Isang oras na ata akong nakatungo sa mesa habang umiiyak. Di ko pa rin matanggap na walang tiwala sa akin ang lalaking pinakamamahal ko. Oo mali ako nung sinabi ko na mas magaling sa kanya si Anthony sa kama, pero di ba dapat naisip niya rin na dala lang ng galit ko kaya ko nasabi yun? Di niya man lang ako ulit tinanong kung totoo yun basta naniwala na lang siya.
Nag-angat lang ako ng ulo nang tumunog yung telepono. Ayoko pa sanang tumayo pero paulit-ulit ang pag-ring nun.
"Hello?"
"Jacky!" narinig ko ang boses ni Lana sa kabilang linya. "Teka, umiiyak ka ba?"
"Huh? Hindi, kakagising ko lang kasi." sabi ko pinipilit na ayusin yung boses ko.
"Ok. Free ka ba after work? Favor lang sana please."
"Oh, sakto hindi ako pumasok. Ngayon pa lang sana kasi ang uwi ko from Palawan kaso sinundo ako ni Maico kagabi. Anong favor ba?"
"May ipi-pick up sana kasi akong mga pina- customize kong damit ni Janna kaso di ako maka-alis kasi may sakit yung Yaya ng bata. Pwede kayang paki pick up please." naglalambing pa yung boses niya. Alam na alam niya namang hindi ko siya matitiis.
"Oo na. Sige saan ba? Didiretso na rin ako jan sa inyo pagkakuha ko."
"Yey! Thank you Jacky! The best ka talaga!"
Inayos ko muna yung pinagkainan. Maaga pa naman, baka nga sarado pa yung tindahang pinapapuntahan saken ni Lana. Kinuha ko muna yung cellphone ko at naglaro ng Minion Rush. Pampakalma lang. Kung anu-ano na rin kasi ang iniisip ko eh.
Habang tumatagal ang paglalaro ko parang hindi ako nakakalma. Lalo pa akong natataranta pag bumibilis yung pagtakbo nung minion. Nabato ko pa yung cellphone nang mabangga yun sa isang bus.
"Nakakainis! Lecheng pag-ibig ka ba't nauso ka pa?" inis na napatingin ako sa picture ni Maico sa ibabaw ng bedside table.
Naalala ko pa nung pinalagay niya yun dun. Siya pa ang nagbigay ng picture. Para daw lagi ko siyang makikita kahit wala siya. Naglagay din siya ng picture ko sa bedside table niya. Yung mukhang tanga kong picture ang nandun.
Unti-unti kong naramdaman ang pagkalma ng kalooban ko. Baka nago-overreact lang ako sa nangyayari. Hihintayin ko na lang siya mamaya.
________
Nakuha ko agad yung mga dress na pinakuha ni Lana. Sampu yun lahat at ang kukyut. Sa may Mandaluyong ung store at di naman ako nahirapang hanapin.
Alas doce na rin naman ng tanghali kaya napagpasyahan kong pumunta na muna ng SM Megamall. Nagugutom na rin pati ako.
Naghahanap ako ng maluwag na makakainan nang may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko yun at nakita ko si Atty. Lisa Delgado. Siya ang attorney ni Maico, nagkakilala na rin kami nang minsang pumunta ako sa opisina ng huli. Tantiya ko eh nasa cuarenta na ang edad niya.
"Oh, Attorney! Kamusta po?" magalang na tanong ko.
"Ayos naman ako hija. Kikitain ko ang asawa ko ngayon. Baka gusto mong sumabay na pagkain?"
"Naku hindi na po. Ayos lang po ako."
"Ganun ba? Eh kayo ni Maico? May problema ba? May pinapagawa siyang kontrata sa akin ah. Napahapyawan ko na ng basa yung binigay niya. Napaka-possesive talaga ng lalaking yun pagdating sayo. Kelangan pang magpagawa ng ganun."
Napatigil ako sa sinabi ni Attorney. So seryoso talaga siya dun sa kontrata? Pakiramdam ko eh nanghina yung mga tuhod ko dahil dun.
"Ayos ka lang?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Rebound Girl
Romance[Completed] One True Love Series #2 P1 Jacky has been in love with Maico since forever. Ang kaso, ang kaibigan niyang si Lana ang gusto nito kahit na may asawa na ang huli sa katauhan ni Jace. Nang mawalan ng pag-asa si Maico kay Lana ay sa kanya it...