Part 56

290K 5.3K 579
                                    


CHOLEEN

Three weeks had passed. I knew everyone hated me…and I
hated myself, too. Sinayang ko lang ang buhay ko. I made my
own life complicated and full of hatred, instead of being thankful because as she’d said, nakasama ko ang mga magulang ko samantalang siya ay nabuhay nang malayo sa amin.

Alam kong napakasama ko. Kinailangan pang may mangyari para magising ako sa katotohanan. I should have realized the value of life. Nasa akin na naman kasi ang mga bagay na dapat ay pinahahalagahan ko noon
pa lang.

My relationship with Xander ended because of my selfishness, at ipinagpalit ko sila ni Chloe dahil doon. Ngayon, kahit anong gawin ko, hindi ko na sila mababawi pa. Napatawad na ako nina Mommy at Daddy. Ganoon naman siguro talaga ang mga magulang, kahit gaano pa ako kasama, tinanggap pa rin nila ako dahil anak nila ako. I was blessed with kind and loving parents na hindi ko man lang pinahalagahan.

I’d been an ungrateful wretch, a total bitch. Pero siguro may
panahon pa naman para magbago ako. Ang anak ko naman ang galit sa ’kin. Karma ko na siguro ’to.

Nagpunta nga ako sa bahay nila para kausapin siya dahil isa siya sa higit na nasaktan ko.

“I’m sorry, baby. Mama’s sorry for everything.” Tiningnan niya ako nang may luha sa mga mata.

“I hate you! Mommy’s not here because of you! You’re bad and I don’t like you!” Masakit marinig na kinamumuhian niya ako, pero aminado naman ako na kasalanan ko ang lahat.

“You should be the one who got shot! Mabait ang Mommy
ko, and you’re not! Dapat siya ang nandito. I hate you! Go away!”

“I’m so sorry, baby. Sana ay mapatawad ako, anak. Mahal na mahal kita. Mama just doesn’t know how to show it.”

“No! I don’t believe you. Si Mommy, mahal niya ako kahit
hindi niya ako anak. But you, Mama, you don’t want us to be
happy!” At tumakbo na siya pabalik sa kwarto niya.

Life is really what we make it. Nagtanim ako ng galit at kasamaan, ngayon bumabalik na sa ’kin ang lahat. Pero maghihintay ako sa araw na mapatatawad na ako ng anak ko.

Humingi rin ako ng tawad kina Tita Sandra at Tito Alex,
including Marga. Likas naman silang mabait kaya pinatawad
nila ako, basta raw magbago na talaga ako. Pagkagaling ko sa
kanila, dumaan ako sa flower shop at bumili ng bulaklak para kay Trisha. Sana kahit paano ay mabawasan ang mga kasalanang nagawa ko sa kanila.

Parati ko siyang dinadalaw. Pasalamat ako’t hindi naghain ng kaso maging si Xander. Pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako kinakausap.

She looked so peaceful. Magkamukha nga kami—pareho kami ng hugis ng ilong at ng mga pilikmata. Hindi ko agad
napansin noon ang pagkakapareho namin. She was the angel, while I was the devil—because I chose to be one.

Tama naman si Chloe, dapat ako na lang ang nabaril. But Trisha saved me kahit ang sama-sama ko sa kanya. She even said she loved me kahit marami akong kasalanan sa kanya.

“Hey, twin, gumising ka na d’yan! ’Pag ’di ka gumising,
kukunin ko ulit sa ’yo si Xander,” I joked as I wiped my tears
away. Hindi pa rin siya nagkakamalay, at kagagawan ko kung bakit siya nagkaganyan.

“I’m so sorry, Maureen, for everything. Gumising ka na. Madami pa tayong pwedeng gawin. Hayaan mong ipakita ko sa ’yong nagsisisi na ako. At saka nami-miss ka na ng kambal mo. Kaya please, wake up, Maureen. It’s our first Christmas pa naman na magkakasama tayo nina Mommy after so many years.”

Ganito kami araw-araw. Kinakausap ko siya pero hindi pa naman siya sumasagot. She was in a coma, at hindi masabi ng mga doktor kung magigising pa siya. Pero alam ko, deep inside, na hindi niya iiwan ang mga anak niya at si Xander.
Dumating sina Mommy at Daddy.

“Umiiyak ka na naman, anak.” Nilapitan ako ni Mommy.

“Look at her, Mom. Ako ang dahilan kung bakit siya
nand’yan.” Niyakap ako ni Mommy.

“Ipagdasal na lang natin na
magising na ang kapatid mo. Ang mahalaga ay pinagsisisihan mo na ang mga ginawa mong kasalanan sa kanya.” Noon pa
man, mabait na ang mommy ko. Mabuti na lang at hindi naging
malala ang atake ng high blood niya noong nalaman niya ang
nangyari kay Trisha.

“Alam niyang kailangan pa natin siya, anak. Kaya hindi tayo
iiwan ng kakambal mo,” sabi naman ni Dad.

Nag-usap kaming tatlo about the past, noong maliliit pa kami
ni Trisha, when Xander came. Binati niya sina Mom at Dad,
pero as expected, hindi niya pa rin ako pinansin. Dumeretso siya sa tabi ni Trisha at hinalikan ito sa noo.

XANDER

Hindi pa rin siya nagigising, at sa tuwing nakikita ko si Choleen, nadaragdagan ang galit na nararamdaman ko sa kanya.

Kung hindi lang dahil kina Tita Connie at Tito Mauro, ipinakulong ko na siya. Nakiusap kasi sila na ’wag na akong
magsampa ng demanda. Alam din kasi nilang hindi ’yon ang
gugustuhin mangyari ni Trisha kung may malay siya.

After a while ay nagpaalam na rin sila. Mabuti at hindi na
nagpaiwan si Choleen.

“Gising na, mahal ko. Ang haba na ng itinulog mo. Magpa-Pasko na, o. Hinahanap ka na rin ng mga anak natin. Nami-miss
ka na namin. Malamig ang panahon at wala man lang akong makayakap, hon.

“Hindi ba’t sabay nating palalakihin ang mga anak natin? Please, mahal ko, bumalik ka na sa amin. Sabay tayong tatanda
at aalagaan natin ang isa’t isa, ’di ba? Unang Pasko ng kambal
natin. Bibiguin mo ba sila at si Chloe? I love you, honey, kaya
please bumalik ka na. Parang awa mo na…”

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pagmulat ng mga mata ko, wala na siya sa higaan niya. Bigla tuloy akong
kinabahan. Saan nagpunta ang asawa ko?

Tumakbo ako palabas ng kwarto at nagpunta sa nurses’ station. Nagtanong ako kung inilipat ba nila ng kwarto ang asawa ko, pero wala raw silang alam na may ganoong nangyari.

If so, saan nagpunta si Trisha? Sinong kumuha sa kanya? Wala rin daw napansin ang nurse na kahina-hinalang mga tao sa
ospital.

“Baka dinala na sa morgue.”
Parang tumigil ang mundo ko nang nadinig ko ang sinabi ng
kung sinong intrimitidang babae.

“E kung pilipitin ko kaya ’yang leeg mo para ikaw ang dalhin
doon?!” bulyaw ko sa kanya. Mabilis naman akong inawat ng mga nurse.

Bumalik na muna ako sa kwarto niya. Sasabihan na lang daw
nila ako ’pag may balita na sila. Hapong-hapo akong napaupo sa gilid ng kama niya at saka isinubsob ang ulo ko sa higaan niya.

Hindi ko napigilang sumigaw. “Nasaaannn ka naaa?!” Laking
gulat ko nang…

“Hoy! Anong problema mo?”

Bigla akong napatingala sa kanya. “Honey?!”

Hawak niya ang dextrose niya at suot niya pa rin ang hospital
gown niya. “O, ba’t parang nakakita ka ng multo d’yan?

Alalayan mo kaya ako imbes na nakanganga ka d’yan.”

Mabilis naman akong lumapit sa kanya. “Nagbanyo ka lang
pala. Kung saan-saan na kita hinanap, hon. Muntik pa akong
makipag-away,” sabi ko habang inaalalayan ko siyang maupo.

“Bakit, sinabi ko bang nawawala ako?” mataray niyang sagot.

Niyakap ko siya.

Masayang-masaya akong malaman na gising na siya.

“I love you, honey. Thank God you’re fine. Pinag-alala mo kami.” Niyakap niya na rin ako.

“I love you, too. Sorry kung pinag-alala ko na naman kayo.”
I held her face at hinalikan siya sa labi.

Sa wakas ay
magkakasama kami ngayong Pasko. Tiningnan siya ni Dok pagkatapos. Maliban sa papagaling na sugat niya, wala na raw kaming dapat ipag-alala.

Tiyak na matutuwa sila kapag nalaman nilang okay na si
Trisha.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon