Chapter Thirty

203K 2.8K 214
                                    

Inayos ko agad ang sarili ko pagkagising. Alas diyes na ng umaga ako bumangon dahil halos maguumaga na rin naman akong natulog. Kung tutuusin nga eh pakiramdam ko eh hindi talaga ako natulog. Nakapikit lang talaga ako pero gising naman ang diwa ko.

Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Maico na mali ang akala niya. Marami akong naiisip na paraan kung paano ko sasabihin pero hindi pa rin ako makapagdesisyon kung anong maganda.

Pagkarating ko ba eh sasabihin ko agad sa kanya na mahal ko siya at pumapayag akong magpakasal? Ipapaliwanag ko ba muna na hindi ko pa naman talaga nababasa yung kontrata nung tinanong niya ako at nadala lang ako ng inis ko kaya yun ang sinabi ko? Tatanungin ko ba muna siya kung seryoso talaga siya sa laman ng folder na yun? Hayy, hindi ko talaga alam kung paano. Bahala na lang siguro kung anong mangyari pagdating ko.

Sumakay ako ng taxi papunta sa condo na tinitirhan niya. Sana naman maging positibo yung kalalabasan ng pagpunta ko sa kanya ngayon. Sana naman hindi nagbago ang isip niya tungkol sa balak niyang pagpapakasal sa akin.

Dali-dali akong umakyat sa fourth floor kung saan naroon ang unit niya.

Nag-doorbell ako kahit na meron naman akong susi. Considering the fact na sinabi kong nakipaghiwalay na ako sa kanya eh parang inalisan ko na rin ng karapatan ang sarili ko na basta-basta pumasok sa tirahan niya.

Naka-dalawampung pindot na ata ako pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Kahit sumagot man lang dun eh wala. Kinabahan ako bigla. Baka kung ano nang nangyari sa kanya!

Kinuha ko agad yung susi sa bag ko naisip ko pa lang na napahamak siya o kung anuman. Binuksan ko yung unit niya at as usual, makalat yun. Dumeretso  agad ako sa kwarto niya para tignan kung naroon siya pero sa pagkadismaya ko, wala siya.  Nilibot ko rin ang buong unit pero hindi ko siya makita sa kahit saang parte nun. Baka hindi siya umuwi kagabi. Pero saan naman kaya siya magpupunta?

Naupo ako sa gilid ng kama niya. Hindi siya rito natulog. Walang bakas na nahigaan ang kama niya sa nakaraang gabi. Nilibot ko yung paningin ko at napansin kong wala yung isang maleta niya na nakapatong sa cabinet.

Patakbong pinuntahan ko yun at binuksan. Gaya ng hinala ko, nangalahati yung mga damit niya roon. Mukha pating madalian lang yung pag-eempake niya dahil gulo-gulo yung cabinet.

Saan naman kaya nagpunta yun? Hindi naman siguro uuwi ng Canada agad-agad di ba? Nanlumo ako. Pero posible yun. Sinabi niya na pinakakawalan niya na ako kaya malamang eh lalayuan niya na ako ng tuluyan.

Sinubukan kong tawagan siya sa cellphone niya pero nakapatay pa rin yun. Mula pa kagabi eh pilit ko na siyang tinatawagan pero mukhang wala talaga siyang balak na makipag-usap pa sa akin.

Napatingin ako sa bedside table niya. Napangiti ako nang makita ko yung picture ko dun na mukha akong tanga. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto niyang nakikita ang picture kong ito. Napansin ko naman yung isa pang litrato na nandun. Siya, mommy niya, isa pang babae na tingin ko eh yung isa niya pang kapatid at si Mica. Wait. Tama! Si Mica!

Kinuha ko agad ang cellphone ko at tumawag. Nakailang ring din yung cellphone ni Mica bago niya sinagot.

"Best friend! Napatawag ka?" masiglang sagot ni Mica.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. "Alam mo ba kung nasaan si Maico?"

"Huh? Si Kuya? Bakit saken mo tinatanong? Ikaw dapat nakaka-alam niyan, kayo kaya lagi ang magkasama."

 

"Yun na nga eh, nagkaproblema kasi kami. Ang iniisip niya eh ayokong magpakasal sa kanya." malungkot na sabi ko.

"Kasal?" bulalas niya bigla. "Whoah! That's something! Yiie! So niyaya ka na ni Kuya? Anong nangyari bakit akala niyang ayaw mo?"

 

Ikinwento ko sa kanya ang nangyari. Mula sa pagpapagawa niya ng kontrata hanggang sa akala niyang nabasa ko na yun at hindi ako naging interesado.

"Aww. Don't worry, aalamin ko kung nasaan siya. Sasabihan agad kita pag may nalaman ako."

 

"Thank you, Mica."

Pabagsak kong ihiniga ang sarili ko sa kama niya pagkababa ko nung tawag. Nasaan na kaya siya?

________

Nagtanong ako kung kani-kanino kung may nakaka-alam kung nasaan siya. Tinawagan ko rin ang sekretarya niya. Ang sabi nito, ipina-cancel daw ni Maico ang lahat ng meeting niya para sa buong linggo at hindi muna ito nagbigay ng araw para ire-schedule lahat yun. Ibig sabihin nito, matagal-tagal din ang balak niyang paglayo.

Nag-isip ako ng mga lugar na pwede niyang puntahan at tinawagan ko rin lahat yun pero bigo pa rin ako. Tama nga naman na hindi mo makikita ang isang tao kung ayaw nitong magpakita.

Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung mas nilawakan ko lang sana yung pang-unawa ko kay Maico eh di hind sana nangyayari ito. Kung naging bukas lang sana ako sa mga posibilidad na laman nung kontrata na iyon eh kasama ko pa sana si Maico at malamang, nagpa-plano na kami ng tungkol sa kasal. Pero ito ako ngayon, nagmumukmok dahil hindi ko siya matagpuan.

Naaalala ko pa yung hitsura niya habang sinasabi niya yung mga katagang "mahal kita". Pakiramdam ko nun eh literal na tumigil yung pagtibok ng puso ko. Ilang taon ko na nga bang inasam na marinig yun? Mula pa noong unang beses ko siyang nakita eh yun na talaga ang pinakamimithi ko.

Mahal kita Jacky, mahal na mahal. And I'll do anything para maging masaya ka. Even if it means losing you.

 

Napabuga ako ng hangin. Magiging masaya lang ako kung kasama ko siya. Pero iniisip niyang magiging masaya ako na wala siya. Handa pa siyang palayain ako dahil sa pagmamahal niya.

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba hindi ko yun nakita? Ilang beses niya na bang ipinaramdam sa akin na mahalaga ako sa kanya? Ilang beses niya na bang ipinakitang nagseselos siya? Nagpabulag ako sa kaisipan na si Lana pa rin ang gusto niya at hindi ko nakitang nasa akin na yung buong atensyon niya.

Hayy, Maico. Nasaan ka na ba?

to be continued...

The Nerdy Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon