Chapter Thirty Seven

189K 2.8K 251
                                    



Nakatanggap ng tawag si Maico mula kay Mica kaya umalis muna siya. Ang dinig ko eh maglilipat daw ng bahay si Mica at desidido na ito. Ayaw pa sanang pumayag ni Maico pero napilitan din siya kaya naman pinuntahan niya na lang ang kapatid para tulungan.

Nagbilin si Maico na gusto niya ng Pork chop para sa hapunan. Kita niyo yun? Parang siya yung buntis at naglilihi eh! Ako nga hindi naman naghahanap ng kung anu-ano.

Nakita niya na yung ginamit kong pang-PT at kulang na lang eh halikan niya yun. Tuwang-tuwa talaga siya at parang wala nang bukas kung makangiti. Bukas na bukas din eh pupunta na raw kami sa OB para magpa-check at maging healthy ang baby "niya" ayon sa kanya na parang hindi ko anak yung laman ng tiyan ko. Biniro ko pa siya ng ikaw lang ang magulang? Ako hindi? na ikinatawa niya.

Nanood muna ako ng TV pampalipas ng oras. Maaga pa naman, baka mga alas-otso pa makabalik si Maico kaya mamaya na ako magluluto. Naghanap ako ng palabas na tungkol sa pagiging ina. Pero sa kasamaang palad eh wala akong makita. Tsk! Sa totoo lang, kinakabahan ako.

Paano kung hindi ako maging mabuting magulang? Ahayys ano ba 'tong pinag-iiisip ko syempre mamahalin ko ang anak ko! Aalagaan ko siya ng buong puso. Gusto kong maranasan niya kung paano mahalin ng magulang--- na hindi ko naranas dahil bata pa man ako eh nawala na ang mga magulang ko.

Pinatay ko na lang ang TV nang dalawin ako ng antok. Iidlip muna siguro ako ng isang oras at pagkatapos nun eh magluluto na. Pumasok na ako sa kwarto at nahiga.

________

Nagising ako sunud-sunod na doorbell. Si Maico na ba yun? Bakit nag-door bell pa siya? Tumingin ako sa wall clock. Magaalas-seis pa lang. Dahan-dahan ang ginawa kong pagtayo saka nagpunta sa pinto.

"Kuya?" siya ang nasa pinto na nag-door bell. Palinga-linga pa siya sa paligid na tila di mapakali. Pagkatapos eh basta na lang pumasok sa loob.

"Nagsasama na pala kayo ng lalaking yun ha?" aniya.

"Huh? Ano bang sinasabi mo jan Kuya?"

"Kagabi pa ako nasa labas ng building niyo. Hindi ako makapunta sayo dahil nandito yung mapapangasawa mo."

Napansin kong may kakaiba kay kuya. Para siyang high na di ko maintindihan. Hindi naman siya amoy alak pero napansin kong iba na ang amoy niya. Mukhang ilang araw nang hindi nakaligo.

"Nakahithit ka ba Kuya?"

"Jacky, kailangan ko ng tulong mo." aniya, hindi sinagot ang tanong ko. Pero sa nakikita ko eh tama ang hinala ko. Naka-droga siya.

"Bakit hindi ka na lang tumawag? Pwede naman kitang padalhan na lang kung sakali." naupo siya sa sofa. "Sandali, ikukuha kita ng makakain." pumunta ako sa kusina para maghanda ng pagkaen niya.

Hindi ko pa man naaayos ang pagkain eh nandun na siya sa kusina.

"Jacky, papatayin nila ako."

Nababa ko ang pinggan at ang tinidor na hawak ko at napatingin ako sa kanya. Nag-aalalang lumapit ako at pina-upo siya sa upuan.

"Kuya, ano bang nangyari?" naupo na rin ako sa upuan sa harap niya.

"Napasubo ako eh." nanginginig pa yung dalawang kamay niya habang pinagsasalikop niya yun.

"Paanong napasubo?"

"Inalok kasi ako ng dati kong kaklase na magtulak. Ayoko naman talaga eh, kaso nandun na ako at inabutan na ako. Malaki ang kita namin ng ilang linggo kaso yung huling kargamento na nabenta ko---"

Naghihintay lang ako na ituloy niya ang kwento. Hindi na ako nagtatakang ganito na ang ginagawa niya sa buhay. Kahit naman noon pa wala na sa katinuan ang takbo ng buhay niya. At kahit nagka-anak na siya't lahat, wala pa rin siyang balak magbago. Siguro nga, old habits die hard.

"Hindi ko naman sinasadya eh." dumukwang pa siya para mas lumapit sa akin. "Nagamit ko yung ilang gramo tapos napansin yun ng buyer. Hindi na ako binayaran, kinuha pa yung kargamento. Pati yung para sa ibang buyers kinuha rin nila. Wala akong nagawa... wala akong nagawa." tila siya mababaliw at malapit nang tumulo ang luha niya.

"Hindi ako mapatawad ng pinagkukuhaan namin ng kargamento." pagpapatuloy niya. "Pinagbantaan nila akong papatayin kung hindi ko mababayaran ang dalawandaang libong piso na halaga nun."

Nasapo ko ang ulo ko sa sinabi niya. Two hundred thousand? Saan naman ako kukuha ng ganun kalaking halaga? Kahit kailan talaga, puro problema na lang ang dala saken ni Kuya.

"Kuya naman, saan ako kukuha ng ganun kalaking halaga?" mangiyak-ngiyak na ring tanong ko. Ayokong mapahamak ang kapatid ko pero wala akong ganoong kalaking halaga sa bangko.

"Kay Maico. Please, Jacky... ayoko pang mamatay. Kailangan pa ako ng anak ko."

Napatayo ako at nagpalakad-lakad. "Hindi naman ganun kadali yun Kuya eh. Gaya ng sabi ko, hindi bangko si Maico. Hindi ako basta-basta na lang na makakahingi sa kanya--- lalo na yang ganyan kalaking pera."

"So hahayaan mo na lang akong mamatay ganun ba?" pasigaw na sabi niya sabay tayo. "Maramot ka talaga eh noh?" idinuro niya pa yung hintuturo niya sa akin.

"Kuya, hindi naman sa ga---"

"Nandito ako dahil ikaw na lang ang malalapitan ko! Akala ko hindi mo ako matitiis dahil kapatid mo ako pero ano? Makasarili ka! Gusto mong solohin yang ginahawang tinatamasa mo!" tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa.

"Ako pa ang makasarili?! Naisip mo ba kung gaano kahirap manirahan dito? Halos lahat ng kinikita ko ipinapadala ko sa inyo para lang may pang-gasta kayo!" naiiyak na sabi ko.

"Tarantado ka ah!" naramdaman ko na lang yung malakas na sampal niya sa kanang pisngi ko. "Isinusumbat mo saken yan ngayon?!"

Nakita ko sa mga mata ni Kuya na parang nag-iba siya. Hindi na siya yung lalaking nagmamakaawa kanina na tulungan siya. Tila anumang oras eh kakain siya ng buhay. Napaatras ako nang humakbang siya palapit.

"Kuya---"

Bigal niya na lang hinablot yung buhok ko at hinila ako palapit sa kanya. Nanlilisik ang mga matang nakatitig siya sa akin.

"Kuya... nasasak---"

Di ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla niya na lang akong iniitsa sa may sink. Naramdaman ko ang sakit ng tumama ang likod ko roon.

"Tama na, Kuya.... buntis---"

Hinila niya yung kanang braso ko at itinulak ako sa mesa. Nabigla ako kaya naman tumama ang tiyan ko roon. "Tama na... tam---" Ramdam ko ang unti-unting pagsakit ng puson ko. Tila yun pinupunit sa sakit. Nararamdaman ko rin ang likidong unti-unting dumadaloy sa mga hita ko. Dahan-dahan kong dinama yun at lumuluhang tinignan ko ang pulang likido sa mga kamay ko.

Tila natauhan naman si Kuya at tulalang nakatingin lang sa akin. Hindi siya kumikilos habang unti-unti akong nalulugmok sa kinatatayuan ko.

"Tulungan mo ako... Kuya..." nakita ko pa ang unti-unti niyang pag-atras at biglang pagtakbo bago ako tuluyang napaupo sa sahig.

Sa nanghihina at nanginginig kong kamay ay kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko at agad pinindot ang 1. Didirekta agad yun kay Maico. Dalawang ring lang at sinagot niya agad yun.

"M-maico---"

"Beauty? What's wrong? Hey? Are you ok?" naririnig ko pang sabi niya bago tuluyang magdilim ang panigin ko at tuluyang bumagsak sa sahig.

to be continued...

__________


Nayi's Note:

Salamat po sa feedbacks sa nakaraang chapter! And I don't mean na kasali yung "bitin", "UD" at "habahabaan mo naman ang update." Well pwede na rin salamat. Sa mga nagsabi niyan, salamat sa Bad Bives!

BTW, NAPOST KO NA PO YUNG INTRO NG STORY NI MICA. SA MGA NAGSABING INTERESADO, CHECK NIYO NA LANG.

> MY POKER GUY

> www.wattpad.com/22759973

> or click the external link

Salamat!

The Nerdy Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon