Season IV - Angels | Chapter 41: Ybrahim

1.4K 15 6
                                    

 PLEASE ^_^,

<<<<< VOTE

&

 <<<<< LIKE

Comment din po kayo...

THANKS!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Umaga na ng malaman ni Ryniel ang nangyari sa kanyang anak. Gusto sana niyan pumunta sa hospital pagkagaling sa trabaho, pero di na niya nagawa.

Isang di inaasahang bisit ang biglang dumating.

" Sige po Aling Lia, salamat po sa paghatid nyo sa kanya dito..."

" Okay lang iho. "

Pagkaalis ng matandang babae ay pinapasok na ni Ryniel ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki sa loob. Pinaupo sa harap ng mesa para sabay na silang kumain ng almusal.

" Kuya, kamusta ka na? " 

Napansin ni Ryniel na medyo nailang pang magsalita si Ybrahim. Pero halata sa kanyang mga mata ang pag-aasam na makita siya.

" Okay lang. " Mahina niyang sagot sa kapatid, habang inilalapag sa tapat nito ang isang tasang kape. " Kain ka muna, mukhang gutom na gutom ka na. " 

" Salamat po Kuya... "

Matapos makakain ay nagsimula ng mag-usisa si Ryniel sa kanyang kapatid. Nagtataka kasi siya kung paano siya nahanap nito. Halos mag-iisang taon na rin mula ng lumayas siya sa kanilang bahay. Simula nun ay wala na siyang komunikasyon sa kahit sino sa kanyang kapamilya.

" Matagal ka na naming hinahanap Kuya Ryniel..." Pagkukwento ni Ybrahim, " Si Papa at si Kuya Gabriel laging sumasama sa mga pulis para hanapin ka. Kami naman ni Yra, sinusubukang hanapin ka sa mga internet..."

" Talagang ginawa nyo yun para lang makita ako? "

" Opo Kuya. "

" Eh bakit nyo pa'ko hinahanap...okay naman ako dito..."

Nagulat si Ybrahim na naging sagot ng kanyang kapatid. Mukhang masama pa rin ang loob o masasabi ring galit ang nararamdaman nito sa kanilang lahat.

" Alam ni Papa kung bakit ka umalis, kaya sinabi niyang nagsisisi na siya sa mga ginawa niya sayo. "

Natahimik si Ryniel, dahil sa pagbabalik ng mga alaalang matagal na niyang kinalimutan.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

( Flash back )

" Umalis ka dito! Ikaw ang may kasalanan kung bakit siya namatay. "

Itinulak siya ng kanyang ama palayo mula sa kabaong ng kanyang ina. Habang ang kanyang Kuya Gabriel at si Ybrahim ay nakatingin sa kanya ng masama.

Love Over VengeanceWhere stories live. Discover now