Part 39

316K 4.6K 596
                                    

TRISHA

Ang bilis naman at aalis na agad sila. Pero wala naman kaming
magagawa sa ngayon. Kung sana’y mabuting tao si Choleen,
baka nagkasundo pa kami. Pero duda akong mangyayari ’yon
kung ang tingin niya sa akin ay kontrabida sa buhay niya.

“Mommy, please tell Daddy I could stay here with you,”
reklamo ni Chloe.

“Anak, alam mo namang hindi pwede, ’di ba? Dalawa na
tayong hahanapin ng bad witch.”

“Wrong, Mommy. Tatlo tayo. You, me, and the baby.”

“Kaya nga, e. Baka makita lang tayo ng bad witch n’yan.”

“I don’t understand why I can’t stay with you.”

“Baby, pansamantala lang naman, e. Don’t worry, Daddy will find a way para maayos ang lahat,” sabi naman ni Xander.

“Make it fast, Daddy. I want Mommy and the baby to go
home.”

“Promise, anak.”

“Mag-ingat ka lagi dito, hon,” he said as he hugged me tight.

“Yes, hon. Mami-miss ko kayo.”

“Mami-miss ka rin namin.” Nang halikan niya ako sa labi ay hindi ko na napigilan maluha. “’Wag ka nang umiyak, hon. Don’t
worry, pipilitin kong mabisita ka nang mas madalas.”

“Okay lang ako. Iyakin lang kasi buntis,” sabi ko.

Binuhat niya na si Chloe na ayaw bumitiw sa ’kin. Masakit
makitang umalis sila, pero kailangan.

Pagkaalis nila, naglakad-lakad na lang ulit ako kagaya nang
madalas kong ginagawa. Dinala ako ng mga paa ko sa isang
bahay bakasyunan. Medyo luma na siya at mukhang napabayaan na. Pero napaisip ako bigla dahil parang nakita ko na ang bahay
na ’yon. Then, I saw a woman crying.

Mahaba at sabog-sabog
ang buhok niya, nakaputi, malalim ang mga mata…

Joke lang!

Umagang-umaga, e.

“Hello! Okay lang po kayo?” bati ko sa kanya. Nagulat siya pagkakita niya sa ’kin. She then hugged me
and…

“Maureen, anak! Ikaw na ba ’yan?” Tinawag niya ba
akong anak?

Hinaplos-haplos ko na rin ang likod niya. “Tahan na po. Ako
nga po pala si Trisha.”

Bumitiw siya bigla. “Trisha?” tanong niya.

“Opo. Doon po ako nakatira sa may malaking rest house.”
Pinagmasdan niya ang mukha ko.

“Kamukha mo talaga siya,”
sabi niya. Ayan na naman, e. Dati si Choleen, ngayon kaya sino naman?

“Madami po talaga akong kamukha,” tatawa-tawa kong
sagot.

“Hindi mo ba ako natatandaan man lang, hija?”

Napakunot ako ng noo. “Po? Hindi po, e. Ngayon ko lang po
kayo nakita.”

“Ah, ako nga pala si Connie. Tawagin mo na lang akong
Tita Connie,” nakangiti niyang sabi. Masusi niya pa rin akong
pinagmamasdan.

“Sino ang mag-aakala?”

“Po?”

“Wala, hija. Ilang buwan na ’yang ipinagbubuntis mo?”

“Seven months na po. E kayo po, saan kayo nakatira?”

“D’yan sa bahay na ’yan. Medyo napabayaan lang. Matagal na rin kasing hindi kami nakapupunta dito. Hindi ko alam kung
bakit ngayon ko naisipang umuwi dito, pero ngayon alam ko na.”

Hindi ko talaga siya maintindihan.

“Maganda naman po ang bahay n’yo, e. Medyo kailangan
lang ng konting ayos.”
Ngumiti siya ulit. Kanina kasi umiiyak na siya, e.

“Ngayon ay may dahilan na ako para ipaayos ’yan, Trisha.”

“Saan po kayo ngayon tutuloy?” Mukha naman kasing hindi
matutulugan ang bahay niya ngayon.

“Maghahanap na lang ako ng malapit na resort.”
Hindi ko maintindihan pero magaan ang loob ko sa kanya.

“Gusto n’yo po doon muna kayo sa amin?” Bigla niya ulit akong niyakap.

“Talaga, anak? Ang bait mo
naman. Maraming salamat, Trisha.”

Tinawagan ko si Kuya Hayde para magpatulong sa mga gamit ni Tita Connie. Tinawagan ko na rin si Dad para magpaalam,
baka kasi anong sabihin niya kapag nalaman niyang nagpatuloy ako ng ibang tao dito sa rest house. Buti at pumayag naman siya.

Pagkatapos ay nagpatulong si Tita Connie magpahanap ng
mga taong maglilinis at mag-aayos ng bahay nila. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pag-iyak niya kanina, pero masaya akong makitang masigla na siya ngayon.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon