellphone..." pagkukuwento pa ni Ryniel, na halatang patama sa lalaking kaharap.

" Oo pare. "

" Mahal, marami kasi akong kailangang itanong sa kanya eh. " Biglang naisip ni Rain na magpaliwanag, dahil agad niyang nahalatang may bahid ng selos ang mga sinabi ng kanyang boyfriend.

" Tungkol naman san yun? "

Nabasa ni Noel ang mga naiisip ni Rain sa mga sandaling ito. Kaya agad siyang umisip ng idadahilan kay Ryniel para di nito malaman ang lihim nila ni Rain.

" Pre, pasensya ka na ha, pero gusto sanang magtayo ni Rain ng maliit na negosyo para sa'yo...para sa inyong dalawa. " 

" Totoo ba yun mahal? "

Binalingan ni Ryniel si Rain na halatang nagulat din sa balak niya kuno.

" Ah, oo naman. " sagot niya sabay ngiti para itago ang kabang nararamdaman. " suprise sana yun eh. "

" Oo nga Ryniel. " pagpapatotoo este panggagatong pa ni Noel sa naisip na kasinungalingan.

" Rain, sorry ha...Sana di na lang ako nangulit pa. Di na tuloy suprise yun. "

Love Over VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon