Part 4

586K 12.1K 592
                                    

Ipinagpatuloy namin ni Chloe ang pagkain, at maya-maya lang ay bumalik na rin si Xander.

Bakit kaya natanong ni Venice kung kailan pa ako bumait sa anak ko? Was Choleen a bad mom?

Hay…kailan ko kaya malalaman ang tungkol sa babaeng ’yon?
Pagkatapos namin kumain, nagyaya si Chloe sa mall. Pinagbigyan naman siya ni Xander.

“Tulala ka d’yan. Alam kong gwapo ako,” sabi ni Xander.
Oh, my! Ang kapreng ’to, pinutol ang pagde-daydream ko.

“Pshhhh! Yabang!” sabi ko.
Inakbayan niya ako. Aisssssttt! Ang dami kayang tao! Buti na
lang busy ang anak niya kapipili ng laruan.

“Totoo naman, ’di ba, honey?” At nagpa-cute pa! In fairness, bagay naman sa kanya. Argh. Nilalandi lang ako nitong kapreng
’to, e!

“Waaaaahhhhh, Mommy and Daddy are so sweet!” tili
naman ni Chloe.

Kung anu-ano ang binili nilang mag-ama, at idinamay pa
nila ako. Ang dami ko tuloy bagong damit. Ayos, ah! Malaki na nga ang sahod, may freebies pa.

Napagod din si Chloe at nakatulog na habang buhat-buhat siya ng tatay niya. Pabalik na kami ng parking lot nang napansin kong may mga babaeng nakatitig sa ’min. Ay, kay Xander pala!

“Ang gwapo! Sayang at taken na,” comment ng isa.
Pinagnanasaan ba nila si Xander? Kung dukutin ko kaya ang mga mata nila?!

“Let’s go, hon! ’Wag ka nang sumimangot, mas maganda ka
naman sa kanila, e.” Ayyyyy…sheeeeetttt! Kinilig ako doon, ah.

“Anong pinagsasasabi mo, ha?” napalakas kong sabi.

“Shhhhhh…baka magising ang baby natin,” sabi niya sabay
inayos ang seatbelt ko habang kalong ko si Chloe. Ang kapreng ’to, kanina pa. Ngayon naman “baby natin.” Sana ako na lang
talaga ang ina ng batang ’to at ang asawa niya…

Teka, ano ba ’tong pinag-iiisip ko?!

Pag-uwi namin, inakyat ko na si Chloe sa kwarto namin at
binihisan. Pagkatapos ay inayos ko na ang mga pinamili namin
at saka ako nag-shower. Hindi kasi ako sanay matulog nang ’di nagbabasa ng katawan.

Lumabas ako ng banyo nang nakatapis lang. Pakanta-kanta pa nga ako nang…

Si Xander! Bakit nandito
siya sa kwarto ni Chloe?

Lumapit siya sa ’kin kaya napahigpit ang kapit ko sa towel ko. Bakit ba kasi hindi ko na-lock ang pinto?

Ang lapit na naman ng mukha niya. Shhheeeeettt! Bakit ang
bango niya, e ako ’tong bagong shower?

He held my chin tapos hinalikan niya ako. “Good night,
Trisha!” bulong niya. Tapos umalis din siya agad at naiwan
akong tulala.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pero hindi pwede! Bawal
akong ma-in love sa kanya. Remember rule number 6. Nahiga na lang ako sa tabi ni Chloe pagkatapos ko magbihis ng pantulog.

“Mommy…” Gumalaw siya at saka niyakap ako.

Sa isip ko, sana nga ako na lang ang mommy niya.

Kinabukasan, habang masaya kaming nagtataguan ni Chloe
sa may garden nila, lumapit si Xander kasama ang isang couple.

“Baby, Lolo and Lola are here,” tawag niya kay Chloe.

Patakbo namang lumapit sa dalawang matanda si Chloe at
humalik sa pisngi ng mga ito.

“Look at you, apo. You look so happy. Did you miss Lola and
Lolo?” tanong ng mom ni Xander sa bata.

“Yes, Lola. I’ve missed you both! I’m happy, Lola, because Mommy’s back!” sabi niya sabay hinila ako palapit sa kanila.

“Good morning po,” bati ko.

“Kailan ka pa dumating, Choleen?” tanong ng mom ni
Xander sa akin. Pero parang galit yata siya sa tono niya?

“Two weeks ago po,” sagot ko.

“At hanggang kailan mo naman balak manatili?” Hala! Galit nga talaga siya. Nakita kong hinawakan ng dad ni Xander sa balikat ang asawa nito.

“Hanggang sa kailangan po ako ni Chloe.” ’Yon na lang ang
naisagot ko.

“Baka ’pag nagsawa ka, basta mo na lang ulit iwan ang anak
mo.” Ano bang nangyayari?

Tutunganga lang ba si Xander?

“Hindi po. Mananatili po ako hanggang sa kailangan pa nila
ako,” sagot ko. Bakit ganoon na lang ang mga tanong niya?
Mukhang hindi maganda ang relasyon ni Choleen sa mga
in-laws niya, ah.

“Paano ang career mo, hija?” tanong naman ng dad ni
Xander. At may career naman pala si Choleen!

“Nag-resign na po ako,” sabi ko, which was true. Tiningnan
ko si Xander. Ang kapreng ’to, kanina pa nananahimik. ’Di man lang ako sinaklolohan.

“Tri— Uhm…Choleen is staying for good, Mom and Dad.
Hindi na siya aalis ulit, ’di ba, hon?” sabi niya sabay akbay sa
akin.

Ay, kilig!

“Opo.” Pang-FAMAS kaya ang acting ko! Tapos biglang
yumakap si Chloe sa binti ko.

“Because you love me, ’di ba, Mommy?” nakatingalang sabi
ni Chloe.

Lumuhod ako at sinagot siya. “Yes, baby, I love you.”
Tuwang-tuwa naman si Chloe sa narinig niya.

“Ipahahanda ko lang ang kwarto n’yo,” sabi ni Xander sa mga
magulang niya bago ito pumasok sa bahay. Sumunod naman sa
kanya ang dad niya, habang si Chloe ay tumakbo papunta sa doll house niya.

“Baby, dahan-dahan naman,” saway ko sa bata.

“Who are you, hija?” Nagulat ako sa tanong ng mom ni Xander. Bistado ba ang acting ko?

“Po?”

“Kilalang-kilala ko si Choleen. Marahil nga ay magkamukha
kayo at magkahawig ang boses n’yo, pero alam kong hindi ikaw si Choleen.”

Patay! Aamin na ba ako? Bahala na!

“Trisha po ang pangalan
ko. Aksidente pong nakita ako ni Chloe sa mall at inakala niyang
ako ang mommy niya. Kahit anong tanggi ko po ay hindi siya naniniwala.” Sinabi ko na rin sa kanya ang trabahong inalok sa
akin ni Xander.

“Matagal na kasi niyang hinahanap ang mommy niya. Sa pictures lang niya ’to nakikita kaya siguro inakala niyang ikaw si Choleen,” sabi ng mom ni Xander.

“Galit po ba kayo, Ma’am?” tanong ko. Mukha naman kasi
siyang mabait.

“Hindi, hija. ’Wag mong isipin na galit ako sa ’yo.

Pagpasensyahan mo na ’yong kanina. Kay Choleen talaga ako
galit at hindi sa ’yo. Nagawa niya kasing iwan ang anak ko at si
Chloe para sa pansariling pangarap niya.

“Three months pa lang noon si Chloe nang nagdesisyon
siyang bumalik sa States para ipagpatuloy ang modeling career niya. Payag noon si Xander kahit isama niya na ang bata dahil
alam niyang mas kailangan ni Chloe ang mommy niya, pero
tumanggi si Choleen. Magiging sagabal lang daw ang bata
sa kanya. Halos gumuho ang mundo ng anak ko nang iwan
sila ni Choleen. Mahal na mahal niya kasi ang babaeng ’yon.
Pero buti na lang at nand’yan si Chloe para sa kanya. Siya ang
pinaghugutan niya ng lakas. Kaya salamat, hija. Nakikita kong masaya ang apo ko dahil sa ’yo. Hindi siya ganyan kasigla dati;
napakabugnutin nga n’yan, e. Pero ngayon, parang punong-
puno siya ng buhay.”

“Masaya rin po ako na alagaan ang apo n’yo. Napakabait niya
po, Ma’am, at napaka-sweet.”

“Tawagin mo na lang akong ‘mommy.’ Baka magtaka si
Chloe kapag ‘ma’am’ ang tawag mo sa akin,” sabi niya nang
nakangiti. Marami kaming napagkwentuhan ni Mommy Sandra.

Natutuwa ako’t mukhang magkakasundo kami. Sana talaga ako na lang ang asawa ni Xander at nanay ni
Chloe.

Hay…napaka-feelingera ko talaga!

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon